CHAPTER 18

6.1K 319 172
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

Permission

"You missed me?" Nakangising tanong ko ng sa wakas ay mahimasmasan na ako mula sa pagkakasamid kanina.

I leaned closer to him while playfully grinning. Tuwid na tuwid ang titig niya sa mga mata ko, at kahit ng halos ilang dangkal na lamang ang layo ng mukha ko sa kaniya ay hindi man lang siya nag-iwas ng tingin, buong tapang parin siyang nakikipaglabanan ng tingin sa'kin.

Kapag ito hinalikan ko ano kayang magiging reaksiyon niya? Mababahag kaya ang buntot niya o mas lalo lang tatapang? Siguro mag-a-ala-tigre siya? Tapos sasakmalin ako?

Gusto kong humalakhak sa naisip. Handang-handa akong magpasakmal, Laurent. Kung gusto nga niya ako pa ang lalapit, eh.

"Huwag mo akong ginaganiyan, Ybañez," seryosong sabi niya na hindi parin inaalis ang tingin sa mga mata ko.

I raised my eyebrows before I chuckled lightly. "Hmm? Bakit?"

Mula sa mga mata niya ay bumaba ang tingin ko sa magkalapat niyang mga labi. Damn... Ngayon alam ko na kung bakit obsessed na obsessed sa kaniya ang mga babae sa kabila ng pagiging playboy niya. Tang ina, labi pa lang kasi niya masisiraan ka na ng bait sa kagustohang matikman iyon.

"Marupok ako."

Ilang segundo akong napatitig sa kaniya bago ako napaayos ng upo at humagalpak sa sinabi niya. Marupok pala 'to? Mabuti naman kung gano'n. Lalandiin ko nga, titingnan ko kung hanggang saan ang karupokan ng kupal na 'to. Hmm...

"Ang guwapo mo tumawa," komento niya habang titig na titig sa akin. His face was filled with amusement as he watched me laugh.

Humina ang tawa ko at lumingon sa kaniya. "Hmm?"

Umiling siya, ngunit nakapaskil na sa mga labi ang maliit na ngiti. "Ang sarap mo titigan, tang ina."

I chuckled. Kung dati ay kinikilabutan ako sa tuwing pupuriin niya, ngayon ay iba na ang epekto sa akin ng mga salita niya. Hindi ko maintindihan. Kakaiba. Nakakapanginig... Pero masarap sa pakiramdam. He really knows how to play with his words, huh?

Nakakapanginig ng kalamnan ang mga salitang lumalabas sa bibig niya. Ganito pala ang epekto niya sa mga babae. Dati nagtataka pa ako kung bakit ang dami paring pumapatol sa kaniya despite being a notorious playboy, ngayon alam ko na.

Si Jaevier iyong klase na aware na guwapo siya, at gagamitin niya iyon sa'yo para manghina ka. Alam na alam niya kung paano gamitin ang charm niya para kunin ka. He would use it until you melted under him.

Inayos ko ang eyeglasses sa ibabaw ng ilong ko. "Huwag mo akong ginaganiyan, Laurent."

Siya naman ngayon ang natawa. Halos mawala na naman tuloy ang mga mata niya.

"Bakit?" Tanong niya sa pagitan ng pagtawa.

Pinakalma ko ang sarili at tinitigan siya. "Baka kasi paglingon mo, inaalagaan ka na ng isang Ybañez."

Napasinghap siya bago muling sumabog ang tawa. Kitang-kita ko kung paano kuminang ang mga mata niya. Tuwang-tuwa, ah?

'Yan, ganiyan nga Laurent. Gawin mo akong happy pill mo. Huwag ka na roon sa babaeng 'yon, hindi kayo bagay.

Umangat ang kabilang gilid ng labi ko habang pinapanood kung paano siya humagalpak ng tawa sa sinabi ko. Akala siguro niya nagbibiro ako.

Tototohanin ko talaga ang sinabi ko kapag hindi pa niya ako tinigilan sa panglalandi niya. Baka makita na lang niya ini-spoiled na siya ng isang Hanz Winter Ybañez. Masarap pa naman ako mag-alaga. Hindi na siya lugi sa'kin.

Calmness In The Midst Of Chaos (Obsession Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon