22

464 15 10
                                    

SUPER TIME SKIP...

2 MONTHS LATER... (Month of August)

JADE'S POV

Lumipas pa ang maraming araw. Naging sunod sunod ang mga naging ganap sa buhay. Maraming kailangan habulin.

Natapos na rin ang selebrasyon namin ng birthday ni Ali. Simple lang yun pero pinaghandaan syempre. Hindi naman pwedeng ganu ganun nalang yun. Then training everyday.

May time na sa sobrang pagod nakakaramdam na ko ng panghihina. Madalas din na nahihilo ako kaya pinipilit nalang talaga ni Miss Jovs na papagpahingahin ako.

Patungkol naman sa sinabi ni Miss Jovs nung nakaraan. About sa potential ng girls. On process na rin. Dahil si Ck ang higit na may hilig sa musika. Sya rin ang nakakapag compose ng kanta.

Sa katunayan marami na syang naisulat noon at pinasa nya lahat ng ito kamakailan. At yun ang tinatrabaho ngayon sa studio. Ck is a good composer actually. Nandoon kase ako ng kinanta nya ang mga gawa nya. Onting polido nalang daw sabi ni Sir Jonathan.

Ang balak nga nila Sir ay gawin na silang isang buong grupo. Mapag aaralan naman nila yon. At mukhang agree ang nasa entertainment na gawin iyon sa girls.

Tulad nalang ngayong araw. Kasama ko si Ck dito sa studio para pag aralan lahat ng gawa nya.

"Ayos ka lang? Namumutla ka na ahh" sita nya sa akin.

Umupo sya sa tabi ko at uminom ng tubig.

"Ayos lang"

"Sure ahh? Ilang beses na kase kitang napapansin na ganyan"

"Pagod lang din siguro"

"Nagpatingin ka na ba?"

"Hindi naman na kailangan. Pahinga lang to"

Tinignan naman nya ko mula ulo hanggang paa. Ewan pero parang sinisipat nya ang katawan ko. Kung may kakaiba ba sa akin.

"Kailan pa yang pasa sa kamay mo?"

"Nung isang araw lang. Nasagi sa pinto"

"Lagi ka bang nagkakaganyan sa tuwing nabubunggo ka?"

"Hindi naman. Ngayon lang ata. Bakit?"

"Hindi ako doktor sa dugo pero ayaw mong magpatingin? Kahit kay Stev nalang

"Huh? Wala akong sakit Doc okay?"

"Doktor din ako Jaden kahit iba ang specialist ko. Alam ko kung may kakaiba sa isang tao. Kaibigan din kita kaya gusto ko lang makasigurado. Kung takot kang malaman kung anong nangyayari sayo. Kahit magtanong tamong ka nalang muna."

"About saan ba?"

"Kung may nagkasakit ba sa pamilya mo"

Sa sinabi ni Ck ay bumalik sa ala ala ko yung sinabi nila mommy noon. May sakit din ang real mom ko. Pero hindi ko natanong kung anong klaseng sakit ang meron sya.

"Ano ba sa tingin mo ang sakit ko?"

"Gaya kase ni Stev. Hematologist din kase si Mama kaya ay alam ako kahit papaano sa kung anong ginagawa nya. Ilan sa napapansin ko sayo ay sintomas ng pagkakaroon ng leukemia kaya hanggat maaga pa magpatingin ka na. Huwag mo ng palalain pa"

"Natatakot ako"

"Wala kang dapat katakutan. Basta kung kailangan mo ng tulong ko. Sabihan mo lang ako. Kung ayaw mo pang malaman ni Stev yan. Pwede kitang tulungan kay Mama. Pero kailangan ding malaman ng girlfriend mo yan. Pati ng pamilya mo if ever"

"Sige, salamat sayo"

"Huwag ka munang magpasalamat. Wala pa akong ginagawa. Ngayon magpahinga ka na muna at tanungin kung saan mo pwedeng makuha yan. At kung willing kana na magpatingin. Sabihan mo lang ako"

Convincing JadeWhere stories live. Discover now