Chapter 57: Dinner with his parents

18 1 0
                                    

—KERA POV—

★  ★  ★

Week past nang magkabalikan kami ni Kyro. Masasabi kung naging mas maganda ang takbo ng  relasiyon namin. Mas lalo itong naging sweet at nagiging childish, minsan nagiging matampuhin din ito. Lalo na kung hindi kami mag kasundo sa isang bagay. Pero gumagawa din ito ng paraan para magka bati kami sa isat-isa.

Pumupunta din ito sa bahay or sabihin na lang natin na always palagi at minsan pa nga dito na rin nag papalipas ng gabi. Parang  hindi mabuo ang araw nito pag hindi ito makapunta dito sa bahay.

Papano kasi pag umaga dito na siya nag-aalmusal. Tas pag walang pasok andito palagi sa bahay tumatambay.Nasanay narin naman si mama na andito palagi si Kyro. Tuwing gigising ako sa umaga silang dalawa agad ni mama ang madadatnat ko sa kusina habang tinutulongan nito si mama sa  paghanda ng almusal namin.

Pero ngayong araw lang hindi ito nakadalaw dahil kahapon umuwi ang mommy nito galing sa ibang bansa. Kaya don muna ito na malagi simula pa kahapon. Susunduin na lang daw ako nito pag tapat ng seven pm.

Kakatapos lang namin mag almusal. Kaya andito ako ngayon sa sala nanonood ng tv.

“Ma...may pupuntahan pala ako mamayang gabi.” pagpapaalam ko dito. habang nagwawalis naman ito sa sahig namin.

Saturday ngayon kaya free time. Wala din kaming assignment or project na gagawin sa lahat ng subject. Kaya masasabi ko talagang payapa talaga ang buhay ko ngayon. Pati si mama wala din itong pasok.

Rest day daw nila ngayon pati  ang kasamahan ni mama sa  company nina Kyro. Binigyan daw sila ng boss nila para makapag pahinga. Bali saturday meron silang pasok then sunday wala na kaya dalawang araw ang pahinga nila ngayon.

Tumingin naman ito sakin, na parang nagtatanong kung saan naman ako pupunta.

"At saan ka naman pupunta? Nako Kera, sinasabi ko sayo! Pinapayagan lang kita dahil alam kung kaylangan mo ring mag enjoy! Pero wag mo naman sanayin ang sarili mo na kahit gabi lalabas ka!" sermon nito at nagpatuloy na sa pag wawalis.

'Si mama talaga makapag react parang hindi na ako babalik dito sa bahay.' mga katagang na buo sa isipan ko.

"Si mama talaga, babalik lang din naman ako dito sa bahay." nakangusung sagot ko dito. "Saan kaba pupunta? At sino naman ang kasama mo aber?" sunodsunod nitong tanong habang nakapamaywang na ito.

Pinipigilan ko lang ang sarili ko na hindi matawa dahil sa mukha ngayon ni mama, baka pag tawanan ko ito mas lalong hindi ako nito payagan.

"Isa isa lang ma mahina ang kalaban!" pagpapakalma ko dito, pero ginagawa ko lang talaga ito para lang hindi ito magalit sakin.

"Ayan ang hirap sayo! Dinadaan daan mo ako sa mga ganyan mo! Saan kaba pupunta?" ani mama."S-sa bahay nina Kyro." pagtapat ko dito bago umiwas ng tingin. Pero bago pa ito makasagot agad ko nang dinugtongan.“Sinabi kasi niya sakin na gusto daw ako makita ng mommy niya." wika ko dito.

Agad naman ako napabaling sa pwesto ni mama, nakatayo lang ito habang hawak parin ang walis.

“A-anong sinabi mo? Ulitin mo nga hindi ko masyadong narinig.” Ani niya at lumapit ito sa pwesto ko.

"Pinapapunta ako ng mommy ni Kyro sa bahay nila mamayang 7 pm gusto lang daw niya ako makita.” pag-ulit ko dito."So ibig sabihin si Kyro ang kasama mo? Ang akala ko mga friends mo ang kasama mo!” bagugulohang sagot naman nito sakin. Kaya pala ganon na lang makapag react kanina dahil  pala mga friends ko ang iniisip nito.

"Oo ma saka hindi ko makakasama sina Tanya and Sabrina si Kyro lang  ang nag-aya sakin,  umuwi daw kasi  kahapon ang mommy niya galing ibang bansa kaua gusto daw ako nito ma meet in personal.” Sinabi ko na lang kay mama ang mga sinabi ni Kyro sakin. Kung ano talaga ang pakay nito kung bakit ako pinapapunta don sa bahay nila. 

MY COOL CRUSH STOLE MY HEART [COMPLETED]Where stories live. Discover now