Isang buwan nang nasa Japan si Ma'am Marissa, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nahahanap si Yuka. Ni isa ay wala rin itong balita tungkol sa kanya, malapit na siyang mawalan ng pag-asa pero pilit niyang tinatatagan ang loob niya. Dahil para sa kanya, kailangang malaman ni Yuka ang lahat, lahat lahat ng tungkol kay Nicholas.
Isang gabi, habang naglalakad siya at patuloy na hinahanap si Yuka sa mga kalsada ng Japan ay biglang umulan nang napakalakas. Napatigil siya at dahil sa wala siyang dalang payong ay napilitan siyang pumasok sa pinakamalapit na shop na kanyang nahanap. Maliit lang ang shop na ito pero maraming tao rin ang nasa loob at kumakain.
"Ma'am Marissa?", tawag sa kanya. Nagulat at nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang boses na iyon. Hindi kasi niya inaasahan na may makakakilala sa kanya sa lugar na iyon. Lumingon siya sa likod niya at mas nagulat pa nang makita ang taong nakatayo sa likod niya at tumawag ng pangalan niya. It was Yuka, she looks mature now, but she still has that soft face on her. She is holding a wooden tray with plates and bowls on top of it, she is wearing a white dress with a black apron wrapped around her waist. She grew taller too, now taller than her Professor.
"Yuka...", sambit niya saka mangiyak ngiyak na lumapit sa estudyante at hindi na nagdalawang isip pa na yakapin ito ng mahigpit. "I've been looking for you, buti na lang at nahanap na rin kita sa wakas".
"Ma'am, ano pong ginagawa niyo dito sa Japan, at bakit niyo po ako hinahanap?", clueless na tanong ni Yuka, she still has that soft voice of her. Napakalas sa yakap ang guro at hinawakan ang mukha ng estudyante, ang mukha na sampung taon niyang hindi nakita, ang mukha na kay tagal niyang na-miss. Ang mukha na akala niya'y hindi niya makikita uli.
"I came to give you this... this were from Nicholas", she said and immediately opened his wet messenger bag and pull out the blue journal and the letter. Natigilan si Yuka nang makita iyon at napaatras.
"Nicholas?", sambit niya, at bigla siyang nakaramdam ng kakaibang kaba sa dibdib niya. Napatango naman ang guro sa kanya.
"I-serve ko lang po muna ito. Hintayin niyo po ako dun sa table", wika niya sabay turo sa bakanteng table sa gilid sa guro, tumango naman ang guro at tumungo na duon, habang si Yuka naman ay dinala ang tray sa kabilang direksyon at inilapag ito sa isang table ng isang pamilyang nagsi-celebrate duon ng kaarawan. Pagkatapos mag-serve ay nagbow si Yuka sa kanila at nagpaalam, binalik sa counter ang tray at pinuntahan ang kinauupuan ng kanyang guro.
"Kamusta ka anak? Mabuti at hindi mo pa rin ako nakalimutan", panimula ng guro at nginitian ang estudyante.
"Mabuti na man po, ito po at sa awa ng diyos at pagkatapos po ng aksidente ni Mama ay nakapagpatayo po kami ng aming sariling negosyo. Maliit lang pero paunti-unting umaasensyo. Kayo po? Kamusta po kayo? Sampung taon din po tayong hindi nagkita", nakangiting sagot ng estudyante.
"Okay lang ako, anak. Ang totoo nga nyan ay kaka-retire ko lang sa University. I was packing my stuffs up nang mahanap ko ang journal mo sa mga gamit ko. I read it. That's why I'm here. Why did you left, anak?".
"Pasensya na po kayo kung hindi po ako nakapagpaalam sa inyong lahat. Naaksidente po kasi si Mama nung mga araw na yun at dahil dun ay tinawagan ako ni Papa na babalik na daw kami ng Japan. Mama is in a very critical condition and takot na takot po kami nun na baka mawala po siya sa amin".
STAI LEGGENDO
Before We Part Ways
Storie d'amoreMa'am Marissa is a retiring Professor of the said University. Habang ini-impake ang mga gamit sa kanyang office ay may nahanap siyang isang kulay dilaw na journal na pagmamay-ari ng kanyang estudyante 10 years ago. This student was one of the best o...
