" When I'm With You " ( CHAPTER ONE ) Dormitory Series #3

2 1 0
                                        

DORMITORY SERIES: When I'm With You
CHAPTER ONE [ IN THE BEGINNING ]

masayang masaya ang umaga ni fianna dahil naka hanap na din ito ng part time job sa wakas‚ ngayon ay araw ng lunes‚ unang araw niya sa pinapasukang shop‚ ang 'Scotter Choco-Tea' isa sa mga pinakasikat na nagbebenta ng mga iba't ibang klaseng inuming syokolate at ito ay pagmamay-ari ng isa din sa pinakasikat na business man sa bansang australia‚ si mr. alejandro scott.

matapos ihanda ni fianna ang kaniyang mga gamit ay lumakad na ito palabas para pumunta sa shop. " bye po! " pagpapaalam niya sa kaniyang papa na si Finn Rivys. " ikaw din anak‚ magiingat ka! " pahabol ng papa niya at sumakay na sa isang tricycle.

nakarating na si fianna sa shop at masayang sinimulan ang kaniyang trabaho. habang dala dala niya ang order ng isang customer ay tinawag lahat ng mga workers doon kaya dali dali niya itong binigay at dahan dahang tumakbo papunta sa kaniyang pwesto.

" good day‚ everyone! let me introduce to you‚ mr. nicholie scott‚ the son of the owner of ' Scotter Choco-Tea '!! " pagpapakilala ng isang katrabaho ni fianna.

" hala beh‚ ang gwapo! "
" tehh‚ sa fiction ko lang 'to nakikita!! "
" hulog talaga ng langit ang kaniyang mga ngiti "

" ang gwapo naman ng baby ko " kinikilig na sabi ni kelly‚ kaibigan ko at kasamahan ko sa bago ko ding dormitory. " hoy! tumahimik ka nga‚ " mahinahong sambit sa kaniya. " ito na nga oh‚ " mahinahong sagot niya din sa 'kin habang kinikilig pa din.
__________

fianna's pov.

nandito ako ngayon sa likod ng shop at naglalakad lakad sa bakuran at dahil break time ko din‚ habang naglalakad lakad ako ay may nakita nalang akong isang lalake na naka-upo sa ilalim ng puno at nakayuko‚ hindi ko alam kung umiiyak ba siya o ewan‚ kaya nilapitan ko ito.

" hi? okay ka lang? " tanong ko sa kaniya at yumuko para tingnan siya. " ... " hindi niya ako sinagot at tumayo nalang bigla at sa hindi inaasahang pangyayari ay naapakan ko ang kaniyang choco-tea ng hindi sinasadya kaya naman nadulas ako at napakapit nalang sa mga balikat niya nang madulas ako.
_______________

fianna's pov.

" bitiwan mo nga ako! " inis niyang sabi at tinulak ako. " wow ha? " tanging nasabi ko. " hoy! ikaw‚ ba't mo 'ko tinulak? alam mo bang paghindi ako naka-ilag jan sa bato‚ sira na 'tong magandang mukha ko? nag-iisip ka ba? " sigaw ko sa kaniya at nag-aapoy na sa galit at inis. " kasalanan ko ba 'yon? kung hindi ka nagpakatanga jan‚ edi sana hindi kita natulak! " sumbat ng lalake sa akin.

nagulat nalang ako nang natanggal ko ang kalong suot niya dahil sinapak ko ito‚ hindi ko inaasahang ang lalakeng 'yon pala ay ang anak ng boss namin‚ si sir nico‚ kaya naman agad akong nag-sorry sa kaniya. " s-s-sorry po sir nico... " mangutal ngutal kong paghingi ng tawad hiyang hiya na sa sarili‚ aakmang aalis na sana ako ay bigla niyang hinawakan ang aking braso.

hindi ko alam ang gagawin kaya naman tumakbo na ako pabalik sa loob ng shop at tamang tama dahil tapos na din ang aking break time‚ kaya naman nagtrabaho nalang ako ng maayos.

gabi na nang matapos ang shift ko at tamang tama naman na may natitira pang mga pearls kaya naman ginawan ko ang sarili ko ng choco-tea‚ habang tinitimpla at shinishake-shake ko ang aking choco-tea ay agad akong nagtaka dahil may Isang lalake pa na nagbukas ng pinto eh sarado na kami. " excuse me po sir‚ close na po kami. bumalik nalang kayo buka- " hindi ko na natapos ang sinabi ko nang nakita ko na ang lalakeng pala na 'yon ay si sir nico na naman.

kaya naman agad akong nagtago at yumuko na lamang dahil hiyang-hiya na ako. " why are you hiding from me? " tanong niya sa akin sa malamig na boses. hindi ako umimik at patuloy parin akong hindi gumagalaw‚ lumipas ang ilang segundo ay napansin kong parang wala na siya kaya naman tumayo na ako.

" bulaga! "

" ay‚ nanay mo mukhang kabayo! " nagulat nalang ako nang nakita ko si sir nico na naka-upo sa harapan ko at iniinon ang gawa kong choco-tea‚ kaya naman hindi na ako nag-isip pa at hinablot ang gawa kong inumin. " akin 'yan hoy! " sigaw ko.

tinaas niya ang kaniyang kamay para hindi ko maabot ang inumin ko kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na kilitiin ang kilikili niya‚ habang inaabot ko ang kamay niya ay bigla nalang itong natapon sa pagmumukha niya kaya tinawanan ko na lang siya at nagsimula nadin siyang ngumiti at tumawa‚ pagkatapos ay tinapon niya sa pagmumukha ko ang naiwan na bobba kaya naman nagtawanan nalang kaming dalawa.
___________

To be continued...

Originally written by: thepenofljba

୨•୧-ljba's note:
grammatical errors and vulgar words ahead‚ small letters intended‚ work of fiction‚ read at your own risk‚ taglish.

d - i - s - c - l - a - i - m - e - r - s :

✍️ : this story is fictitious. names‚ characters‚ events‚ incidents are either from author's imagination‚ or use in fictitious manner. any resemblance of a person‚ dead or alive are purely coincidental.

" When I'm With You " Dormitory Series #3Where stories live. Discover now