CHAPTER 31

4.7K 264 106
                                    

CHAPTER THIRTY ONE

Life


Trigger warning: Suicidal ideation. Read at your own risk.

"How's your feeling, kuya?" Summer asked before gently placing a glass of milk in front of me. Naupo siya sa katapat kong upuan.

From gazing at the full moon, I shifted my gaze to her. It was past nine in the evening, but I wasn't feeling sleepy yet, so I decided to hang out on the porch to get some fresh air.

"I'm fine," I responded briefly before returning my gaze to the sky. "Why are you still awake?"

"Hindi rin ako makatulog, eh. I'm worried about you, kuya."

Kita ko sa peripheral vision ko ang pagsimangot niya bago uminom sa hawak niyang baso ng gatas.

"You don't need to worry. I'm fine," I reassured her.

Hindi ko alam kung si Summer ba ang kinukumbinsi ko o ang sarili ko. Fine? Damn it. Who was I fooling? After crying my heart out like an idiot earlier, after catching my partner cheating and breaking up with him... Who would be okay after that?

God knows how much it's breaking me inside.

It hurts. A lot. Pero kumpara kanina, mas kalmado na ako ngayon. May kirot pa rin, pero hindi na ako umiiyak. Tang inang may kirot pa rin. Sobrang kirot pa rin.

"I'm sorry sa nangyari sa inyo ni Jaevier, kuya. Kung alam ko lang na... gano'n ang gagawin niya sa'yo, sana hindi ko na lang siya tinulungang mapalapit sa'yo," she said, her voice filled with guilt.

I lowered my gaze. I lifted the glass of milk she made for me and took a sip.

"Hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo." Umiling ako at pinunasan ko ng daliri ang gilid ng aking labi. "Hindi mo naman alam na gagawin niya iyon."

Wala namang nakakaalam na tatarantaduhin pala ako ni Jaevier. Kahit nga ako, tiwalang-tiwala sa kaniya, eh. Malay ko bang hindi pa pala siya nagbabago? Akala ko kasi totoo, peke pala. Akala ko solid, acting lang pala.

Galing magpaikot. Wala eh, nauto niya si Hanz Winter Ybañez. Ano pa ba ang magagawa ko? Nangyari na. Kahit ngumalngal ako buong magdamag, hindi pa rin niyon mababago ang katotohanang napaikot ako. Tang ina. Hulog na hulog na ako, eh. Kung kailan mahal na mahal ko na... Tang ina talaga.

I thought I was so lucky to have someone like him who loved me so solidly. Sumpa pala ang tang ina. Hindi yata ako naging mabuting partner sa mga nakarelasyon ko sa nakaraang buhay ko, kaya ngayon kinakarma na ako. Lahat na lang ng nagiging partner ko niloloko ako.

Ang kaibahan nga lang kay Yvonne at Jaevier, mas naiintindihan ko ang rason ni Jaevier. Tang ina. Gusto kong pagtawanan ang sarili ko. Ako na nga 'yong niloko, pero ang gago ko kasi naiintindihan ko pa rin siya kung bakit niya ginawa iyon.

Bago ko pa man gawing official ang relasyon namin ni Jaevier, alam ko na malaki ang posibilidad na magkagusto pa rin siya sa babae. Naiintindihan ko kung... darating ang araw na ipagpapalit niya ako sa babae. At tinotoo nga niya. Galit ako pero naiintindihan ko. Babae 'yon, eh. Anong laban ko do'n?

Kung sa lalaki siguro siguradong magwawala ako. Kasi tang ina, lalaki na nga ako, tapos ipagpapalit pa ako sa lalaki? Ano 'yon? Para siyang nakahiga na no'n sa kama tapos lumipat pa sa sahig.

"Hindi ko talaga akalaing gagawin niya 'yon sa'yo. I mean, mahal na mahal ka no'n, eh. Kitang-kita ng dalawa kong mga mata kung gaano ka kamahal no'n kaya nakakagulat talaga," she said, shaking her head.

Marahan akong nagpakawala ng hininga. Sumandal ako sa kinauupuan kong silya habang nanatiling nakatitig sa baso ng gatas na hawak ko.

"Gano'n naman talaga. Iyong mga taong madalas acting in love na in love sa partner nila, minsan sila pa iyong nagloloko. Magugulat ka na lang may third party pala," komento ko.

Calmness In The Midst Of Chaos (Obsession Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon