You received a message from Loraine.
Loraine: Nasaan ka na? Pagsasaraduhan na kita ng pinto.
Binasa ni Fioren ang message ng kaniyang pinsan pagkatungtong niya sa platform ng istasyon. Hinihingal niyang hinawakan ng mabuti ang phone niya para makapagreply sa message nito.
Fioren: Kakarating ko lang sa LRT. Naghihintay pa ako ng tren. 'Wag mo akong pagsaraduhan o isusumbong kita kay Tita?
Huminga siya ng malalim bago punasan ang pawis sa kaniyang noo. Kanina pa siya naliligaw Cubao. Ang dami daming pasikot-sikot at hindi niya alam kung saan pupunta. Nagtanong naman siya kung nasaan ang train station, pero nalito lang siya lalo.
She's bad at directions, and she wishes she realized that before going to Metro Manila alone.
Nung una ay nag-aalangan pa siyang pumunta sa lugar na hindi siya pamilyar. Fioren lived most of her life in the province. Kahit na may tyansa siyang mag-aral sa Manila ay tinanggihan niya ito at sa isang kolehiya sa probinsya nalang nag-aral.
Change is too daunting, and Fioren is not a dauntless girl. If she were to lead a fantasy film, it would've been boring.
Kaya nang utusan siya ng kaniyang ina na samahan ang pinsan niya sa dorm nito, nagpumilit siyang ipasa ito sa iba niyang pinsan. She doesn't have any siblings to order around, kaya wala siyang choice.
In the end, her efforts are unfruitful and here she is now, in a place so foreign and complicated for her unadjusted mind.
Huminga ng malalim ang dalaga at tumingin sa paligid. Narinig niya sa kaniyang mga kaibigan na kailangan raw niyang mag-ingat sa mga istasyon dahil may magnanakaw o holdaper dito, ngunit hindi na niya kailangang mag-alala dahil wala namang tao kundi siya lang.
Tumingin siya sa kaniyang relo. 12 am na pala. Kaya siguro wala nang tao ay dahil hatinggabi na.
Sakto naman ang pag-angat ng ulo niya sa platform ay dumating na ang tren. Kung hindi pa niya narinig ang ugong nito ay baka naiwanan pa siya.
She looks around. There are no guards to be seen. It feels like she's alone in this world if it wasn't for the beeping of her phone.
Sumampa muna siya sa loob ng tren bago buksan ang panibagong message ng kaniyang pinsan. Nagulat siya nang wala ring ibang tao sa tren, pero hindi na niya ito pinansin at kumapit sa isang pole.
Fioren looks at the top of the closing doors. Alam na niya kung saan bababa. Basta kailangan lang niyang makinig sa announcement ng konduktor at hindi siya maliligaw.
Napunta ang tingin niya sa mensahe ng pinsan na nagpakunot ng noo niya.
Loraine: LRT? 12 na ah, hindi na bukas 'yan. Hanggang 9 pm lang bumabyahe ang tren.
Tila bumagsak ang puso ni Fioren nang mabasa niya iyon. She looks up again, but contrary to what her cousin told her, the train is still running and has already left the station.
"The next station is, ▆▆. Ang susunod na istasyon ay ▆▆."
Mas lalong kinabahan si Fioren nang mapansin ang sira na speaker. She quickly sends a message to her cousin, her finger shaking while she conjures up the strength to press the screen.
Fioren: Ano? Eh nakasakay na ako sa tren?
Message Failed to Send.
"What the fuck?" Kinakabahan niyang mura nang hindi mag-send ang message niya.
She tries to send another message.
Message Failed to Send.
And again.
BINABASA MO ANG
Observer Magic Theories 101
FantasySTANDALONE NOVEL | Ongoing Entering her first train ride, Fioren didn't expect that she would end up in another world. Being transported to an unknown place is one thing, but being magic-less in a world that runs on it is the last thing Fioren Ver Y...