CHAPTER 22

7.3K 327 169
                                    

CHAPTER TWENTY TWO

Territory

"Masarap?"

Nag-angat ako ng mukha. Magkaharap kaming nakaupo ni Jaevier sa mesa. Titig na titig siya sa akin, tinitingnan ang reaksiyon ko pagkatapos kong tikman ang niluto niyang adobo. Pinigil ko ang sariling matawa sa hitsura niya. Mukha siyang kinakabahan at parang natatae na ewan.

I kept my straight face while staring at him and slowly munching the food inside my mouth. At habang patagal ng patagal na hindi ako nagsasalita ay mas lalo lang sumasama ang ekspresyon ni Jaevier. Hindi na madrawing ang mukha niya.

"C'mon, Hanz? How's the food?" nakanguso at medyo salubong na ang mga kilay na aniya, hindi na makatiis. "Wag mo naman akong pakabahin. Anong lasa? Hindi ba masarap? Magsalita ka naman."

I chuckled. Gusto ko pa sana siyang asarin, pero baka umiyak ang kupal. "Relax. Masarap ang adobo mo."

He narrowed his eyes on me, ayaw maniwala sa sinabi ko. Masarap naman kasi talaga ang luto niya. Kuhang-kuha niya ang lasa na gusto ko. At magrereklamo pa ba ako? Luto niya ito kaya wala akong karapatang magreklamo. Kahit nga yata sunog at pangit ang lasa ng luto niya ay kakainin ko parin iyon. C'mon, si Jaevier na ang nagluto, oh? Sino ba ako para mag-inarte? Baka mamaya bigla pa akong i-ghost nito, mas mabuti na iyong nag-iingat.

"Wag mo akong titigan ng ganiyan, gago." Humalakhak ako. "Masarap nga. Nagustohan ko ang lasa," paninigurado ko.

Unti-unting lumiwanag ang mukha niya ngunit ang kunot sa kaniyang noo ay naroon parin. Iniangat ko ang aking kamay at marahan kong pinadaanan ng aking mga daliri ang pagitan ng kaniyang kilay. Nawala ang kunot sa noo niya at bakas sa mukha niya ang gulat sa ginawa ko. Ngunit sandali lang iyon dahil agad din siyang napangisi bago hinuli ang kamay ko.

"You know what, Hanz? Sometimes, nagugulat parin ako sa mga ikinikilos mo. At ayaw kong maniwala na abot kamay na kita ngayon. Nakakasama ng ganito... Nakakausap... Parang dati lang, halos patayin mo na ako sa bugbog, eh." Nakangisi siyang napailing.

Sumeryoso ako. "Same here. I couldn't believe that you like me that long. How come na hindi ko man lang napansin iyon?"

"Paano mo mapapansin? You never looked or even glanced at me before, kaya hindi mo talaga makikita na lagi akong nakatingin sa'yo."

"Hindi mo talaga itinatagong patay na patay ka sa'kin, 'no?" Humalakhak ako. "You're so shameless."

"Para saan pa? Itatanggi ko pa ba kung totoo naman?"

Natatawa akong napailing. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o mapapamura na lang sa pagiging honest ni Jaevier. Sa sobrang honest niya, minsan ako na lang itong na-a-awkward. Ni hindi niya itinatago sa akin kung gaano niya ako kagusto. Alam kong maraming nagkakagusto sa akin, pero si Jaevier, malala talaga ang tama sa akin ng isang ito.

I was about to speak when he suddenly kissed the back of my hand. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis kong nahila ang aking kamay sa gulat. Para akong biglang napaso sa ginawa niya.

What the... fuck?

I glared at him. "What the fuck are you doing, Laurent?" I still managed to say that despite my chest banging loudly. Sa sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko'y hindi ko alam kung pati si Jaevier ay naririnig na iyon.

Tang ina? Bakit ba kasi bigla-bigla na lang nanggugulat ang isang ito? Tarantado!

"What?" Tumawa siya. "Chill, Hanz. Kamay pa lang iyan."

I glared at him.

"Paano pa kaya kung..." Bumaba ang tingin niya sa labi ko.

Wala pa man siyang sinasabi ay alam ko na agad ang tumatakbo sa utak niya. Hindi ako slow, at mas lalo namang hindi ako ipinanganak kahapon.

Calmness In The Midst Of Chaos (Obsession Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon