CHAPTER 32

5.4K 252 118
                                    

CHAPTER THIRTY TWO

Aisle


Nakausap ko ang doctor nang pumasok ito sa kuwarto ni Jaevier. According to her, Jaevier had lost a lot of blood but was now safe. Fortunately, he was treated in time and immediately brought to the hospital. I am immensely grateful to Jaevier's friends for that.

Jaevier's friends also visited, but they left quickly because they still had classes. Sumilip lang talaga ang mga ito para alamin ang lagay ng kaibigan.

Jaevier still hasn't woken up. Lumabas muna ako ng hospital para bumili ng pagkain, para mamaya paggising ni Jaevier, may kakainin siya.

"How's your feeling?"

Bumagal ang hakbang ko nang marinig ang boses na iyon mula sa loob ng kuwarto kung saan naka-confine si Jaevier. Hindi ako puwedeng magkamali ng dinig, boses ng babae iyon.

"I'm fine," sabi ni Jaevier. "What are you doing here?"

Tuluyan na akong huminto sa paglalakad. Nakatayo lamang ako sa labas ng pinto, salubong ang kilay at nag-iisip kung sino ang babaeng kausap niya.

I carefully moved to peek through the door's window to see who Jaevier was talking to. Babae nga. Nakaupo ito sa silyang nasa tabi ng kama, nakasuot ng pink floral chiffon dress, may hawak na sling bag at nakalugay ang hanggang baywang at blondeng buhok. Maputi rin, medyo payat, puno ng kolorete ang mukha at...maganda.

Mas lalong nagsalubong ang aking kilay. Sino 'yan? Hindi pamilyar sa akin ang mukha ng babae. Kamag-anak ba niya? Hindi naman sila puwedeng maging magkapatid dahil wala namang babaeng kapatid si Jaevier. Mas lalo namang hindi sila magkamukha.

"Binibisita ka." Sumimangot ang babae. "Pinag-alala mo ako ng husto."

Nag-iwas ng tingin si Laurent, guilt was now plastered on his face. "I'm... sorry."

Marahan akong umatras at nagsimulang maglakad palayo, palabas ng hospital. Biglang nagbago ang isip ko. Ano pa ang gagawin ko roon? Hindi naman na ako kailangan doon. May kasama naman na siya. Mukha ngang nag-eenjoy pa siyang kausap ang babaeng iyon, nakakahiya naman kung iistorbohin ko.

'Yon ba 'yong babaeng kasama niya noong gabing iyon? Doon ba galing 'yong mga hickeys niya? My jaw clenched. Tang ina. E 'di doon siya magpa-alaga!

"Akin 'to?" Ngiting-ngiting tanong ni Axiel nang ilapag ko sa armchair niya ang supot ng mga pagkaing binili ko. Para sana sa amin ni Jaevier iyon pero... Nevermind... Nawalan na ako ng gana.

Pabagsak akong umupo sa tabi ni Axiel saka bumuntong-hininga, iniisip pa rin iyong babae sa hospital. Sinulyapan ko ang mga pagkain na ngayon ay hawak-hawak ni Axiel, sinisipat iyon.

Dapat ba pinakain ko muna? Paano kung nagugutom na 'yon? Muli akong nagpakawala ng marahas na hininga. Doon siya manghingi ng pagkain sa babae niya. Kahit magpasubo pa siya, wala akong pakialam.

After that, hindi ko na muli pang nakita si Jaevier. Hindi na rin ako nakabalik pa sa hospital dahil sabi ng mga kaibigan ni Jaevier ay nakalabas rin agad ito. He didn't show up at school the whole week.

Gusto ko sanang dalawin sa condo niya, pero hindi pa ako handang makaharap siya. Hindi pa ako handang pag-usapan ang sitwasyon naming dalawa. Masakit pa rin, eh. Kahit gustong-gusto kong kumustahin at alamin ang lagay niya, pinigilan ko ang aking sarili.

Kampante naman ako dahil ayon sa mga kaibigan ni Jaevier, inaalagaan naman daw ito ng nakatatanda nitong kapatid at sinisiguradong hindi na mauulit ang nangyari.

"Sigurado ka ba riyan, bro? Si Jaevier, magchi-cheat?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Kleint. "Eh, patay na patay sa'yo ang gagong 'yon. Parang napaka-imposible naman yata niyan."

Calmness In The Midst Of Chaos (THE PLAYBOY'S OBSESSION) ②Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon