Kusot
Ace Illustrisimo POV
Pag dating sa Ilog ay kaming mga lalaki ang nag asikaso sa pag tatayo ng tent, Si Brusko ay nag presintang mag gagawa ng apoy at hahanap ng kahoy.
" Ayos lang ba si Brusko? " Tanong ni Nolen, Habang nagtatali.
" Oo, Ayos lang sya " Sagot ko dito, Paglingon ko kay Nolen ay nakangisi ito sa akin.
" Bakit? " Tanong ko dito, Lumingon sya kay Brusko tsaka ngumiti.
" Sa mga sagot mo palang parang kilalang kilala mo na si Brusko " Nolen.
" Syempre, Para na kaming magkapatid magturingan " Sabi ko dito, Tumango si Nolen.
" Pwede nyo din ba akong maging kapatid? " Nolen, Umismid ako.
" Pwede, Kung hindi ka na nasusuka kapag magluluto ng Pinikpikan si Mama " Sabi ko dito, Mabilis nyang itinakip yung braso sa bibig.
" Loko ka naman, Ace Pinaalala mo pa talaga yun? Binangungot pa kaya ako nung gabing iyon " Nolen, Kaya natawa kami, Hindi ko din kasi talaga makalimutan yung reaksyon nya.
Awang awa sya sa manok.
Matapos maitayo ang Tent ay hinanda na din yung mga lulutuin, Nilapitan ko si Brusko na tahimik lang nag papaapoy.
" Brusko " Tawag ko dito, Nilingon nya ako tsaka umusod ng kaunti.
" Mabuti nalang pumayag ka, Siguro kung hindi ka kasama wala akong kausap ngayon dito " Umpisa ko, Pero hindi siya nag salita.
" Brusko? " Kalabit ko dito, Lumingon ulit siya pero imbis na kausapin ako ay umusod siya palayo.
" Chong, Malabong wala kang makausap dito, Halos kayong dalawa na nga lang ni Boss Nolen yung magkasama " Brusko, Habang nagpapaypay gamit ang karton.
" Ha? " Naguguluhan kong tanong dito.
" Wala " Brusko, Tsaka lumingon sa Mga kasama namin.
" Mga Boss, Okay na itong apoy pwede na kayong magluto " Sabi ni Brusko, Tsaka tumayo.
" Brusk------ " Hihilahin ko sana yung suot na sando ni Brusko kaya lang lumapit si Nolen na may dalang Pagkain na iihawin.
Habang nag iihaw kami ni Nolen ay nagsimula ng Maligo sa ilog ang mga kaibigan nya, Si Misha ay tumitili dahil pinagtutulungan syang wisikan ng tubig ng mga kaibigan nilang lalaki.
" WaaaHhhh!! Princess, Help " Sigaw ni Misha.
" Hahahahahaa, Walang tutulong sayo " Jake.
" Isa, Kapag ako talaga gumanti " Banta ni Misha, Habang nakatalikod sa mga nansasamoy ng tubig sa kanya.
" Asa kang makaganti ka " Jake, Napalingon ako ng tumawa si Nolen sa tabi ko, Tsaka napapailing.
" Minsan talaga pinagkakamalan ko na talagang mag syota 'yang dalawa e. " Nolen.
" Hindi ba? " Tanong ko dito.
" Hindi, Hahahaha Si Jake mataas ang standard si Misha naman Bitter kaya kung maging sila hindi talaga sila Mag kiclick, Baka imbis na magmahalan sila Magbugbugan pa sila " Nolen.
" Oo nga, Halata naman kay Misha ang pagiging palaban " Sabi ko at binaliktad yung Barbecue, Si Nolen ang nagpapahid ng sauce, Tsaka nagpapaypat at sabay kaming nagulat ng pumutok yung kahoy dahil sa sobrang init.
YOU ARE READING
Boy's Love Short story
Short StoryThis is only a Short Stories for my Readers, Iba't ibang character Iba't ibang kwento. Requested story from my readers. Hindi porket Reader kita hanggang taga basa kalang habang buhay dahil dito hayaan mong bigyan kita ng spot light na maging bida. ...