CHAPTER SIXTEEN
Kiss
Baby sis:
Mauna ka na umuwi, kuya. Isasabay na lang ako ng friend ko pauwi. Pupunta pa kasi kami sa gym para manood ng basketball practice.
Iyon ang message ni Summer ng papalabas na ako ng classroom. Katatapos lang ng huling subject ko para sa hapon na ito.
Basketball practice? Kaya pala hindi ko nakitang pumasok sa klase ngayong hapon iyong kupal. Siguradong nasa gym iyon ngayon.
Patalong umakbay sa akin si Axiel na sumunod pala sa'kin.
"Tara pre, arcade tayo? Wala ka naman sigurong gagawin, 'di ba?"
Umiling ako habang ibinubulsa ang cellphone ko. "I'm going to the gym."
His brows furrowed. "Anong gagawin mo ro'n? I know you at alam kong hindi ka pumupunta ng gym, unless na kailangan."
"Nandun 'yong kapatid ko, pupuntahan ko," sagot ko.
"Sama ako! Mang chics hunting tayo!"
Napailing na lamang ako. Tang ina talaga nitong si Axiel. Sakit na yata niya ang pagiging babaero. Kailan ba titino ang hayop na 'to? Kapag talaga 'to kinarma, ako ang unang-una papalakpak sa kaniya.
Medyo may kalayuan ang gym sa department namin, kaya inabot kami ng kinse minutos bago nakarating doon. Ako ang nauuna sa paglalakad dahil panay pa ang panglalandi ni Axiel sa mga babaeng nakakasalubong.
Marami ang tao sa gym ng dumating kami, halos lahat ay babae. Agad ko ring namataan ang kapatid ko sa bleacher, kasama ang ilan sa mga kaibigan nito. Bumakas ang pagtataka sa mukha niya ng makita ako, ngunit agad ding ngumiti at kumaway sa'kin. Napatingin din tuloy sa amin ang mga kasama niya at agad nanlaki ang mga mata at namula ang mga pisngi ng makilala ako.
Tumingin ako sa gitna ng court habang naglalakad patungo sa puwesto ng kapatid ko. Kaagad na dumapo ang paningin ko kay Laurent. Naka-squat ito at nakatukod ang mga kamay sa tuhod, pawisan, at medyo hinihingal.
My eyes landed on his biceps. Naka-jersey siya, kitang-kita tuloy ang biceps niya. Fuck those biceps... Parang ang masarap magpaheadlock, ah.
Gusto kong mapailing sa naisip. Medyo nagugulat parin ako sa mga naiisip ko lately, pero hindi na katulad dati na kinikuwestiyon ko pa kung bakit ganito ako mag-isip. Paunti-unti ay tinatanggap ko na sa sarili ko na... Bisexual ako, at... Gusto ko siya.
Oo na, gusto ko ang bobo na 'yon. At kung kailan nagsimula iyon ay hindi ko alam. Hindi ko rin alam kung bakit dahil sa totoo lang, wala namang kagusto-gusto sa kaniya. Masyadong unexpected talaga na magkagusto ako sa tarantadong iyon.
Sa ngayon ay inoobserbahan ko pa ang sarili ko. Hindi ko rin muna masyadong inaalala ang nararamdaman ko. Saka ko na lang poproblemahin kung ano ang susunod na gagawin ko kapag nasigurado ko nang gusto ko nga si Jaevier. Baka kasi hindi ko naman talaga siya gusto at mali lang ang pagkakaintindi ko sa nararamdaman ko. Baka kung ano lang 'to at mawala rin agad.
Napatingin si Jaevier sa gawi namin at agad na rumehistro sa mukha niya ang gulat ng magtama ang aming mga mata, hindi yata niya inaasahan na magagawi ako rito sa gym.
I'm not into sports, mas pukos kasi ako sa pag-aaral. I wasn't a fan of basketball, but I do know how to play it a bit.
Napaayos ng tayo si Laurent at pinadaanan ng daliri ang magulo at medyo basa na niyang buhok. Pero hindi kagaya ng dati ay hindi siya nag-iwas ng tingin ngayon. Nakatingin parin siya sa akin at kahit noong tumatakbo na siya sa gitna ng court ay pasulyap-sulyap parin siya sa'kin.
BINABASA MO ANG
Calmness In The Midst Of Chaos (Obsession Series #2)
RomanceFormer Title: The Playboy's Obsession Mark Jaevier Laurent Obsession series # 2 "Every time I try to let go, memories of us pull me back in. I wish I could unlearn all the good things about you and erase all the memories we had to make it easier fo...