Chapter 31 : Interview

6 1 1
                                    

Minjeong's POV

Maaga pa sa tilaok ng manok ng kapitbahay namin ni Jisung ang pagbangon ko para magready. Ilang weeks din yung preparation ko para dito syempre, Lee Construction Corporation o mas kilalang LCC,  na yung nag-email sakin dahil gusto daw nila akong ma-interview. Ibig sabihin malaki ang tsansa kong makapagtrabaho sa kanila.

Isa rin kasi ang LCC sa pinakamalaking construction company dito samin. At kapag malaman nilang doon ka nagtatrabaho instant good record ka.

" Aga natin MJ ah, parang sa pagkakaalala ko ganitong oras tulog mantika ka pa sa kwarto mo",  sabi nang kakagising na si Jisung.


"Kailangan e, alam mo naman LCC yung mag-iinterview. Pero antok pa talaga ako",  sabi ko pa na ikinailing niya saka siya pumunta sa kusina para ata magkape.

Gusto ko man gamitin yung motor ko kaya lang ayoko namang magulo yung buhok ko, hirap kaya magretouch saka kahit papaano ayoko namang magmukhang mangkukulam mamaya.

Di rin nagtagal at paalis na ko nang nagchat si Minmin if gusto ko ba daw magpahatid agad naman akong tumanggi. Wala lang gusto ko lang maging independent, all these years kasi lagi silang nandyan para alalayan ako they're all one call away. Di ko rin alam kung anong nagawa ko sa past life ko at sobrang bait namang mga nakapaligid sakin. They really take care of me.

Papunta na ko sa may highway para maghintay sa bus stop nang mapansin ko ang isang babaeng mukhang problemado dahil sa nasiraan o naubusan ata ng gasolina. At dahil pinalaki akong matulungin agad akong lumapit sa kanya.

"Excuse me miss? Need help?", tanong ko pa kahit obvious naman, sorry na naninigurado lang baka kasi may tutulong na pala sa kanya.

Nang bigla itong lumingon sa gawi ko. Hindi ko alam kung star struck ba ang tawag dito pero natulala talaga ng tatlong segundo nang humarap siya.

"May kasama pa ba ko?", nakangiting aniya kaya naman agad akong ngumiti at napakamot sa batok.

"Sorry, ang ganda mo kasi este iniisip ko lang kung kailangan mo ba talaga ng tulong?", sabi ko na ikinatawa niya. Shibal, pati tawa ang cute.



"Sorry, ang cute mo kasi and thank you for the compliment.Anyways I really need some big help, my car tires is flat kasi and I also have an important appointment this morning. Can you please help me, I'll pay you don't worry?", aniya, gusto kong tumanggi kasi naalala kong may interview pa nga pala ako.Pero di ko kasi maresist yung mga mata niyang nakikiusap.


"Sure, I'll help you.", sabi ko pa saka ko hinubad yung coat ko. Grabe yung preparation ko. Pero syempre tinext ko rin si Lucas kaya lang mukhang tulog pa ata siya. Though kaya ko namang mag-ayos ng flat na gulong kung kumpleto yung tools. Kaya lang matatagalan talaga ako dito tapos baka madumihan pa tong damit ko. Pero bahala na nga.Buti nalang at kumpleto yung tools niya.

Nasa part na ako na malapit ko nang matanggal yung gulong ng car niya nang bigla akong pahintuin ni Miss ganda.

"Uhmm.. excuse me. May tutulong na sakin sa kotse ko so you can stop na. Baka madumihan pa lalo ang suot mo.",  aniya.

"But, I still need your help.", dagdag pa niya.


"I don't know how to commute kasi. Can you help me one last time?", cute na sabi nito na tila nahihiya kaya naman napangiti nalang ako at tumango.





"Yes,thank you talaga", aniya saka kumapit sa braso ko pero agad ring bumitaw nang mapansin niyang parang awkward.

Ang cute niya para siyang pinaghalong Ningning at Minju. Alam niyo yung anak mayaman na di maarte at higit sa lahat maganda pa at halatang may class pero sobrang clingy.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 3 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Glance from a Distance Where stories live. Discover now