CHAPTER ELEVEN
Ballpen
The gift somehow made me forget about the things I saw earlier. And I was a bit shocked to find Jaevier's name there, for which he gave my parents and Summer gifts too.
Isa-isa kong tiningnan ang mga regalo. Puro galing sa parents ko, kay Summer, at... where's mine? Walang... para sa'kin?
Napasimangot na lamang ako ng mapagtantong walang regalo para sa akin si Jaevier. Oh, c'mon Hanz, bakit ka pa ba umaasa riyan? Pagkatapos mong sungit-sungitan 'yong tao, aasa ka ngayon na reregalohan ka niya?
Kung sabagay, mas mabuti na rin iyon. Wala rin naman kasi akong regalo para sa kaniya.
After the gift unwrapping, umakyat na ako sa kuwarto ko. Mag-a-alas kuwarto na rin kasi ng umaga at kanina pa gustong bumagsak ng talukap ng mga mata ko sa sobrang antok.
Hindi na ako kumibo ng sumunod sa akin si Jaevier sa kuwarto. Mukhang pagod na rin siya at inaantok na, kanina ko pa kasi napapansin ang panay paghikab niya.
Pagpasok sa kuwarto ay dumiretso ako sa CR para maghilamos. Hindi kasi ako sanay matulog na marumi ang mukha.
Paglabas ko ng banyo ay kaagad na hinanap ng aking mga mata si Jaevier; hindi ko kasi ito makita sa kuwarto. Namataan ko ito sa terrace, nakaupo sa railings, at nakatanaw sa madilim pang langit.
I walked towards him while drying my face with a towel.
My brows furrowed when I saw a stick of cigarettes in his hand. He's smoking.
"Naninigarilyo ka?" Tanong ko ng makalapit.
Nilingon niya ako. "Bawal ba?"
I shook my head. "Hindi naman. Medyo nagulat lang ako na naninigarilyo ka pala."
"Minsan lang, kapag bored o kaya may iniisip," he answered, his voice sounded hoarse.
Itinigil ko na ang pagpupunas ng mukha at hinayaan ko lang na nakasampay sa balikat ko ang towel na ginamit. Humawak ako sa railings at tumingala sa madilim na langit. Saka ko lang napansin na hindi pa pala tuluyang lumulubog ang buwan, kalahati na lang iyon.
"Did you have fun?" I asked, still looking at the sky.
Nakita ko sa peripheral vision ko ang paglingon niya sa akin bago humithit sa hawak na sigarilyo.
Tumango siya. "To be honest, Ngayon na lang uli ako nakapagcelebrate ng Christmas. Six years ago na kasi iyong huli akong nakapagcelebrate ng pasko na may mga kasama."
Napalingon ako kay Jaevier sa sinabi niyang iyon. What did he mean by that? Hindi ba nagcecelebrate ng Christmas ang pamilya niya? For what reason? Dahil sa religion?
Umangat ang gilid ng labi niya bago inalis ang tingin sa akin at muling tumingala sa langit. I can't help but admire his side profile, with a sharp nose and red lips that are so fucking perfect. Napatitig ako sa kaniya, gustong kuwestiyonin ang diyos kung bakit parang may perketo siyang ginawa. Is my side profile that good-looking too?
"Thanks to your family, I experienced celebrating Christmas even just once," may ngiti sa labing sabi niya. He's staring at the half-moon-the only thing we can see in the darkness of the sky.
I stared at him. Hindi ko alam kung ako lang o may nagbago talaga sa kaniya. Iba kasi ang aura niya ngayon. Ang kalmado ng mukha niya at... mukha siyang masaya.
Kumunot ang noo ko ng may maalala. "Ang sabi ni Summer... sa ibang bansa magcecelebrate ng pasko ang pamilya mo?"
Muli siyang humithit sa sigarilyong hawak bago sumagot. "Alibi niya lang iyon para pumayag ang parents mo na dito ako sa inyo mag-christmas. Ayoko sana, kaya lang pinilit ako ni Summer. Naawa yata." He chuckled.
BINABASA MO ANG
Calmness In The Midst Of Chaos (Obsession Series #2)
RomanceFormer Title: The Playboy's Obsession Mark Jaevier Laurent Obsession series # 2 "Every time I try to let go, memories of us pull me back in. I wish I could unlearn all the good things about you and erase all the memories we had to make it easier fo...