CHAPTER 26 - ROSE

2 0 0
                                    

Days have passed at ganoon pa rin ang set up namin. Papasok s'ya sa school, papasok naman ako sa trabaho. Bukod doon, minsanan na lamang din kami kung mag chat dahil sa busy schedules naming dalawa. He's busy on his acads since nalalapit na rin ang thesis defense ng mga ito. Kailangan niyang mag focus at mag aral para hindi ito mag cram sa mismong defense nito.

Sa kabilang banda, hindi na rin ako masyado magka pag chat ng maayos rito dahil nagkasunod-sunod ang deliver ng items namin sa trabaho. Kinakailangan ko ring ibigay ang buo kong atensyon rito dahil nakasalalay sa akin ang mga items na dapat malagyan ng tamang halaga.

Pero hindi naman namin hinahayaang matapos ang maghapon nang wala kaming kumustahan sa isa't-isa. Late reply man ito o hindi, maikli man ang napapag usapan namin dahil sa antok dulot ng pagod, nagagawan pa rin naman namin ng paraan para alamin ang nangyayari sa buong maghapon namin.

And I think it's normal considering that we are in our adulting stage phase right now. Hindi puro kilig, hindi puro saya, at hindi puro usap lang. We need space lalo na kapag kailangan rin nating i-recharge ang sarili nang dahil sa pagod.

It's genuine, tho. You two respect the 'me time' of each other. A love language indeed.

I only have 30 minutes to have my lunch done. Sobrang bitin na oras para sa katulad kong mabagal kumain. But I don't have a choice. Required iyon para sa aming nag checheck ng items para hindi matambakan sa mga susunod pang deliver.

Himala na lamang na may ilang minuto pa ang natitira bago ako sumabak ulit sa trabaho kaya nagpahinga muna ako kasama ang mga naging kaibigan ko na rito.

"Omg, Ma'am Moren! Tingnan mo 'to!" pag agaw ng atensyon sa akin ng katrabaho kong babae. Kaagad niyang iniharap sa akin ang phone niya. Kunot noo ko namang tiningnan ang larawang pinakita nito. Malikot ang kamay nito habang nakaharap sa akin, basta ang alam ko ay isa itong bungkos ng bulaklak. Hindi ko pa nga napagmamasdan ang detalye ng litrato dahil sa likot ng kamay nito ay bigla itong umirit na parang s'ya lamang ang tao sa karinderya.

Kaagad ko itong tinapik at nahihiyang tumingin sa mga taong kumakain sa loob.

"Hoy, ano ka ba? Kumalma ka nga dyan. Parang bulaklak lang, nagkakaganyan ka na." paninita ko rito ngunit may halo itong biro.

Mariin niya akong tiningnan. "Psh, porket walang nagbibigay sayo, nagkakaganyan ka na, Ma'am Moren. Siguro ever since wala ka pang natatanggap na ganito, 'no?" pang iinis pa niya.

I rolled my eyes. "At paano mo naman nalamang wala pa akong natatanggap na bulaklak?"

She sarcastically laughed. "Sa pihikan mong 'yan, Ma'am Moren? Maglalakad pa nga lang papalapit sayo yung lalaki, tatarayan mo na at lalayasan. So paano ka makakatanggap ng bulaklak kung lahat ng lalaki e itinataboy mo palayo?"

"Kasalanan ko bang duwag sila pagdating sa'kin? Tsaka, wala naman akong ginagawa sa kanila, a? Bakit sakin ka nagagalit?"

Pinagkrus nito ang braso at matamang tumingin sa akin. "O sige nga, Ma'am Moren. Sino 'yang pinagmamalaki mong nagbigay sayo ng bulaklak?"

Nilabanan ko ito ng titig at pinag krus din ang braso. "First love ko." mataray at may pagmamayabang na sabi ko.

I can still remember the day Calis gave me a piece of flower.

Recess time. Kasama ko si Sanny na kumakain galing canteen. Pillows at Zesto juice lamang ang binili namin since hindi pa naman lunch. Paborito ko ring kainin ang Pillows dahil pinapapak ko pa ang chocolate sa loob nito. I'm addicted to it kaya inaaraw araw ko ang pagkain nito.

And since it's recess time, kaliwa't kanan na naman ang ingay na maririnig mo sa paligid. Iyong tipong kahit saan mo idapo ang mga mata mo ay wala kang makikitang nakasarado ang bibig. Nang dumapo ang mata ko kay Sanny ay kaagad akong napatawa. Nagsasalita kasi ito habang may laman pa ang bibig. Hindi na ako magtataka kung mamaya ay nabulunan na ito sa kadaldalan niya.

