34.

58.5K 1.4K 816
                                        

Home

Ngumuso ako at kumalas para taasan siya ng kilay, sa kabila ng pagluha.

I side-eyed her. "Anong ate? Porket nauna kang lumabas ng two minutes sa akin?"

"Bakit? Hindi ba?" She chuckled, inangatan din ako ng kilay. "I was two minutes ahead so I am older than you."

Kumunot ang noo ko. Parang two minutes lang?! Feeling panganay na siya niyan?

Nakangusong hinarap ko ang nakakrus na kahoy sa harap namin, kung saan may fresh na bulaklak araw-araw, na sa tingin ko ay galing kay Flamora. Since only the two of us knew about this place.

"Arlene, oh!" Sumbong ko sa puntod ni Mama. "Nanlalamang na naman 'tong panganay mo raw kasi advance ng two minutes." I rolled my eyes.

"Mas nanlalamang naman 'to, Ma. May jowa siya. Naunahan pa ang ate..." siniko ko nga si Flamora kaya natawa ito. She was smiling when she looked at me. "Did Kaede already meet her?"

"Hindi pa. I was actually planning to bring him here and introduce her to him today..." I sighed.

Kaso hindi natuloy. Fuck that paparazzi. Kapag nalaman ko kung sino siya, lagot siya sa akin. Kapag nawala sa akin si Kaede dahil sa kaniya, ililibing ko siya ng buhay.

I will make sure he will step down on the ground. I will make sure his life will be miserable as well.

"Halika na. Ihahatid na kita sa condo mo. Or do you want to stay in my place tonight?"

Umiling ako.

"Kailangan kong umuwi. Nando'n si Mommy at Killian tsaka baka maisipan ni Kaede na pumunta ro'n..."

"Tara. Ihahatid kita." Tumayo na siya at tumayo rin ako.

Pumasok ako sa kotse habang nagsuot naman siya ng helmet at tinayo ang motor niya. I beeped to her and she beeped back. Nauna ako habang nakasunod siya sa akin.

I sighed. Flamora is my... twin sister. Kapatid ko siya sa totoong nanay namin. The one I met in Killian's school is our real mother. And Frieza is our sister by blood as well. The little kid they didn't know God would sent to them. A blessing.

I've already known it for a long time that they're my father's family. Alam ko, pero hindi ko pa sila kailanman na-meet. Noong una kasi ay hindi ko matanggap na hindi kami ang legal na kinakasama ni Daddy. The mother I thought was my real Mom, was actually just a surrogate mother because our real mom, Francine— which is the woman I met in Killian's school— cannot bear a child.

Iyon ang akala nila. Na hindi sila mabibigyan ng anak kaya kinuha nilang surrogate mother ang babaeng kinilala kong ina. Her name is Arlene. Siya 'yong nakalibing sa puntod kanina. A simple woman from a simple family. She used to be the Vandeleur's maid, before she became a surrogate mother.

Ang sabi sa akin ni Mama Arlene, noong bata pa ako... gusto raw akong kunin ng totoo kong ama. Malinaw ang naging kasunduan nila ng tunay kong mga magulang na kapag naipanganak niya kami ni Flamora, kukunin niya ang pera, at iiwan kami sa totoo naming mga magulang. Pero hindi iyon nangyari. Napamahal kami sa kaniya, at nang maipanganak niya kami, sinubukan niyang kunin kami ni Flamora. Nagkagulo sila noon. Walang laban si Mama sa mga Vandeleur. Ako lang ang naitakbo niya palayo.

Noon, gulong-gulo ako. Hindi ko alam kung bakit ayaw ni Mama na lumabas ako ng bahay para maglaro. Tinatago niya ako sa lahat. Akala ko, kinakahiya niya ako bilang anak. Pero noong mamatay siya, doon ko na nalaman ang totoo. That she kidnapped me from my real family. And that time, the Vandeleur was searching for her. Kung saan-saan kami nagtago. Kaya pala palipat-lipat kami ng bahay.

Rainbows After the Rain (Fuck and Forget Series #1) Published Under Pop FictionMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon