A year later.
STEVIE'S POV..
The time passes by. Day and night worrying about the situation of Jaden.
Handa na ko. Hinanda ko na ang sarili ko sa kung ano man ang mangyayari sa amin ni Jade. Ang hirap tanggapin noong una pero pilit kong pinatatatag ang sarili ko. Dahil panigurado akong Hindi gugustuhin ni Jade na nakikita akong nagkakaganito.
Matapos ang isang taong gamutan. Babalik na ko ng Pilipinas. Kung saan kami bumuo ni Jade ng mga masasayang ala ala. At iiwan ko itong Amerika, iiwan ko dito lahat ng sakit at hinagpis na dinanas namin dito.
Hindi naging madali ang isang taon na iyon. Halos gabi gabi kaming nag iiyakan ni Jade, gabi gabi kaming nagpapa alam sa isa't isa. Gabi gabing sinasabi sa isa't isa kung gaano namin ka mahal ang isa't isa.
Pero lahat ng luhang aming inilaan. Lahat ng sakit na iyon? Lahat ng pagod namin pati ni kuya Kael? Masasabi kong naging worth it ang lahat.
Babalik kami ng Pilipinas na magaling na si Jade. Magaling nga ang Ninang ni Dane. Hindi nya kami sinukuan at nakahanap kami agad ng bone marrow na ipapalit kay Jade.
Hindi naging madali ang journey naming dalawa sa states. May times na gusto na nyang sumuko, pero pinaparamdam ko sa kanya na hindi nya kailangang gawin iyon. Nandito ako. Nandito kami sa tabi nya. Ganun din ang mga Fans na walang tigil sa pagsupport sa kanya kahit na nawala sya ng isang taon. Halos everyday nagbibilang din sila kung ilang araw ng walang paramdam si Jade. Kaya naman naisip namin ni Miss Jovs at ay kinausap namin sya kung pwede kaming magset ng video call sa mga fans nya. Pumayag naman sya
"Are you ready to Go back babe?" Tanong nya sa akin
"This is it babe. Magaling ka na. Salamat kase hindi ka sumuko. Hindi mo ako sinukuan"
"Mahal kita ehh"
She kissed my temple and hugged me tight
"Ehem. Huwag nyo naman iparamdam sa akin na single ako ohh. Onting respeto naman oh" sita sa amin ni kuya Kael na kalalabas lang ng kwarto nya
"Sorry na. Kailan ka ba hahanap ng sayo kuya?"
"Secret"
"Luh, kuya hindi ka na bumabata baka nakakalimutan mo"
"I know, i know. Maiba tayo si Storm at Dustine ba hindi sisilip dito?"
"Mga busy sa mga Jowa nila huwag mo ng balakin."
Sa isang taon na pamamalagi din namin dito ay naging close kami sa kuya nina ate Thea na si kuya Storm. Kilala na rin namin yung mga girlfriends nila.
Actually kapitbahay lang din namin sila, dahil doon kami pinatuloy ni Dane. Then nakilala rin namin ang pamilya ni Doc Janet nang minsang dalhin nya kami sa bahay nila for the victory party.
"Sino maghahatid sa atin sa Airport?" Tanong pa nya
"Sila din. Kuya naman atat na atat ka namang umuwi. Mamaya pa namang gabi ang flight natin" sagot ko
"Miss ko na Pilipinas ehh. Lalo na mga luto ni Yaya"
"Ay korek ka dyan kuya. Ako din na mimiss ko na ang Pinas"
"Magkapatid nga kayo." Naiiling pang wika ko.
.
.
.
.
.NAIA Terminal...
Nakalapag na ang eroplanong sinasakyan namin. Walang may alam sa pamilya namin na ngayon ang lapag namin. Gusto kase ni Jade na supresahin namin ang mga pamilya at kaibigan namin kaya yun ang ginawa ko.