Kusot 6

10 1 0
                                    

Kusot

Ace Illustrisimo POV

Isang linggo ang dumaan at naabutan ko si Brusko tsaka si Manong jun na nag tatayo ng Basketball ring dito sa Bakuran kung saan malapit ang Poso.

" Ayos yan, Manong Jun " Nakangiti kong bungad, habang nasa itaas si Brusko, Nag pupukpok ng ring.

" Ito kasi si Brusko, Gustong mag ensayo ng Larong basketball, Gusto daw nyang sumali sa Liga ng barangay natin at Liga sa School nila, Pero nagpaalam naman ako ng maayos sa Mama at Papa mo, Pumayag naman sila " Manong Jun, Tumango ako at nag angat ng tingin ng Pababa na si Brusko, Bahagyang gumalaw yung kahoy na hagdan kaya hinawakan ko yung Paa ng hagdan tsaka yung binti ni Brusko para Hindi siya mawalan ng balanse.

" Oh, Magdahan dahan ka naman sa pagbaba Brusko " Saway ng Papa ni Brusko sa kanya, Bumaba na ng tuluyan si Brusko at nang makaharap nya ako ay para na naman syang nawala sa sarili.

" May Bola ka na ba, Brusko? " Tanong ko dito.

" Wala pa nga, Toy pero pagsahod ko nalang siguro Bibilihan ko siya sa Bayan " Manong Jun.

" Ayos pala, May Bola ako sa Kwarto Iyon nalang yung gamitin mo, Brusko " Masigla kong sabi, Nagkatinginan sila ng Tatay nya, Kaya para hindi na sila umangal ay nagmadali na akong umakyat sa Itaas para ibaba na yung bag at kunin yung bola.

Pagbaba ko ay Wala na si Mang Jun, Si Brusko nalang yung nandun nagliligpit ng Martilyo at sinisipa para maigilid yung mga putol na kahoy.

" Oh, Brusko " Sabi ko kay Brusko, Nang Humarap sya ay mabilis nyang inihagis pabalik sa lupa yung mga napulot nya.

" Hindi ko alam ang nangyayari sayo, Pero 1 on 1 nalang tayo " Hamon ko dito.

" Hindi pa ako maru----- Uyy!! " Brusko, Hindi na nya natuloy pa ang sasabihin dahil sinubukan ko ng agawin yung bola sa kanya.

Habang naglalaro kaming dalawa ay pansin kong bumabalik na yung dating Brusko, Masayahin at makulit, Kahit hindi siya marunong dumepensa at magdribble ay nakipag agawan pa din siya sa akin, Kahit pa ako lang palagi ang nakakatira.

" Tao po!! " Mula sa paglalaro ay sabay kaming napatigil ni Brusko, Nakita ko ang Isang Lalaking nakamagarang suot na nakasalamin at yung Kotse nyang nakaparada sa Labas.

Napangiti ako ng makilala ko ito, Nabitawan ko yung bola tsaka tumakbo palapit sa Gate namin, Nakangiti din namang nagtanggal ng salamin si Nolen.

" Nolen, Anong ginagawa mo dito? " Tanong ko dito.

" Magpapacar wash sana ako sayo sa Bahay " Nolen.

" Sana dun nalang sa bahay nyo kanina " Sabi ko dito.

" Yun nga eh, Nung hinanap kita sa nga tao sa kakahuyan, Ang sabi nakauwi ka na daw " Nolen.

" Ganun ba? " Tanong ko at tinignan ang Kotse na may putik nung nakaraan ay dalawa araw ang pag ulan, Mabuti na nga lang at hindi bahain ang lugar namin.

" Sige, Pasok mo na yan " Sabi ko dito at binuksan yung gate ng malaki.

" Sige " Nolen, Nang makapasok na si Nolen sa kotse nya ay lumapit na ako kay Brusko na hawak pa din ang bola at nakatingin sa kotse ni Nolen na ipinarada sa Half court na ginawa nila ng Tatay nya.

" Chong, Bakit nandito ulit si Boss Nolen? " Tanong ni Brusko.

" Magpapalinis ng sasakyan " Sabi ko dito at itinabi yung upuan, Tsaka sinenyasan si Nolen na tumigil na sa pag andar.

 Boy's Love Short storyWhere stories live. Discover now