CHAPTER THIRTY SIX
Married
I woke up suddenly from a deep sleep when my cellphone on the bedside table started ringing. I just groaned and pulled the blanket over my head, not planning to answer the call. Titigil din 'yan maya-maya.
Inaantok pa ako!
Maya-maya, tumigil na rin sa pagiingay ang cellphone ko. Pero wala pang sampung segundo ay muli na namang tumunog iyon. Salubong ang aking kilay at nakapikit pa ang mga matang kinapa ko ang phone sa bedside table.
Ang aga naman mang-istorbo nito! Tang ina, gusto ko pang matulog!
Pinindot ko ang answer button na hindi tinitingnan ang pangalan ng caller at itinapat iyon sa aking tainga.
"Hi, kuya!" Boses ni Summer ang bumungad sa'kin.
Ngumiwi ako at bahagyang inilayo ang cellphone sa aking tainga. Ang lakas ng boses niya; may balak yata siyang basagin ang eardrum ko.
"Bakit ka napatawag? Inaalila ka na ba ng fiancée mo at magsusumbong ka na naman?" tanong ko sa namamaos na boses.
Right. Yesha is her fiancée now. She proposed to her six months ago. They're planning to get married next year in France. They're also in the process of adopting a child.
Summer is just twenty-four, pero uunahan pa niya akong mag-settle down. Anong magagawa ko? The person I want to marry is still studying, still busy building his own life. Hindi ko nga alam kung ako pa ba ang gusto no'n. Malay ko ba kung nakahanap na iyon ng iba habang nasa Amerika siya. Six years na rin ang nakakaraan, hindi imposibleng mangyari ang iniisip ko.
Kapag gano'n, 'di bale na lang. Magpapakatanda na lang akong binata. Siya lang naman kasi ang gusto ko, siya lang ang pangarap ko, at... kung hindi rin naman siya, 'wag na lang, ayos na ako sa ganito. Mas gugustuhin ko na lang mag-isa kaysa kumilala ulit ng bago.
"Anong inaaalila? Siya nga ang inaalila ko," humalakhak siya. "Anyway, kuya, tumawag ako kasi, you know, makikichismis ako tungkol sa ganap ng love life mo. Napanood ko kasi iyong video no'ng engagement party nila Marcus na in-upload ni Maecy sa Facebook. Friends kami no'n sa FB, eh. Nakauwi na pala ang sinta mo?"
Bumuntong-hininga ako. "Mn. Biglaan ang pag-uwi niya para i-surprise iyong mga kaibigan niya."
"Bakit parang hindi ka yata happy, kuya? Six years mo iyong hindi nakita oh, kaya dapat happy ka. Nakausap mo ba?"
I closed my eyes tightly, trying to fight off the sleepiness I was feeling. "Hindi."
She let out a frustrated groan, clearly disappointed by what she heard. "Bakit hindi? Dapat kinausap mo!"
Muli akong napabuntong-hininga sa sinabi niya. Parang mas frustrated pa si Summer kaysa sa'kin. Kung may tiyansa lang, bakit hindi? Kaya lang, hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong makausap si Jaevier dahil pagkatapos niyang bumaba sa stage kagabi, dinumog agad siya ng mga kaibigan niya. Wala akong ibang nagawa kundi panoorin na lang siya mula sa malayo.
Pero kung may tiyansa lang, talagang kakausapin ko 'yon. Namiss ko, eh. Sobrang namiss ko. Gusto ko rin sanang kumustahin, at kung bibigyan ng permiso... yayakapin na rin.
Isa pa, medyo nangangamba ako kasi baka bumalik din agad iyon sa Amerika, baka hindi ko na talaga siya makausap pa. Iniisip ko, baka umuwi lang talaga iyon para sa engagement ng mga kaibigan niya at hindi para sa'kin. Kasi kung para sa'kin, e 'di sana matagal na siyang umuwi, hindi na sana niya pinaabot ng anim na taon.
"Matagal na kaming wala, Summer. Baka nga... may iba na 'yon," sabi ko kasi baka umasa na naman itong kapatid ko na magkakabalikan pa kami ni Jaevier.
Base sa reaksiyon ni Jaevier kagabi, mukhang... wala na talaga siyang pakialam sa'kin. Isang beses lang nga niya akong tiningnan, 'yong nasa stage lang siya habang kumakanta, hindi na iyon nasundan pa. Nagdududa pa nga ako kasi baka hindi naman talaga ako ang tinitingnan no'n at assuming lang talaga ako.
BINABASA MO ANG
Calmness In The Midst Of Chaos (Obsession Series #2)
RomanceFormer Title: The Playboy's Obsession Mark Jaevier Laurent Obsession series # 2 "Every time I try to let go, memories of us pull me back in. I wish I could unlearn all the good things about you and erase all the memories we had to make it easier fo...