Kusot 3

14 1 0
                                    

Kusot

Ace Illustrisimo POV

Nilapitan ko sila dahil duon din nakalagay yung mga gamit ko, Aalis na sana ako kaya lang narinig ko yung pagpaparinig nila sa akin.

" Pasipsip din talaga ito sa Amo natin " Manong, Tumigil ako sa pag alis at humarap sa kanila, Wala ng ibang Mababa ang edad sa kanila na nandito kundi ako nalang.

" Siguro humingi ka pa ng pera kay Boss " Manong.

" Nagpaalam lang ako na aabsent sa lunes, Manong " Seryoso kong sagot dito, Sa pagkakaalam ko hindi ko naman kailangan magpaliwanag sa kanya.

" Ahh, Sige kahit 'wag ka ng pumasok unahin mo na lang yan pag aaral mo, Siguradong wala ka namang mararating dyan " Sabi ni Manong, Humigpit ang hawak ko sa bag ko, Gusto ko syang sagutin ng pabalang pero hindi ganun ang tinuro sa akin ni Mama ko.

" Papasok pa po ako dito sa kakahuyan kahit nag aaral ako, Manong Tsaka hindi totoong wala akong mararating, Makakapagtapos pa din ako kahit ganito yung buhay namin " Magalang kong sabi dito, Tsaka sila inalisan hindi ko na papakinggan pa yung pagiging bastos nyang matanda.

Kahit siya naman talaga ang walang respeto sa aming dalawa ay nirerespeto ko pa din sya, May bawas nga lang.

" Chong, Ang tagal mo naman " Salubong sa akin ni Brusko, Hindi ako nagsalita kaya humabol sya sa akin sa paglalakad.

" Pinayagan ka ba ni Boss?? " Brusko.

" Oo " Sagot ko.

" May problema ba, Chong? " Brusko.

" Si Manong kasi Ang bastos, Sabihin ba namang wala akong mararating sa pag aaral " Sabi ko kay Brusko habang naglalakad kami pauwi, Magkasabay na kami palagi dahil sa Bahay na namin sila nakatira, Kaya kapag nag yosi sya wala syang ligtas.

" Hayaan mo na siya, Chong Hindi ko alam ang buhay ni Manong baka siguro sa hirap ng buhay ay kahit gusto nyang mapag aral ang mga anak nya ay pinatigil nya ito tsaka pinagtrabaho nalang " Brusko.

" Tss, Bakit ba sa akin nalang nya binubuntong yung galit nya sa mundo?? Ako ba nagbigay sa kanya ng ganitong buhay?? " Tanong ko kay Brusko.

" Chong, Iniistress mo pa sarili mo dyan Hayaan mo na sya, Hindi naman sya ang makakapagsabi kung may mararating ka o wala " Brusko, Tama naman sya Kaya kahit ayaw maalis sa isip ko ng mga pang iinsulto ni Manong ay pinilit ko nalang ang sarili kong mag isip ng ibang bagay.

Kinabukasan ay Tatlo kami nila Mama naiwan dito sa bahay dahil may pasok si Papa at si Kuya Ernesto, Kahit linggo ay ginugugol nila ang sarili nila sa trabaho, Kinarga ko si Isidro mula sa Batya na pinagliguan nya, Kahit basa ay kinarga ko pa din sya paakyat sa hagdan at syempre dahil makulit ang kapatid ko, Yung tubig na natitira sa katawan nya ay pinampupunas nya sa akin, Imbis na maawa ay natutuwa pa siya duon sa ginawa nya sa akin.

Bakit nga ba hindi ako nagdala ng Twalya nya?

Ang Talino mo, Ace.

" Ma, Kailangan ko yung mga papel ko, Mag eenroll napo ako bukas " Sabi ko kay mama, Habang pinupunasan ang buhok ni Isidro.

" Sige " Mama, Tsaka dumiretso sa kusina.

" Kyaahahahahaa, Ace Ace Ingnan mo ingnan mo " Napatingin ako kay Isidro na nagpakita ng Kamay at gitnang daliri lang nya ang nakatayo.

" Hoyy, Saan mo natutunan yan?? sino nagturo sayo nyan?? " Nanlalaki ang mata kong tanong dito, Yung nakangisi nyang mukha ay biglang napalitan ng takot.

 Boy's Love Short storyWhere stories live. Discover now