69

199 13 23
                                    

We've finally arrived here at Davao again. Pagdating namin ay dumiretso kami agad sa hospital and buti nalang sumakto na gising na rin si mama that time.

Pero nang makita ko si Bong hindi ko maiwasang magalala rin dahil obvious na obvious ang pagod niya, lumalaki na rin ang eyebags niya na para siyang panda. Mukhang talagang pinagpuyatan niya si mommy at hindi ko maisip na kaya niyang magsakripisyo ng tulog para lang maalagaan ang mommy ko.

"Lola!" Fiara walked towards her grandmother and hugged her, my lips immediately formed a smile when I saw that because I know how good their relationship is.

"Anak" konti nalang ay maluluha na ako, but I tried not to.

"Ma, I missed you so much" I can't help it anymore but to tear up. I missed her so much, what kind of daughter I am? I wasn't even there when she's struggling, sa sobrang pagaalala ko sa trabaho at mapalaki ang anak ko, nakakalimutan ko na may nanay din pala ako.

"Ano ka ba, everything's fine! eto ako malakas ako oh, huwag kang umiyak" I immediately hugged her and leaned my head on my shoulder.

"I'm sorry, Ma" she caressed my head chuckled.

"You don't have to, I understand. Okay naman ako, tsaka may tiwala ako sayo na hindi niyo ako pababayaan ha" I nodded and wiped my tears while smiling at her.

"Ma, I don't know kung nabalitaan mo na pero-"

"Anak alam ko na na mangyayari 'yon sa kumpanya natin, I'm sorry that I didn't inform you pero sa ngayon wala muna akong pake roon!" we laughed and I nodded, sighing in relief.

"Thank you, I love you" I whispered and kisses her cheek. Nginitian niya naman ako at bumulong din sa tenga ko.

"Alam ko naman iyon, pero sa kaniya nasabi mo na ba iyon?" gumilid ang mata niya saglit at lokong ngumiti.

"Mama ano ka ba!"

"Hoy inday ako ang nanay mo kaya kilalang kilala kita, kaya habang umaga pa umamin ka na" inirapan ko siya at napailing nalang habang tumatawa. Tinignan ko naman si Bong na nakatingin din sa amin habang nakangiti, ha! hindi naman niya narinig 'yon!

Pagtapos ng ilang oras ay natulog muna si mama, lumabas din ako saglit para bumili ng pagkain habang natutulog si Bong buti nalang nandoon pa si Baste para bantayan si Fiara.

Pagdating ko sa loob, ay umuwi na rin si Baste at mamaya nalang daw ulit bibisita. Si Fiara naman tahimik na nagd-drawing doon sa coffee table, lumapit ako kay Bong at marahan na tinapik ang balikat niya at nagising naman siya agad.

"Hey, kumain ka na ba?" I softly asked but he just smiled while his eyes are closed.

"Not yet, love" nanlaki ang mata ko at napatingin kay Fiara na napasulyap sa amin, ngumiti na lamang ako at nilingpm ulit si Bong.

"Anong love ka diyan? naririnig tayo ng anak mo" sabi ko habang nakangiti pa rin para hindi makahalata si Fiara.

"Anak natin" he even winked habang halos nawawala na ang mata niya sa mga ngiti niya.

"Ewan ko sayo kumain ka na nga rito" tumayo ako at hinanda ang pagkain sa lamesa, tumayo na rin siya at pumunta sa dining table para kumain pero nakatingin lang siya sa akin.

"Ano gusto mo subuan pa kita?"

"Oo" tumango pa siya na parang bata.

"Gago, sige na kumain ka na nga" umiling pa ako at pinuntahan si Fiara. After a few hours, nagising na si mama. Dahil nasa ospital lang naman kami buong araw wala kaming ginawa kung hindi magkwentuhan, kailangan ko rin kasi libangin si mama dahil iyon ang makakabuti sa puso niya.

Loving Mr.StrangerWhere stories live. Discover now