Chapter 58: Black Van

12 1 0
                                    

—KERA POV—

"Bilisan mo mag bihis Kera mala-late na tayo!" Sigaw ni mama mula sa labas ng kwarto ko."Ito na ma...papalabas na ako." sagot ko naman dito.

"Ano ba yan! Napaka excited naman nito." Reklamo ko pa at dali dali naman ako nag bihis ng damit.

Sunday ngayon at ngayong kami  pupunta sa puntod ni papa. Pero bago yun magsimba muna kami kasama si Kieron ako at si mama.

Sa tutuo lang kulang ang tulog ko kagabi, pano kasi pag dating ko dito sa bahay nag-usap pa kami ni mama. Nakaabang pala ito kagabi sa sala tas si Kieron tulog na. Kaya ayun sinabi ko kung anong ganap sa pagharap ko sa magasawang Fernandez.

10 pm na ako nakauwi kabagabi. Gusto pa sana akong pigilan  ng mommy ni Kyro na don na lang daw muna ako mag stay sa bahay nila dahil gusto pa daw niya akong makausap, pero ako na ang tumanggi since wala rin naman sa plano ko ang manatili don kahit sabihin pa natin na mabait ito pero hindi pa talaga ako sanay na makikitulog sa ibang bahay. Ang pinag-uusapan lang naman namin ng mommy ni Kyro ay tungkol lang din sa relasyon namin ni ng anak niya, tinanong niya ako kung mabait daw ba si Kyro sakin. Paano daw nagsimula bago naging kami ni Kyro. Kaya sinagut ko naman ito ng totoo.

Nagulat pa nga ito dahil hindi naman ganon daw ganon si Kyro sa unang naging girlfriend nito. Tas nagpasalamat pa ito sakin dahil binago ko daw ang anak nila. Pagkauwi ko hindi pa ito na kontento dahil sa binigyan pa ako nito ng binigyan ng maraming pasulobong.

Syempre hindi mawawala ang chocolate, then mga pabango at damit. Pati si mama at Kieron binigyan din. Nahihiya pa akong tanggapin ito dahil subrang dami ng paper bag na pinadala, pero no choice tatanggi kapa ba kung libre na.

Nagsuot lang ako ng square top na purple at cardigan na purple then sa pang ibaba trouser na kulay nude. Naglagay lang ako ng pulbo at liptin then inipitan kona rin ang buhok.

Pagkatapos ko mag ayos lumabas na ako ng kwarto. Habang nakasukbit naman ang maliit kung shoulder bag na kulay purple na gucci.

Nakita ko naman si mama nakaupo ito sa sofa namin sa sala. Mangha talaga ako sa ayos  ni mama ngayon, kahit 40 na ito di parin kumukupas ang kagandahan. Mas lalong bumagay ang suot nitong black dress at kulay brown na sandal na suot nito. Nag lagay din ito ng light makeup at lipstick na na brown at sukbit naman ang favourite na kulay blue green Gucci shoulder bag nito na ginagamit niya tuwing papasok sa trabaho.

"Ma asan na si Kieron?" Tanong ko dito.

"Nasa kwarto pa nagbibihis, iwan ko ba sa kapatid mong yan dinaig kapa pag bumihis, subrang tagal." Aniya.

Kahit ako pansin ko rin ang pagbaago ni Kieron this past few weeks hindi naman yan ganyan dati halos walang pake nga yan sa sinusuot kahit na maraming dumi.Pansin ko rin na madalas na itong maayos tuwing lalabas ito para makipag laro sa kababata nitong katabi lang din ng bahay namin.

"Tawagin mo nga yun ng makaalis na tayo, saka malapit na rin magsimula ang misa." Wika nito saka ko naman sinunod.

"Kieron bilisan mona daw diyan!" Tawag ko dito mula sa labas ng kwarto nito.

"Wait lang ate nagaayos pa ako!" Sagot naman nito sakin."Ano ba yan, hanggang ngayon ba hindi ka pa rin tapos sa pagbibihis? Bilisan mona diyan baka ma late pa tayo.” inis kong sigaw dito bago bumalik sa sala.

"Nagbibihis pa si Kieron ma." Sabi ko dito at umupo sa bakanting sofa. “Hanggang ngayon hindi pa rin tapos?” Tinawag ko na yan kanina nagbibihis pa tas ngayon bihis parin." reklamo naman nito.

"Pabayaan muna ma, ang aga pa naman at hindi pa naman nagsisimula ang mass." Pangungumbinsi ko dito. Pero mukhang hindi parin tumalab.

'Bat kasi ang tagal mo Kieron, eh bibihis lang naman mas may reason pa nga kung babae dahil marami pang ayusin.' Mga salitang nabuo sa isip ko.

MY COOL CRUSH STOLE MY HEART [COMPLETED]Where stories live. Discover now