BMDN Chapter 33

107K 2.6K 147
                                    

"Mommy let's go na"

Napatingin ako kay Kisza ng pumasok sya sa kwarto ko. Nakasuot sya ng kulay violet na dress at puting doll shoes, nakalugay din ang medyo kulot nyang buhok.


"Sandali nalang be" sabi ko saka humarap sa salamin para mag suklay at mag lagay ng lipgloss.


"I'm excited na po na makita ang new house nyo" aniya saka umupo sa kama ko. Sunday ngayon at balak ni Spencer na pagkatapos mag simba ay lilipat na agad ang mga kapatid ko sa bagong bahay na inupana ni Spencer para sakanila.

"Nanggaling na po ba kayo don?" Tanong nya, ngumiti ako saka tumango sakanya.

"Noong natulog ka sa bahay ng mga lola mo, tinignan namin ng Daddy mo ang bahay" sabi ko saka  umupo sa tapat nya at hinawakan ang kamay nya.


"Bakit po hindi nalang sila dito tumira? Malaki naman po itong house eh" aniya, napangiti ako saka hinaplos ang mukha nya.



"Hindi pwede Kisza, kasi ang bahay na ito ay para sa Daddy mo, kay Mommy Raquel mo at para sayo." Sabi ko, ngumuso sya kaya hindi ko maiwasang kurutin ang pisngi nya.



"E kasi po wala akong kalaro dito, tas ikaw laging inaagaw ni Daddy sakin. Sana magka baby brother ako" aniya, napailing ako kung anu-ano kasi ang pumapasok sa utak nya.



"Tara na nga, baka nag hihintay na si Daddy mo sa labas" natatawang sabi ko saka tumayo at hinawakan ang kamay nya.




"Alam ko na po! May wiwish po ako kay Papa God na mag ka baby brother na ako para po may kalaro na 'ko" aniya saka tumingin sakin at ngumiti ng malaki. Napangiwi ako ng tumingin sya sakin, hindi ko alam kung paano mag rereact sa sinabi nya.

Napatingin kaming dalawa ni Kisza ng muling bumukas ang pinto at mula doon ay pumasok si Spencer. Naka long sleeve polo sya na kulay itim at nakatupi hanggang siko, bumagay sa maputo nyang balat ang kanyang suot, medyo magulo rin ang kanyang buhok na bumagay upang madepina ang kanyang panga.



"Let's go?" Sabay kaming tumango ni Kisza sa kanya at sabay sabay kaming lumabas ng kwarto.










***






Dumaan muna kami sa bahay para sunduin ang mga kapatid ko para pumunta sa simbahan. Sinabihan ko na sila noong isang araw na ayusin ang mga damit nila, nag tanong sila kung bakit pero hindi ko sinabi ang dahilan. Nang matapos ang misa ay kumain muna kami sa isang restauran, nakakatuwa nga dahil para talaga kaming mga taga bundok na ngayon lang nakababa at nakapasok sa isang resto. Hindi ko pa kasi nadadala ang mga kapatid ko sa mamahaling restauran dahil madalas sa jollibee lang kami kaya siguro naninibago sila.

At ang isa pang nakakapag pasaya sakin ay ang makita si Daniel, James at Spencer na mag kakasundo. Nag uusap sila tungkol sa basketball at kung anu-ano pang sports, ang akala ko magiging awkward ang mga kapatid konkay Spencer dahil malaki ang pag kakaiba ng aspeto namin sa pamumuhay at isa pa amo ko sya. Pero mali ako dahil mag kakasundo silang tatlo. Siguro nga malaki ang pinag bago ni Spencer ngayon, o talagang eto sya at nag bago lang nang mamatay si Raquel.






"Ate san ba tayo pupunta?" Tanong ni James pag kalagay ng mga gamit sa compartment ng sasakyan ni Spencer.



"Gusto kasi ni Spencer na ilipat kayo ng bahay" sabi ko, na nag palaki ng mata nya at agad na lumapit sa kuya Daniel nya. Parehi silang tumingin sakin, at bahagya akong naalarma sa tingin ni Daniel sakin. Napahinga aki ng malalim, matured na mag isip si Daniel at alam ko ang nasa isip nya ngayon.

Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon