03 - Cinderella-6 - Selma, the Runaway Temptress [Vanessa]

554 2 0
                                        


               Katulong ang trato kay Selma ng kanyang tiyahing si Belia at

ang anak nitong si Gotcha.

               Nang pilit siyang pinasali ng tiyahin sa Karakol, wala siyang

magawa, kahit pa nga mukha siyang saranggola sa baro't sayang suot

niya. Noon niya nakita ang nobyo ng pinsan niyang mula sa Maynila.

Isa lamang ang deskripsiyon niya rito: anghel.

               Ang akala niya ay iyon na ang una't huli niyang pagkakataon

na makikita ang "anghel" ngunit nang maglinis siya sa silid ng

kanyang pinsan nang madaling-araw na iyon ay naroon ang lalaki

at ang tanging saplot ay briefs.

              Para siyang naestatwa sa tigas. Hindi niya nagawang kumilos.

Nang nagising ang "anghel," tinanong siya nito, "Is this some sort

of surprise?"

              Wala siyang masabi. Lalo na nang hinigit siya nito at hinagkan

sa mga labi. Hindi lamang yata lakas ang tumakas sa kanya kundi

maging ang kanyang huwisyo dahil hindi siya nakatutol nang kalasin

nito ang kanyang panloob.

              When he started to caress her ay saka pa lamang siya natauhan.

Itinulak niya ito at nagtatakbo palabas ng silid.

Later on, she realized na naiwan pala niya ang bra niya rito ...

Part 1 - List of PHR (I wish to read) 1Where stories live. Discover now