CHAPTER 34

6.6K 295 44
                                    

CHAPTER THIRTY FOUR

Waiting

Shiela Sayson:

That's so disgusting. I heard he has kids? Hindi na nahiya!

Alex Fuentebello:

Tama, ikulong dapat ang mga rapist! Hindi dapat 'yan hinahayaang magpagala-gala!

Christine Huang:

Rape doesn't only happen to women. Many men are also molested, 'yong iba hindi lang talaga kayang mag-voice out kasi nahihiya dahil ginagawang katatawanan ng mga immature at bobong mga tao.

Jake Bautista:

Ang sarap maging homophobic kapag ganito ang mga bakla, e!

I closed the tab and folded my laptop. Marahan akong napabuntong-hininga sa sari-saring komentong nabasa ko sa isang post sa aming school Facebook group page. Post tungkol sa ginawang kahayupan ni Coach Tim.

Mahigit isang buwan na ang nakakaraan noong malaman ko na ang hayop na Tim na 'yon ang assaulter ni Jaevier. Fortunately, he's now in jail with no chance of ever being released.

He was sentenced to life imprisonment. Nagpatong-patong na rin kasi ang kaso niya. Bukod sa sexual assault, sinampahan din siya ng adultery ng sarili niyang asawa. He also tested positive for drugs and it was discovered that one of his businesses involved selling drugs.

Naging smooth ang takbo ng kaso dahil tinulungan kami ni Jaxon, iyong kapatid ni Jaevier na naga-abogado. Tumulong din si Ate Leslie, kapatid ni Jaevier sa tatay, 'yong babaeng nakita ko sa hospital dati na inakala kong babae ni Jaevier. Tang inang pinagselosan ko pa nga, e.

Galit na galit ang mga kapatid ni Jaevier. Handang ubusin ni ate Leslie lahat ng yaman niya maipakulong lang ang hayop na 'yon. Kahit ako rin naman, e. Kung kinakailangang nakawin ko lahat ng pera sa bank account ng pamilya ko, gagawin ko masigurado lang na hindi na makakalabas ang putang inang 'yon.

Kung hindi siya makukulong, siguradong hindi rin magtatagal ang buhay niya dahil ako mismo ang tatapos sa kaniya. Iniisip ko na nga kung anong klase bang pagpatay ang gagawin ko. Iyong sanang unti-unti niyang mararamdaman 'yong sakit. Iyong tipong siya na mismo ang magmamakaawang tapusin siya.

With the help of Jaevier's family and friends, we managed to handle the case without Jaevier having to face court. Iyon kasi ang pinoproblema ko dati.

I didn't want him to face that scumbag Tim again because it would just remind him of the bastard's monstrosities. Pero ang putang inang Tim, hindi lang pala si Jaevier ang biniktima.

Meron din pala siyang kasong rape sa dating school kung saan siya nag-co-coach, pero dahil mapera ang gago at walang sapat na pera ang una niyang biktima para patakbuhin ang kaso, nagawa niyang makalusot.

Nalaman namin lahat ng iyon ng magpa-imbestiga sila Ate Leslie. Sa tulong ng dating rape victim ng hayop na Tim na 'yon, tuluyan itong naipakulong. Sinuportahan namin ang kaso para maibigay kay Jaevier at sa una niyang biktima ang katarungan.

Serves him right. Pero kung ako ang tatanungin, kulang pa 'yon, e. Hindi sapat na makulong lang siya pagkatapos ng lahat ng ginawa niya. Tang ina, he ruined their life! Walang kapatawaran ang ginawa niya!

The news about him being a rapist exploded, hindi lang sa university kundi maging sa labas. His case even made it to TV news.

Maraming tao ang mas nagalit sa mga bakla. Pero kung titingnan, his being a rapist had nothing to do with his being gay. Sadyang utak rapist lang talaga siya. Kasi kung tutuusin, lahat naman may kakayahang manghalay kung gugustuhin. Whether woman, man, lesbian, gay, or any gender, anyone can be a rapist.

Calmness In The Midst Of Chaos (Obsession Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon