28.

50K 1.1K 760
                                        

Greedy

Basang-basa kaming tatlo nang pumasok sa loob ng condo ko.

"Go straight to the bathroom. You'll catch a cold if you stay there longer." I told the two.

Dinala ko sa kitchen ang mga pinamili namin. Binaba ko muna iyon doon bago ako pumunta sa bedroom. Nasa labas palang ako ay rinig ko na ang malakas na tawanan sa loob ng banyo.

"Huwag kang malikot, Kiki!"

"Bleeh! Habulin mo ako Kaede!"

"Kuya Kaede nga!"

"Just Kaede!"

Nakangiti akong pumasok sa bathroom at nakita ko sila sa may tub. Killian was inside the tub, running around, while Kaede was putting shampoo on his hair. Puno ng shampoo ang buhok ni Killian dahil hindi pa ito nababanlawan. Panay kasi ang takbo niya. Maliksi ang kapatid ko dahil maliit, kaya nahihirapan si Kaede na hulihin.

Okay lang sana kaso nanginginig na rin sa lamig iyong isa. Pag 'to nagkasakit..

Napailing-iling ako. I walked towards them. Kinuha ko kay Kaede ang water hose.

"I can handle him. Go and take a shower."

"Sigurado ka bang—" he covered his nose when he sneezed.

Kumunot ang noo ko. Magsasalita pa sana ulit siya kaso muli na naman itong bumahing. He rubbed his reddish nose.

"See? You'll catch a cold. Sige na. Maligo kana..." I gently pushed him towards the shower.

Tumango ito bago tumalikod kaya tumalikod din ako. The shower was made of tiles, with a bit glass wall above so I can see his back up to his head while taking a shower.

Hindi pa nakakatulong na alam kong nakahubad siya ngayon sa loob. Mas lalong nakakapang-init ang imahe ng hubad nitong likod na hindi na yata mawawala sa utak ko. Fuck.

Kung noon, kinikilabutan ako sa sarili sa tuwing ganito ang iniisip ko, ngayon hindi na. I already acknowledged why. I desired him. And I told myself that it's okay. I can desire him nor lust over him as much as I want, as long as my respect for him is always above everything.

But I think it just became even more harder and harder to bear every single time. Dahil sa bawat araw na lumalala ang nararamdaman ko, mas tumitindi rin ang pagpipigil ko sa sarili para maingatan siya at hindi mabastos. Fuck.

"Ouch, kuya!"

Shit! Binitawan ko agad si Killian dahil hindi ko napansing humigpit na pala ang hawak ko rito.

"I'm sorry, baby.." I immediately apologized. Sinamaan niya ako ng tingin habang naglalaro ng mga bula.

Hindi na kami nagtagal pa sa banyo dahil bumibilis na ang paghinga ko. Basang-basa ako sa ulan, nanginginig sa lamig, pero pinagpapawisan nang matindi!

"Are you okay, kuya?" Kunot ang noong tanong ni Killian nang mapansin nitong nandidilim na ang paningin ko.

I cracked a smile and nodded at him. "O-of course, baby.." Of course not!

Binihisan ko siya at binigay ang iPad dito. Hinayaan ko siyang maglaro sa labas bago ako pumasok ulit sa banyo. I even hesitated. But when I saw Kaede standing near the sink, only wearing a damn baby pink bathrobe, I knew I had to lock myself in the shower.

Baka kung anong magawa kong hindi naaayon sa pinagpaalam ko sa nanay niya. When I called his Mom earlier and told her Kaede's gonna sleep over in my condo, tita Vi was teasing and joking me not to sleep in the same room. But when I told her na dalawa ang kwarto sa condo ko, sabi niya baka gapangin ko raw sa kabila. What the fuck!

Rainbows After the Rain (Fuck and Forget Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon