BMDN Chapter 34

103K 2.3K 107
                                    

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko itatago kay Spencer ang katotohanan tungkol kay Kisza. Ni hindi ko nga alam kung gusto ko pang sabihin sa kanya ang totoo, masyado akong masaya ngayon at natatakot akong harapin ang magiging kabayaran ng kasalanan ko. Mahal ko si Spencer, ni hindi ko alam na kaya kong mag mahal ng ganito kalalim. Totoo nga siguro na walang mabilis o mabagal sa pag-ibig, mamamalayan mo nalang na tumitibok na pala ang puso mo sa isang tao na walamg ginawa sayo kung hindi ang laitin at maliitin ka. Pero sa kabila ng hindi kaaya-ayang ugali ni Spencer ay nakita ko ang totoong dahilan kung bakit ganoon sya, kinain sya ng galit sakanyang sarili dahil sinisisi nya ang kanyang sarili sa nangyaring aksidente.


Pero masaya ako na nagawa nyang tanggapin na wala syang kasalanan sa nangyari. Alam kong wala akong naitulong sa kanya, dahil sya mismo ang nag ahon sakayan, tinulungan nya ang kanyang sarili na patawarin ang sarili nya. Na tanggapin ang lahat, at naniniwala ako na hindi nawawala ang pag mamahal nya para kay Raquel at mananatili ito sa puso nya. Ang hinihiling ko nalang ngayon ay sana ganoon din ang mangyari sa oras na malaman nya ang totoo, na manatili ako sa puso nya sa oras na malaman nya na anak ko si Kisza.

Sana.... Sana matanggap nya ako sa oras na malaman nya ang totoo. Pero kung hindi man, malugod kong tatanggapin iyon.







Himinga ako ng malalim at isinarado ang notebook ko kung saan ko sinusulat ang lahat ng nasa isip ko at lahat ng gusto kong sabihin kay Spencer na hindi ko masabi sakanya ng harapan. Itinago ko ito sa ilalim ng mga damit ko.



Pumasok ako ng banyo para maligo, naalala ko ang naging usapan ni Daniel at Spencer kahapon. Ang seryosong mukha ni Daniel habang kausap si Spencer,  nakaramdam ako na parang may humaplos sa puso ko ng marinig ang huling sinabi ni Daniel. Niyakap ko sya pag kayari non at nag pasalamat sa pag unawa sakin. Alam kong nag aalala lang sya sakin, pero handa akong tanggapin kung ano man maging kabayaran ng sayang nararamdaman ko ngayon.

Napahinga ako ng malalim sa isang linggo ay birthday na ni Kisza, 7 years old na sya. At tatlong araw bago ang birthday nya ay 1st Death Anniversary ni Raquel. Kagabi ko lang nalaman iyon, na tatlong araw bagonang kaarawan ng anak ko ay naganap ang aksidente kung saan namatay si Raquel. Sinabi sakin ni Spencer na kakausapin nya ang pamilya ni Raquel, tumango lang ako kahit na nakaramdam ako ng kaba sa sinabi nya.




Pinilig ko ang ulo ko para makapag focus sa paliligo. At ng matapos ako ay nag tapis lang ako ng towel bago lumabas ng banyo. Nagulat pa ako ng madatnan si Spencer na prenteng nakahiga sa kama ko, nawiwili sya na dito matulog sa kwarto ko. Masaya naman ako dahil wala kaming ginawa kung hindi ang mag kwentuhan at kilalanin ang isa't-isa hanggang sa makatulog kami.




"Lipat mo na kaya ang mga gamit mo dito" natatawang sabi ko sa kanya bago kumuha ng mga damit na isusuot ko.


"Oh, you have a good idea Miss" nakangiting sabi nya, napailing ako lagi sya dito natutulog kahit na ang liit lang ng kama ko hindi katulad ng king size bed nya sa kwarto nya.



"Baliw" natatawang sabi ko saka pumasok muli sa banyo para mag bihis.

Nang lumabas ako ay nakita kong tulog na sya, pagod siguro sa trabaho. Malamang ay madaming tambak sa na papeles sa opisina nya, kailan ko kang nalaman ang trabaho nya. Sya na pala ang hahawak ng kompanya nilang pamilya, ang famous Zamora Aviation Services, isang aircraft maintenance repair at overhaul business. At may pag aari rin silang mga resort katulad nalang ng sa Allergen. Sakanila rin pala ang Z Malls kung saan  kami nag gala ng mga kapatid ko kasama si Carlo, kaya pala alam nya na lumabas kaming mag kakapatid at kasama ang dati kong boyfriend dahil nandoon din sya at nag iikot sya sa Mall noon upang siguraduhin na maayos ang lahat.

Become My Daughter's NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon