Chapter 25

48 0 0
                                    


Chapter 25

Sabi nga kung masaya ka o kayo hindi ninyo namamalayan ang paglipas ng mga oras at ng araw. Mula ng araw ng graduation hanggang sa mga oras na iyon ay apat na buwan na ang nakakalipas. Sa sobrang bilis hindi na nila naramdaman.

After graduation sinamahan na kaagad ni Rico si Claudia sa Maynila para makapagreview para sa board exam. Kahit sabihing kindergarten teachers  siya ay hindi naman dapat ni la-lang-lang, lang iyon. Kailangan pa ring kumuha ng board exams. Dapat pa rin ay professional siya bago siya mag-apply sa mga eskwelahan para maging guro. Mahirap ng mapag-usapan na guro siya pero hindi naman nakapasa.

"Wake up Sisima," ani Rico sa natutulog na asawa. Iyon ang araw ng pagkuha ni Claudia ng board exam. Alas kwatro pa lang ng madaling araw sa mga oras na iyon.

"Inaatok pa ako Morning Seven."

"Sisima, alas kwatro na. Ikaw ang may sabi na gisingin kita ng maagap di ba? Ikaw ang nagpagising sa akin ng four."

"Fifteen minutes Morning Seven, mag-alarm ka ulit." Napailing na lang si Rico. Matapos ma-set ang alarm ng fifteen minutes ay nahiga din siya sa tabi ni Claudia at mahigpit na niyakap ang asawa.

Sa init ng yakap ni Rico ay parang mas lalong nahihimbing si Claudia. Kaya naman bago pa mahimbing si Claudia ay nagsimulang halikan ni Rico ang leeg ni Claudia.

"Hmm."

"Don't moan Sisima!"

"Nagbanta ka pa ikaw naman itong halik nang halik sa akin."

"Baka hindi ako makapagpigil ay hindi ka na makakuha ng exam ngayon."

"M-morning S-seven n-naman eh," ungol pa ni Claudia.

"Sisima!"

"Ikaw kaya ang tumigil sa ginagawa mo."

"Huwag ka na kayang mag-exam."

"Morning Seven, hindi pwede. Ang tagal ko kayang hinintay ng araw na ito. Ilang buwan na rin tayong hindi nakakauwi ng probinsya. Sa tawag lang natin nakakausap ang inay at itay pati na rin ang lolo."

"Ganoon naman pala. Bangon na. Gusto mo paliguan kita?"

"Baliw ka! Nagluto ka na?"

"Yup! Ako pa. Kaya nga kanina pa kita ginigising. So tara na."

Mas nauna pang bumangon si Claudia kaysa alarm ni Rico. Naupo na siya sa kama kasunod si Rico.

"Morning Seven, mahal kita," ani Claudia at kinabig siya ni Rico para yakapin at halikan siya sa labi. "Tara na."

Inalalayan pa siya si Rico pagtayo. Bago naman sila lumabas ng kwarto ay inalis na ni Rico ang alarm sa cellphone nito.

Pagdating ng kusina ay nakahayin na ang pagkain niluto ni Rico. Kailangan niyang kumain ng marami.  Wala na dapat kasing dala, na kahit ano pagkuha ng exam maliban sa ballpen at lapis.

"Salamat sa masarap na breakfast."

"Galingan mo sa exam. Mag-ayos ka na ng sarili mo ako ng bahala dito."

"Okay, sige," ani Claudia at binigyan niya ng isang halik sa labi si Rico. Bago niya ito iniwan ng tuluyan.

"Ready ka na?"

"Kahapon pa Morning Seven."

"Good luck. Alam kong kaya ko yan. Nandito lang ako sa labas hihintayin kita."

"Hindi ka ba uuwi muna? Maghapon iyon Morning Seven."

"Hindi na."

"Okay, I love you Morning Seven."

Loving You But Not Having You (Haciendero Series 03)Where stories live. Discover now