CHAPTER FIFTEEN
Confirmed
Hindi na ako nakatulog pa ng gabing 'yon. Binabagabag parin ako ng ideya na gusto kong tikman ang labi ni Jaevier. Like, what the fuck? Sinong straight na lalake ang mag-iisip ng gano'n sa kapwa niya lalake rin? Kahit siguro dalhin ko ito sa korte, hindi ako papanigan ng batas, eh.
Tang inang 'yan. Am I gay? The last time I checked, straight pa naman ako. Oo nga at hindi ako nagi-girlfriend pero straight ako, sigurado akong straight ako. I am straight as a fucking arrow. Pero ngayon... Putang ina! Hindi ko na alam. Hindi na ako sigurado. Nagugulohan ako.
At ang hindi ko matanggap ay kung bakit ang taong umahas pa sa girlfriend ko noon ang babaliko sa akin? At ex-suitor pa ng pinakamamahal kong baby sister? Tang ina. Ano na lang ang iisipin ni Summer kapag nalaman niya ang tungkol dito?
Fuck! Susunod na yata ako sa yapak ng kapatid ko. Walang dudang magkapatid nga kami ni Summer. Parehong baliko.
Mom, dad, I'm sorry, po. Pati panganay n'yo, mababaliko pa yata.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa naisip. Although hindi pa naman ako sigurado talaga sa sexuality ko, Kailangan ko muna ng confirmation. Kailangan kong obserbahan pa ang sarili ko. Kung ano man itong bagong nararamdaman ko sa sarili ko, kung totoo man nga na bakla ako, then kailangan kong maghanda dahil alam kong magiging mahirap ang papasukin ko.
"Umalis na si Jaevier. Hindi na nga siya nagbreakfast, eh. Nagmamadali umalis. Pinapasabi rin niya sa'yo na thank you raw sa pagsundo," ani Summer ng mapansin nitong iniikot ko ang paningin sa dining. Nakaupo siya sa harap ng mesa, busy sa kaniyang cellphone habang umiinom ng gatas.
Pasado alas sais na ako bumaba sa kusina. Hindi ko na naabutan pa ang mga magulang ko sa sobrang aga nila pumasok ng trabaho. Sabado naman ngayon at walang pasok sa school.
"Tang ina niyang si Jaevier. Naabutan ko pang nakikipag-away kagabi sa bar. Kung hindi ako dumating baka nagulpi na ang tarantado na 'yon," salubong ang kilay na pagkukuwento ko. "Sinundo ko na nga't lahat, sinuntok pa ako."
Tinungo ko ang coffee maker at gumawa ng kape. Hindi talaga nawawala sa akin ang kape tuwing umaga. Coffee is life.
Humagalpak ng tawa si Summer. "Kaya nga worried na worried ako sa kaniya kagabi. Mag-isa pa naman siyang umiinom. Okay lang sana kung kasama niya 'yong circles niya."
"Ang malala pa, napagkamalan niyang ako ikaw." Napailing ako ng maalala ang mga sinabi ni Jaevier kagabi. Pati iyong ekspresyon ng mukha at boses niya ay malinaw na malinaw parin sa ala-ala ko.
Tang inang Jaevier, patay na patay pala sa kapatid ko? Imagine? ten years niyang pinapanood lang mula sa malayo si Summer?
Kung sabagay, maganda naman kasi talaga ang kapatid ko. Kanino pa ba 'yan magmamana? E 'di sa kuya niyang pogi!
Naibuga ni Summer ang gatas na iniinom dahil sa sinabi ko.
"What?!" Nanlalaki ang mga matang bulalas niya, tila gulat na gulat.
Pinadaanan ko ng mga daliri ang medyo magulo ko ng buhok. Humahaba na ang buhok ko. Three years straight na akong hindi nagpapalit ng hairstyle at palaging wolf cut lang ang gupit, siguro panahon na para magbago ng looks. Ano kayang hair cut ang babagay sa akin? Iyon sanang mas lalo akong popogi. Mullet? Undercut? Two block? O man bun kaya? Hmm...
"He confessed to me last night. Akala niya ikaw ang kausap niya," ani ko bago ini-off ang coffee maker at naglagay ng kape sa tasa ko.
Sumabog ang tawa ni Summer na umalingawngaw sa buong kabahayan. Napasandal pa siya sa kaniyang kinauupoan at halos maiyak na sa katatawa.
BINABASA MO ANG
Calmness In The Midst Of Chaos (Obsession Series #2)
RomanceFormer Title: The Playboy's Obsession Mark Jaevier Laurent Obsession series # 2 "Every time I try to let go, memories of us pull me back in. I wish I could unlearn all the good things about you and erase all the memories we had to make it easier fo...