CHAPTER TWENTY
Set up
"Is it true, kuya? You're dating Mavi?" Namimilog ang mga mata at nakataas ang mga kilay na tanong ni Summer.
Inihinto ko ang paglalaro sa computer para harapin siya. Pasado alas nuwebe na ng gabi at pinasok pa ako ni Summer sa kuwarto ko para lang itanong iyon. Nakasuot na siya ng kulay yellow na pantulog, may design pa iyong SpongeBob.
Hindi ko alam kung bakit ganito ang taste ni Summer sa mga damit, kung hindi kulay pink at hello kitty, mga cartoons naman ang gustong-gusto niyang design. Paborito pa niya iyong SpongeBob, Mickey Mouse, Dora, at Doraemon. She's already eighteen, pero 'yong kalahati ng utak niya na-stuck yata sa pagiging bata.
Umangat ang kilay ko. Talagang updated siya, huh?
"Hindi pa. We're just getting to know each other," I replied while combing my hair backwards using my fingers.
Nakaupo ako sa gaming chair habang nanatili siyang nakatayo sa may pintuan.
"Oh my gosh! I'm so happy for you, two! Finally!" Ang madramang sigaw niya, napahawak pa ang mga kamay sa mukha habang nanlalaki ang mga mata. Maliban sa pagkakaroon ng future sa pag-a-artista, siguradong panalo na ito si Summer kung sa labanan lang ng pagiging overacting.
Malayong-malayo ang reaksiyon niya ngayon kumpara sa ipinakita niyang reaksiyon noong sabihin kong kinikilala ko si Ashianna. Hindi maitago sa mukha niya ang tuwa sa nalaman.
"Ang saya mo naman, 'no?" Ngumisi ako at humalukipkip habang mariing nakatitig sa kaniya. "Siguro ang saya-saya mo ngayon na nagtagumpay ka sa plano mong paglapitin kaming dalawa."
Unti-unti niyang naibaba ang kamay at maang na napatitig sa akin. Doon pa lamang sa biglang pagpapalit ng emosyon sa mukha niya at sa pamumutla niya ay nakuha ko na ang kumpirmasyon.
I shook my head in disbelief. Hindi ko alam kung matatawa ako o mapapamura na lang dahil nagawa akong paikutin ng kapatid ko. Tang ina. Kanino ba nagmana ang kapatid kong ito at ang galing-galing niyang umarte? Paniwalang-paniwala ako, eh. Ni hindi ko man lang pinagdudahan ang mga kilos niya.
"W-what do you mean, K-kuya?" she stuttered.
"Jaevier didn't really court you. Am I right, baby sister?"
Mas lalong lumapad ang ngisi ko. Inangatan ko siya ng kilay ng hindi agad siya nakasagot. Mukhang nag-iisip pa siya ng alibi.
"You set us up, Summer. Palabas mo lang iyon na nililigawan ka ni Jaevier para paglapitin kami," ani ko.
Unti-unti kong napagtagpi ang mga nangyari. At ang tanga-tanga ko para hindi iyon mapansin. Kaya pala palagi kaming iniiwan ni Summer sa tuwing pupunta ng bahay si Jaevier. Minsan ay umaalis siya para maligo, o para pumunta sa kaibigan niya dahil may emergency raw. Naalala ko pa na minsan niya kaming iniwan no'n sa art room para magbanyo, pero hindi na siya bumalik, nakita na lang naming nagmo-movie marathon na siya sa kuwarto niya. Iyong mga pagtatanggol niya kay Jaevier kahit hindi naman talaga niya ito gusto, lahat iyon ay palabas lang para magawa niya ang plano niya.
Ang galing... Gusto kong bumilib, but at the same time ay gusto kong ilibing ng buhay si Summer. Hindi ako makapaniwala na nagawa niya akong utuin. Tang inang 'yan. Inuto ba naman ang sarili niyang kuya? Ayos.
"What are you talking about?" Pagmamaang-maangan niya.
Sinubukan pa niyang palitan ng pagtataka ang kaniyang ekspresyon para itago iyon sa akin, pero pasensiya dahil hindi na iyon gagana pa sa'kin. Inuto na niya ako ng isang beses, katangahan ko na kung magpapauto pa ako sa kaniya sa pangalawang pagkakataon. Never again.
BINABASA MO ANG
Calmness In The Midst Of Chaos (Obsession Series #2)
RomanceFormer Title: The Playboy's Obsession Mark Jaevier Laurent Obsession series # 2 "Every time I try to let go, memories of us pull me back in. I wish I could unlearn all the good things about you and erase all the memories we had to make it easier fo...