Chapter 34

260 14 0
                                    

GAYA ng unang beses na makita ang babae, ganoon pa rin ang tingin ni Lei dito. Maganda si Isabella. Sophisticated. Sa kabila ng antas sa buhay ay hindi ito ganon ka-glamorosa mag-ayos. Ngunit ang tanging pagkakaiba kumpara noong una silang magkaharap. Nawala ang insecurity ni Lei sa babae. All thanks to Carter's assurance of his love for her.

"Look, I want to apologize for causing trouble. Hindi ko alam na magiging issue ang muling pagkikita namin ni CJ."

"It's okay now," sagot ni Lei.

"We're just friends now," sabi pa ng babae.

Isang pilit at pekeng ngiti ang sinagot ni Lei. As if she didn't read all her messages and she didn't hear everything she said after that call. Kanina pa rin napapansin ng dalaga na kanina pa hawi ito ng hawi sa buhok at nakatitig kay Carter at nagpapacute buti na lang at hindi tumitingin masyado dito ang nobyo.

"That's great to hear. At least malinaw na, actually, kahit hindi ka nakipagkita, okay na kami. He already explained to me everything and assured me that I'm the only one," sabi pa ni Lei.

"Huwag ka mag-alala, may asawa na rin ako at gusto ko lang talaga na makipag-kaibigan ulit sa kanya."

Alanganin siyang tumawa. "Ha, right."

Kanina pa gustong magmaldita ni Lei pero pinipigilan lang niya ang sarili. Kung gaano ka-natural ang ganda nito ay ganoon ka-peke ang ugali na pinapakita nito sa kanya sa mga sandaling iyon.

"By the way, CJ. Everything's ready for the meeting later, right?" tanong ni Isabella.

"Yeah. Everything settled. You just have to be there," kaswal na sagot nito. "But I'll leave you guys for a bit. I'll just make an important phone call."

"Okay," sagot ni Isabella.

Ngumiti sa kanya si Carter at hinalikan siya sa labi sa harap mismo ni Isabella.

"I'll be back, baby. Hmm?" malambing na sabi nito.

"Sure," sagot niya.

Nang makalayo si Carter ay agad napalis ang ngiti ni Lei at pinukol ito ng mataray na tingin.

"Now, let's cut the b*llsh*t, Isabella. You can stop pretending, dahil alam ko na hindi naman talaga pagkakaibigan ang habol mo kay James. Pinabasa niya lahat ng text messages mo, ginugulo mo siya at nakikipagbalikan ka sa kanya."

Tumikhim ito at bumuntong-hininga saka mataray siyang tinignan.

"Kung ganoon, there's no point in denying. Tama ka. I want him back."

"You're married."

"I don't love my husband."

"Hindi na problema ni James 'yon. He doesn't want you back in his life."

"At sino ang nagsabi? Ikaw?"

"Siya mismo. Sinabi niya sa akin kagabi bago ka tumawag, nagkataon na nag-uusap kami tungkol sa inyo."

"Bilang na ang mga oras ko sa mundo, Lei. I have Leukemia. Stage 2. Ang sabi ng doktor ay mabilis magprogress ang cancer cells ko at ano man oras ay magiging stage 3 na ako. Bago ako mawala sa mundo, gusto ko na makasama si CJ. Kung siya mismo ang umayaw sa akin, baka puwedeng tulungan mo ako. Ikaw na mismo ang lumayo sa kanya, Lei. Ipaubaya mo na siya sa akin. Na-realize ko na siya pa rin ang mahal ko sa kabila ng sampung taon na lumipas. We are each other's first love, I'm sure there's still a bit of love in him for me. Hindi niya lang makita iyon dahil nariyan ka. Kapag nawala ka sa paningin niya, sigurado akong mapapansin niya ulit ako."

Sa halip na mainis ay napailing na lang si Lei. Gusto niyang matawa pero sa kabilang banda ay nakaramdam siya ng awa dito. Is she deprived of love? Bakit ganito na lang kung manlimos ang babaeng ito ng pag-ibig at atensiyon?

The Ex-Con Billionaire's Indecent ProposalWhere stories live. Discover now