CHAPTER 17

6.5K 278 111
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

Valentine's day

"Omg! Kuya, look, oh!"

Mula sa pinapanood kong movie sa TV ay napalingon ako sa main door ng biglang pumasok si Summer. Agad na umangat ang kilay ko ng makita ang yakap-yakap nitong human-size pink teddy bear. Bukod pa ang hawak niyang malaking bouquet ng pink tulips.

Wow.

"Yesha gave this to me. Look, it's so cute, right?" Ngiting-ngiting sabi niya ng makaupo sa couch, sa tabi ko. Inilapag niya sa lamesita ang flower bouquet at iniharap sa akin ang teddy bear. Mas malaki pa yata iyon sa kaniya.

Tumango ako. "Spoiled na spoiled, ah?"

"Naman." Umirap siya sa akin at nagflip hair pa. "Sa ganda kong 'to, hindi niya i-i-spoil? Suwerte kaya niya, meron siyang gf na maganda!"

Marahan akong natawa. Manang-mana talaga sa akin itong kapatid ko.

Valentine's Day ngayon at nasakto pang sabado. Nakikita ko naman kung paano alagaan at i-spoil ni Yesha ang kapatid ko kaya kampante ako na hindi niya sasaktan si Summer. Kita kong masaya si Summer sa babae at halata sa kilos niya kung gaano niya ito kamahal.

As her older brother, masaya ako na masaya siya. Masaya ako na nakikitang itinatrato siya ng maayos ng karelasyon niya. Kasi kung sasaktan lang din siya ng ibang tao, aba, hindi yata ako makakapayag. Ako nga na kuya niya, hindi siya sinasaktan tapos sasaktan lang siya ng ibang tao? Prinsesa namin siya rito sa bahay, kaya walang puwedeng manakit sa kaniya.

"Summer."

Mula sa paglalaro sa teddy bear na nasa kandungan niya ay lumipat ang paningin niya sa akin. Nagtatanong ang mga matang tinitigan niya ako.

I fixed my glasses using my forefinger. "Paano mo nalamang... gusto mo si Yesha? I mean, parehas kayong babae. Hindi ka ba naconfused o nahirapang i-analyzed ang nararamdaman mo?" Sinulyapan ko siya bago ibinalik ang paningin sa pinapanood. Nanonood ako ng horror movie, the conjuring.

Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagngiti niya bago ibinalik ang tingin sa manikang nasa harapan niya.

"Naconfused, syempre. Sino ba naman ang hindi?" She chuckled. "Noong una, akala ko talaga normal lang 'yong mga pagseselos ko kapag may kasama siyang iba o kapag hindi niya ako nabibigyan ng atensiyon, kasi nga magbest friend kami. I mean, normal naman makaramdam ng gano'n sa isang kaibigan 'di ba?"

Umayos ako ng pagkakasandal sa couch. Nakatutok ang mga mata ko sa TV ngunit sinisigurado ko na wala akong mapapalampas sa mga sinasabi niya.

Simula mga bata pa ay open na kami ni Summer sa isa't-isa. Ako ang sumbongan niya ng mga problema niya. Since palaging busy ang parents namin ay sa akin siya palaging lumalapit at nagsusumbong ng mga hinaing niya sa buhay.

Sinisigurado ko palagi na nakikinig ako sa kaniya para maiparamdam sa kaniya na kung sakaling talikuran man siya ng buong mundo, mayroon siyang kuya na puwede niyang takbohan kapag hindi na niya kaya. Bago pa man dumating ang mga bagong kaibigan ni Summer, ako ang unang-unang naging kaibigan niya. At ganoon din siya sa akin.

"I never really thought I would fall in love with her. Because I know that having these feelings is against the world. Never ko rin naisip na magkakagusto ako sa kapwa ko babae. Pero 'yon na nga... Narealized ko na hindi lang siya kaibigan sa 'kin. I don't want to be friends with her anymore. Ayokong makuntento lang sa pagiging magkaibigan namin. Because I knew to myself that I wanted more than that. Kaya ayon, I decided to confess to her."

Mabilis akong napalingon sa kaniya. My lips parted in disbelief. Siya ang unang nagconfess? Akala ko pa naman si Yesha ang unang umamin. Tang inang 'yan.

Calmness In The Midst Of Chaos (Obsession Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon