Umiikot lang ang buhay ni Hiyasmin sa beach house n
Tita Francia, ang taong nagpalaki sa kanya. Nagkaisip na
siya sa beach house, nagsisilbi rito at sa anak nitong si Colette.
Ang pinakamalayong narating niya ay ang baybayin sa labas
ng bahay na nagagawa lang niya tuwing lumuluwas ang mga
ito sa Maynila.
Marahil ay ganoon na lang talaga ang buhay niya, hindi
malaya, habang-buhay na magbabayad ng utang-na-loob sa
kanyang tita.
Ngunit nakilala niya si Guillermo nang minsang mamulot
siya ng mga sıgay sa aplaya. Napatanga siya nang matitigan
niya ito. Maging ito ay titig na titig sa kanya. Natagpuan
niya ang sariling minememorya ang bawat anggulo ng
guwapong mukha nito.
Nakikipagkaibigan ito, Pero mabilis niya itong
tinalikuran. Ayaw niyang suwayin ang isa sa mga bilin ni
Tita Francia.
Ngunit nasilip niyang nakatanaw ito sa bahay,
Pangako, sa susunod na magkita kaming muli, susuwayin
ko na si Tita Francia ...
YOU ARE READING
Part 1 - List of PHR (I wish to read) 1
RomancePHR Tagalog romance books I haven't read yet. Binase ko sa synopsis ang mga una kong gustong basahin for part 1. Yung feeling na sa description pa lang, na eexcite ka nang basahin. At dahil wala pa akong pambili, ishare ko na lang muna dito ang mga...
