CHAPTER 29

5.9K 244 128
                                    

CHAPTER TWENTY NINE

Cheated

The days passed quickly, and before I knew it, summer was over and classes had started again. I am now a fourth-year college student, halos dalawang taon pa ang bubunuin ko para maging isang ganap na architect.

Usually, nagbabakasyon ako sa ibang bansa kapag summer, pero ngayon ay mas pinili kong dito muna sa Pilipinas. I couldn't bear to be away from my big baby. So instead of visiting my relatives abroad, I spent the entire vacation at Jaevier's condo.

Nanonood ng Netflix sa condo ni Jaevier, gumagala, minsan nag-a-outing kasama ang mga kaibigan niya, doon lang umikot ang buong summer ko. And I can say it was the happiest vacation I've ever had. Just being able to spend a long time with Jaevier already made me incredibly happy.

Akalain mo 'yon? Matagal na rin pala since noong maging kami? Ilang buwan na nga ulit? Five months? Wow. Just wow. Isang buwan na lang, makakalahati na namin ang taon.

Limang beses na kaming nagse-celebrate ng monthsary, at lahat iyon ay talagang sinisigurado ni Jaevier na magiging memorable. Palagi siyang may sorpresa sa'kin, magaling siya roon, eh.

Ni minsan, hindi niya ipinaramdam na may mali sa'kin. Hindi niya ipinaramdam na may pagkukulang ako. Sa paglipas ng mga araw, mas lalo lang naming minamahal ang isa't isa.

Ngayon, masasabi kong ito na ang taong gusto kong makasama habang buhay. Sigurado na ako rito. I won't let him go. Hindi ko kakayanin kung... iba ang makakatuluyan niya sa hinaharap. Begging is not my thing, but if I have to beg God and the entire world just to keep Jaevier, I wouldn't hesitate. There's nothing I wouldn't do for him. Because for me, he's worth it. Siya lang ang gusto kong makasama sa buong buhay na 'to, wala nang iba.

Posible pala iyon, 'no? Posible palang mahulog ng paulit-ulit sa iisang tao lang? Kasi iyon mismo ang nangyayari sa akin. Paulit-ulit akong nahuhulog sa kaniya, hindi natatapos, walang dulo, at paulit-ulit ko ring gugustuhing mahulog sa kaniya.

I don't want to lose him. Masyado ko na siyang mahal para maging isang aral lang sa buhay ko. Masyado na siyang importante sa akin, to the point na tumatak na sa akin lahat ng bagay na may kinalaman sa kaniya.

"Baka mapainom ako mamaya. Magpapainom si coach sa bahay nila, eh," sabi ni Jaevier habang diretsong nakatingin sa akin at sinusuklay ng daliri ang magulong buhok.

Nasa parking lot kami ng arena kung saan ginanap ang katatapos lang na finals. Nakaupo ako sa driver seat ng aking kotse at nakatayo si Jaevier sa tapat ng nakabukas na pinto.
Their game had just finished, and they were fortunate to win again, so it was expected that there would be a party later.

Nakakaintindi akong tumango. "Don't get too drunk, okay? Umuwi na kapag may tama na ng alak. Call me if you need a ride."

"Hindi na kailangan. Kasama ko naman mga kaibigan ko, so no worries. Magpahinga ka na lang pagdating mo ng bahay." He held the back of my neck and gently pulled me in for a kiss.

"Hindi naman ako napagod," ani ko nang sandaling maghiwalay ang aming labi.

I took a breath, then kissed his lips again. He groaned when I nibbled on his lower lip. I smiled against his lips.

"Napagod ka kayang umupo at panoorin kung gaano kagaling maglaro ang boyfriend mo," ngisi niya bago kinuha ang kamay ko na nasa balikat niya at iyon naman ang hinalikan. Gustong-gusto niyang hinahalikan ang kamay ko, fetish yata niya iyon.

"Ingat ka pa-uwi. Message me when you get home, okay?" aniya habang isinasara ang pintuan.

Nagpaalam na ako kay Jaevier at sinimulang paandarin ang sasakyan palabas ng parking lot. Nakikita ko pa si Jaevier sa side mirror na nakatayo sa kaniyang puwesto at tinatanaw ako.

Calmness In The Midst Of Chaos (Obsession Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon