CHAPTER TEN
Christmas
Mark Jaevier Laurent:
Hoy bayaw! Kung gusto mong gumanda ang iyong buhay, i-accept mo ang friend request ko!
Mark Jaevier Laurent:
Kapag hindi mo ako in-accept, iiyak ako! Isusumbong kita kay Summer, sige ka!
Mark Jaevier Laurent:
Accept mo na ako para may pogi naman sa friend list mo.
Mark Jaevier Laurent:
Pogi, sige na... 🥺
Napailing na lamang ako pagkatapos basahin ang sunod-sunod na message requests ni Jaevier. Puro kalokohan. Ayaw kong iaccept ang friend request niya, bahala siya riyan.
I tap his profile para tingnan ang account niya. Agad akong napangiwi ng makita ang profile picture niya sa Facebook. Nakangisi siya sa profile picture niya, nakahiga sa kama, topless at nakalantad ang dibdib at ang sexy niyang collarbone.
Napakurap ako. What the fuck did I say? Sexy? Napailing ako. Kinikilabutan na ako sa mga pumapasok sa isip ko lately. Epekto na yata ito ng sobrang pagpupuyat. Matapos lang talaga itong midterm exams ay pagbibigyan ko naman ang sarili kong makapagpahinga ng mahaba-haba.
Tiningnan ko ang reacts sa profile ni Jaevier. 6.3k reacts, 1k comments, and 1k shares. Damn. Famous pala ang kupal na 'to.
Tiningnan ko ang mga comments at kagaya ng inaasahan ay halos puro babae ang nagcocomment doon, nagpapapansin sa kaniya. Lapitin talaga siya ng mga babae, halata naman kasi sa mukhang babaero siya.
Idiot:
Hulaan ko ang ginagawa mo. Nag-i-study ka na naman, 'no?
Ilang sandali akong napatitig sa message ng unregistered number na iyon na nagpakilalang admirer ko raw. Isinave ko sa contact list ko ang number niya at pinangalanang 'idiot' tutal bagay naman iyon sa kaniya.
Idiot:
Nag-i-study rin ako, nakakahiya naman kasi sa future boyfriend ko kung sakaling bumagsak ako.
Idiot:
Good luck on your upcoming exams, baby. Hindi ko na sasabihing galingan mo, kasi alam ko namang gagalingan mo talaga. Lahat naman magaling ka. Kaya nga hulog na hulog ako sa'yo, e.
I clicked my tongue. The way she talks, it feels like she really knows me. Nakakafrustrate na kilala niya ako, pero wala man lang akong kaalam-alam kung sino siya sa mga kaklase ko.
Nagtipa ako ng irereply.
Hanz:
Thank you. Good luck din sa'yo.
Wala pang sampung segundo ay may reply na agad siya. Binabantayan yata ng loko ang reply ko.
Idiot:
Tang ina. Kikiligin na ba ako sa good luck mo? XD
Idiot:
Hinay-hinay lang, baby. Hulog na hulog na ako, oh. Hindi na nga ako makaahon, gumaganiyan ka pa.
Natawa ako sa sinabi niya. Sa madalas na pagtetext niya ay minsan naeengganyo rin akong magreply. I find her creepy, pero masaya naman siyang kausap. Nakakatuwa kasi siya at ang dami palaging biro, hindi nauubosan.
Hanz:
Don't worry, handa naman akong saluhin ka kung sakali.
Natawa ako sa sariling biro. Sana nga lang ay huwag niyang seryosohin.
BINABASA MO ANG
Calmness In The Midst Of Chaos (THE PLAYBOY'S OBSESSION) ②
RomanceFormer Title: The Playboy's Obsession Mark Jaevier Laurent Obsession series # 2 "Every time I try to let go, memories of us pull me back in. I wish I could unlearn all the good things about you and erase all the memories we had to make it easier fo...