Kusot
Ace Illustrisimo POV
Hinihintay kong makaalis si Nolen, pero mukhang wala pa itong balak umalis, Bago sumakay ay lumingon sya sa akin, Tapos napatigil siya sandali, Tsaka Nag angat ulit ng tingin sa akin.
" Ace!! " Tawag nito sa akin, Tapos sinenyasan akong lumapit sa kanya.
" Bakit? " Tanong ko dito at tumakbo na palapit.
" Sakay " Nolen.
" Ha?? " Tanong ko.
" Sakay na " Nolen, Tsaka tuluyang sumakay, Kahit nag tataka ay binuksan ko pa din yung pintuan ng passenger seat tsaka Nag seat belt, Lumingon kami sa isa't isa ni Nolen.
" Huwag muna tayong umuwi " Ace, Sabay pinaandar na paalis yung kotse nya.
*Playing Huwag muna tayong umuwi*
Imbis na dumiretso pauwi sa kakahuyan ay lumihis siya ng daan kaya nilingon ko si Nolen na nag eenjoy sa pinapakinggan naming tugtog.
" Teka, Saan tayo pupunta Nolen? " Tanong ko dito.
" Chill ka lang " Nolen.
" Alam mo ba kung saan papunta itong daan na ito? " Tanong ko dito, Lumingon siya sa akin tsaka umiling.
" Baliw ka, Bumalik na tayo " Sabi ko dito.
" Oh, Ohh Don't touch my car " Sabi ni Nolen ng subukan kong hawakan ang manibela nya.
" Bumalik na tayo " Sabi ko dito.
" Gutom ka na ba?? Nakita ko kasi sa newsfeed ko na may masarap na kainan ng Dinakdakan dito sa Langiden " Nolen, Tsaka lumiko sa Lugar ng Langiden, Ilang beses din akong nakakasama sa PagDeliver dito, Malapit lang ito sa Bangued kaya nawala ang pangamba ko.
Si Nolen ang Nanlibre kaya hindi na ako nag reklamo pa, Mukhang sa ganitong paraan makalimutan nya yung nangyari sa Ilog.
Matapos naming kumain sa Langiden ay lumipat naman kami sa kabilang bayan sakto pa na may Peryahan na nakatayo sa malawak na Lote, May Mga sugalan at rides na gustong sakyan ni Nolen.
" Wuuuuhuuuuuu!! " Sigaw ni Nolen, Habang Nakataas ang kamay dito sa Vikings, Habang ako ito nakatagilid ang ulo at hinihiling sa itaas na Sana Buhayin pa ako, Para kasing naiiwan na yung kaluluwa ko sa itaas.
" Ang Saya dun " Nolen at hinila naman ako sa Upuan na nakalambitin tapos iikot, Buong rides ay si Nolen lang ang nasiyahan, Wala talaga akong Hilig sa mga ganito.
Matapos naming masakyan lahat bukod sa ferris wheel ay Pumunta ako sa gilid at duon sinubukang sumuka, Pero wala naman akong mailabas, Nahilo ako, Ahhhh!!
" Ayos ka lang, Ace?? " Tanong ni Nolen, Habang hawak nya yung teddy bear na napanalunan namin sa Baril barilan kanina.
" Oo, Ayos lang " Sagot ko dito, Tsaka tumayo.
" Okay ka na ba?? Uuwi na ba tayo? " Tanong ko dito.
" May Hindi pa tayo nasasakyan " Nolen, Tsaka tinuro ang Ferris wheel, Napaatras ako.
" I-ikaw nalang, Nahihilo na ako " Sabi ko dito, Pero mabilis nyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako.
" Halika na, Minsan lang ito " Nolen, Tsaka Bumili ng ticket sa ticket booth, Sunod ay Isa isang pinapasok ang dalawang tao sa isang sinasakyan, Mukhang masaya talaga si Nolen sa Ferris wheel kaya Humawak nalang ako sa bintana at pinanalangin na bigyan ako ng lakas.
YOU ARE READING
Boy's Love Short story
Short StoryThis is only a Short Stories for my Readers, Iba't ibang character Iba't ibang kwento. Requested story from my readers. Hindi porket Reader kita hanggang taga basa kalang habang buhay dahil dito hayaan mong bigyan kita ng spot light na maging bida. ...