Chapter 14: Girlfriend

34.7K 1.5K 201
                                    

Chapter 14: Girlfriend

Sakura's Point of View

"Girlfriend?" kunot-noong wika ko. Nabingi ba ako o talagang sinabi niya iyon?

Sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi. "Yes, Sakura. Be my girlfriend."

"Oh... naubusan kana ba ng babae kaya ako ang napagtripan mo?" nakataas na kilay na wika ko.

Natawa na naman siya. "Hey! I'm serious here."

"Can you do a favor for me?" nakangiting wika ko.

"Sure," walang pag-aalinlangan na sabi niya.

Tumango-tango ako.

Hinigpitan ko lalo ang aking hawak sa kamay niya na kinasalubong ng kanyang kilay. Sa kabilang banda naman ay ikinuyom ko ang kamay ko at sinuntok siya ng malakas na kinagulat niya.

Gusto ko matawa na makita ang reaksiyon ng mukha niya.

Napasinghap naman ng malakas si Karol. "Sakura!!!"

"Aww!" malakas na hiyaw niya. "What are you doing?!"

Binitawan ko ang kamay niya. "Are you hurt?"

"Damn! Of course!" inis na wika niya. Hinilot nito ang panga niya.

"Good," natutuwang wika ko. "Are you sincere?"

"W-What?" hindi makapaniwalang sabi niya. "Huwag mong sabihin sinuntok mo ako para lang malaman na seryoso ako sa iyo?"

"Actually Rogue, hindi iyon ang intensiyon ko. Gusto ko lang i-confirm kung gaano katigas iyang panga mo," natatawang wika ko.

"You're crazy!" bulalas niya.

"Obviously," I rolled my eyes. "Yes."

"Shit! Ang sakit mo manuntok!" reklamo niya na kinatawa ko lalo. "May gana ka pang tumawa," nakasimangot na wika niya. "Ano na? Payag kana ba?"

Oh... Akala ko nakalimutan na niya. "Sure," ang tanging nasabi ko na lamang.

"Pumapayag kana?"

"Yap. In one condition."

"What is it?"

"Everytime na magkikita tayo, pasapak ako sa mukha mo."

"You must be kidding, Sakura," napapailing na wika niya.

"Oh well, you're right, Rogue."

Napamaang siya. "You're weird."

"No. I'm pretty."

"And that's the biggest joke I've ever heard," napapailing na wika niya.

Hindi ko na siya sinagot at inirapan na lang siya. Hindi na ako nag comment dahil wala naman siyang ideya sa mga sinasabi ko. At isa pa, mas maganda naman talaga ako kay Sakura Holman.

"Karol, tara na nga!" yaya k okay Karol na natutulala sa amin.

"Wait!"

"What?" takang nilingon ko si Rogue.

"Can I have your cellphone number?"

"Okay," kinuha ko ang cellphone niya at sinave ang number ko doon. "Pakilala ka kapag magtetext ka ah!"

"Oo naman! See you later, Sakura."

"Okay," at hinatid ko siya ng tingin na tumatakbo pabalik sa baseball field.

Napabaling naman ako kay Karol na nakangiti. "Ang gwapo ni Rogue!" kinikilig na wika niya.

Pinaikot ko ang mata ko dahil sa sinabi niya. "Crush mo?"

SakuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon