CHAPTER TWENTY FIVE
Home
"Anong iniisip mo?" tanong ko habang nakatitig sa kisame.
Magkatabi kaming nakahiga ni Jaevier sa kama. Nakatihaya ako at nakaunan sa aking braso habang nakatalikod siya sa akin. Alam kong gising pa siya base sa malalim niyang paghinga. Simula ng humiga kami sa kama, hindi na niya ako kinausap. Parang malalim ang iniisip niya.
Hindi na kami bumaba pa. Nagpahatid na lang kami ng dinner dito sa room.
Sa tuwing naaalala ko ang nangyari kanina, kung paano siya umiyak sa dibdib ko na parang bata, gusto kong humagalpak ng tawa. Kakaiba rin talaga 'to. Inalok ko lang na maging boyfriend ko, umiyak na? Nasaan na iyong Jaevier na ang angas-angas? Tiklop na tiklop kay Ybañez, eh. Ang laki-laking tao, iyakin naman.
He's really so fucking adorable.
I stifled my smile when I remembered that we are in a relationship now. After four years, nasa relasyon na ulit ako. Hindi sa babae kundi sa kapwa ko lalake. At ang nakakatawa ay boyfriend ko na ngayon ang taong umagaw sa girlfriend ko noon.
Gusto kong mapailing sa naisip. Akalain mo 'yon? Sinong mag-aakala na aabot kami sa ganito? Sinong mag-aakala na magkakagusto ako sa tarantadong ito? Tang inang 'yan. Ang taas-taas ng standard ko tapos babagsak lang pala ako sa lokong 'to.
Well, hindi naman na masama. Hindi naman ako nagsisisi o ano. Hell, if only he knew how happy I am right now. Who wouldn't? Kung boyfriend ko na siya?
Hindi ko kailanman naisip na magkaka-boyfriend ako, pero sa tuwing maiisip kong si Jaevier naman ang boyfriend ko, tang ina, tanggal lahat ng angas ko, eh. Kung masaya siya, of course, mas masaya ako.
Hindi ko alam kung anong naghihintay sa aming dalawa sa hinaharap. Pero kahit anuman ang mangyari, handa na ako. Handang-handa na ako. I've already fallen... And I am now giving him the power to destroy me and break me into pieces.
I am now putting my own heart and soul in his hand; it's up to him if he will break it or if he will take care of it. But I'm hoping for him to do the latter. I'm hoping that he will not break my heart, because if he did, I don't know if I can handle that. I trust him enough that he will not wound me.
Ganoon naman talaga kapag nagmamahal, right? Loving someone gives them the ability to destroy you. At wala kang ibang magagawa kundi panoorin na lang ang sarili mo kung paano ka durugin ng taong pinagkatiwalaan mo. Suwerte mo na lang kung iyong taong 'yon, gagawin ang lahat para maprotektahan ka, huwag ka lang madurog sa dulo.
"I'm thinking about you," he said nonchalantly. Tumihaya siya at inilingon ang ulo sa akin. "Seryoso ka ba talaga sa sinabi mo kanina na... gusto mong gawing official na ang relationship natin?"
"Yeah? Mukha ba akong nagbibiro lang?" Lumabi ako habang nakatingin sa kaniya. Bakit parang nagdadalawang isip pa siya? Akala ko ba... "Ayaw mo ba?"
Inilipat niya ang paningin sa kisame. He heaved a sigh. "Hindi naman sa gano'n. Naninigurado lang ako kasi... I'm worried na baka biglang magbago ang isip mo. Baka mamaya, biglang umayaw ka. Kapag nakipagrelasyon ka sa'kin, dapat handa ka rin sa mga consequences. I've been waiting for you for ten years, ayoko na kung kailan hawak na kita saka ka biglang magbaback out. Hindi lang buwan ang gusto ko kundi taon, Hanz. Maraming-maraming taon."
Umangat ang gilid ng labi ko. "E 'di tuparin natin. 'Yon lang naman pala, eh." Yes, I hate promises, ngunit kapag nagbitaw ako ng pangako sa kaniya, alam kong gagawin ko ang lahat matupad lang iyon. "Let's create more memories together, Laurent. Be with me, hanggang kailan mo gusto. Hanggang sa magsawa ka sa pagmumukha ko. Hindi ako mangangako ng kahit ano, but one thing I can assure you. I will stay with you as long as you want me to."
BINABASA MO ANG
Calmness In The Midst Of Chaos (Obsession Series #2)
RomanceFormer Title: The Playboy's Obsession Mark Jaevier Laurent Obsession series # 2 "Every time I try to let go, memories of us pull me back in. I wish I could unlearn all the good things about you and erase all the memories we had to make it easier fo...