Hindi pa nga kami nakakarating sa corridor ng room namin ay ubos na ang kinakain nito. Sa corridor na namin napiling magpahinga dahil wala na kaming espasyo sa round table. Sa dami ba namang estudyante ang naririto ay mauubusan talaga kami. Hindi na nga lamang namin naisipang makipag unahan dahil nakakaubos lang ng lakas. Mahangin rin naman sa corridor kaya doon na lang rin kami pumwesto.

Nakaupo kami sa hallway at masayang nagtatawanan ni Sanny nang biglang sumulpot si Calis. Gan'on na naman ang karera ng puso ko sa kaba. Naamoy ko na naman ang pamilyar niyang amoy na kabisadong kabisado na ng ilong ko.

"Hi, Moren."

"C-calis.." sambit ko na lamang nang dahil sa kaba.

"Hoy, Calis. Umalis ka nga rito! Nagkukwentuhan kami, e." sabat naman ni Sanny na kaagad ko namang sinamaan ng tingin.

Ibinalik ko ang tingin kay Calis na tinawanan lang si Sanny. Nang makita nang malapitan ang malalim na dimple nito ay namangha na naman ako.

"U-uhm.. gusto mo ba, Calis?" pag aalok ko ng kinakain kong Pillows.

Akmang kukuha na si Calis sa inalok ko ay kaagad naman inagaw ni Sanny ang pagkain. Nagugulat namin itong tiningnan ni Calis.

"Aba naman, Moren! Ako yung kanina pang nandito tapos yang si Calis na kadarating lang ang aalukin mo?" nanlalaki ang ilong sa galit na sabi nito.

Pekeng ngiti ang binigay ko rito habang inilalahad ang kamay ko para ibalik sa akin ang pagkain ko.

"Akin na yan.." nanggigigil na sabi ko habang nanlalaki ang mata ko rito. Ayokong makita ni Calis kung paano ko awayin si Sanny kaya hangga't maaari ay ikinakalma ko ang sarili ko.

Patuloy pa rin niyang inilalayo sa akin ang Pillows na kinakain ko kaya mukhang mahihirapan akong pakalmahin ang sarili.

Nakangiti pa rin akong nakalahad ang kamay dito at pigil ang panggigigil na tiningnan ito. "Sige na.. akin na 'yan."

Akma ko na itong aagawin sa kanya nang pigilan ako ni Calis kaya napatingin kami ni Sanny rito.

"Hayaan mo na, Moren. Busog pa rin naman ako, e."

Umayos ng upo si Sanny. "Psh, e bakit kasi nandito ka?"

Aambahan ko na sana ito ng hampas nang magsalita si Calis.

"May ibibigay sana ako kay Moren."

Nang sabihin niya iyon ay naguguluhan akong napatingin dito.

"Ibibigay?" naguguluhang tanong ko. Nagkatinginan pa kami ni Sanny at nagkibit balikat lamang ito sa akin.

Nang ibalik ko ang tingin kay Calis ay hindi mukha nito ang nakita ko. Bumungad sa akin ang isang pirasong bulaklak. It's a cute rose flower ballpen. No. For me, it's not a fake flower. It's artificial and everlasting.

Kinakabahan ko itong tinanggap at marahang inamoy. Bahagya pa akong napangiti dahil amoy lalaki ang rosas na ito. Halatang pinasiritan n'ya muna ng ginagamit nitong pabango bago ibigay sa akin.

Narinig ko ang pagtikhim ni Sanny kaya napatingin kami sa kanya. Nakita ko naman ang pandidiri at inggit sa akto nito. Tinawanan lamang namin nito ni Calis.

"Uhm.. papasok na ako sa room ko, Moren." he said.

Nginitian ko ito at tinanguan. "Thank you sa flower, Calis."

He bid goodbye. Sinundan ko pa ito ng tingin hanggang sa makapasok ito sa room niya. Impit ang kilig akong bumaling kay Sanny habang inamoy amoy ang bulaklak. Isinawalang bahala ang masamang tingin nito sa akin.

Padabog niyang ibinalik ang Pillows sa akin. "Sayo na yang pagkain mo, wala namang lasa." pagtatampo nito.

Pinulot ko ang Pillows at marahang inilahad sa kamay niya.

"Sayo na 'yang Pillows ko, Sanny. May bago na akong kaaadikan."

FORBIDDEN, LOVE. Where stories live. Discover now