Kabanata 51

1.6M 39.8K 13.2K
                                    

Kabanata 51

Kasal-anan

"Kayo na nga lang kasing dalawa!" Sabi ni Maggie sabay turo sakin at kay Karl.

Umirap ako sa sinabi niya. Hindi alam ni Maggie na kulay pink itong si Karl. Palagi niyang iniemphasize na may iba pang lalaki diyan na pwedeng samahan (sa katauhan ni Karl). Bakit ako nakadikit sa mag pinsang yun?

"Revenge parin ba ito, sis?" Tanong niya na naitanong ko na rin sa sarili ko.

Totoo, maaaring nagsimula ito sa revenge pero ngayong nandito na ako, naguguluhan na ako. Una sa lahat, sinaktan ako ni Jacob. Pangalawa, nagbago na siya... Kahit anong iyak niya sa harapan ko at effort niya sa pagsasabing mahal niya ako, kulang parin yun. Alam kong nagpipigil siya dahil close sila ni Callix pero... hindi ko matapos ang iniisip ko kasi alam kong illegal iyon. Illegal na isiping sana ay ipaglaban ako ni Jacob sa lahat. Alam kong magagawa niya yun. Kaya lang, may isang parte sa sarili kong ayaw siyang balikan dahil sa sakit na naidulot niya. Oo, nasasaktan ako kasi nag iba na siya. Tuwing nakikita ko siyang kumakanta sa harapan ng tumitiling mga babae, nakikita kong nag iba na siya... Maaring minsan nasakin ang atensyon niya pero naiisip ko kung sino ang kinikindatan at nginingitian niya kung wala ako? Alam kong natural siyang gentleman sa mga babae pero naiinis ako dahil ganun siya. Naiinis ako dahil dapat ako lang! I know... selfish. At masama yun. Masamang masama.

Sa Alegria pa lang, open siya sa ibang babae. Pero nung naging kami na, nilinaw niya agad kay April na ako lang... gusto ko ganun ulit. Naiinis ako dahil mabait parin siya sa iba kahit na sinasabi niya saking ako lang. Nasan na yung actions niya? Bakit puro salita na lang?

"Hindi Mag, magkaibigan kami ni Callix. Nilinaw ko sa kanya 'to noon. Bibigyan ko siya ng chance na ibuild ulit ang pagkakaibigan namin-"

"Si Callix may second chance pero si Jacob wala?" Singit ng haliparot na bading. "Okay, whatever!"

"Basta, Rosie, sinasabi ko sayo hindi talaga ako agree sa ginagawa mo."

Hindi ko alam kung sadyang dense lang talaga si Maggie o masyadong gwapo si Karl para pagdudahang bading gayung kanina pa nito sinusoot ang headband kong may malaking ribbon dito sa kwarto ko. Nagbibihis ako para sa kasal. Tinulungan ako ni Karl na pumili ng damit at mag make up (hindi alam ni Maggie na si Karl ang nagmake up).

"Sure ka ba talaga?" Sabi ni Karl nang lumabas ako sa sasakyan niya pagkatapos akong ihatid sa tapat ng simbahan.

"Oo! Salamat sa make up ah?" Sabi ko.

Ngumisi siya at umalis.

Nang pumasok na ako sa simbahan, nakita ko agad si Jacob at Callix na nagkukwentuhan at nagtatawanan. Una akong nakita ni Jacob. Umamba siyang lalapit pero unang nakalapit si Callix sakin.

"Rosie! Lika! Pakilala kita sa parents ko." Ngumiti siya.

"Callix."

Nakuha niya ang tingin ko, "Alam ko. As a friend. Syempre."

Mabuti at malinaw sa kanya yun. Lumapit kami sa isang mid-50s na babaeng may kausap na tingin ko'y daddy ni Callix (kasi kamukha niya).

Baka Sakali 1 (Alegria Boys Series #1) (Published under Pop Fiction, and MPress)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon