Chapter 47: The First Phase of Training

5 4 0
                                    

Third Person's POV

Sa emperyo ng Lestariasra, karaniwan para sa mga prinsipe at prinsesa na sumailalim sa pagsasanay sa loob ng akademya. Ang akademya ay ipinatayo upang mahasa ang kakayahan ng susunod na mga manumuno ganun na rin para sa iba pang biniyayaan ng mahika.

Ang pagsasanay ay mahalaga para sa bawat kabataan na nasa proseso pa lamang ng pag-aaral. Hinahasa sila upang magampanan ang kanilang tungkulin. Ano man ang piliin nilang buhay ay kakailanganin pa rin nila ng lakas at kakayahan magawa ito.

Bagaman maaaring iba ang pamamaraan ng pagsasanay sa mga prinsipe at prinsesa at mas nabibigyan sila ng mabibigat na ensayo, ito ay isang pangunahing aspeto ng pagpapalaki sa kanila sapagkat sila ang susunod na hahawak sa bawat kahariang hawak ng Lestariasra Empire.

Inanunsyo na ng namumuno sa paaralan na ang lahat ng grupo na siyang nangunguna sa bawat istudyante ay sasailalim sa isang matinding pagsasanay. Binigyan sila ng tigi-tigisang araw.

Makalipas ang tatlong araw at tatlong gabi ng pag-anunsyo ay nagsimula na ensayo. Sa araw na ito ay ang grupo na nasa unang ranggo ang sasabak. Itinalagang maturo sa kanila ang isang Exí Archés o ang council.

Sa ilalim ng pagsasanay ni Astera D'Alia ay makikita ang hirap sa bawat mukha ng Sirius Knights. Nasa loob sila ng kagubatan na nasa lupain ng akademya. Maraming puno at damo sa paligid. Umiinit lumalamig ang panahon sa bawat araw.

Nasa gitna sila ng gubat kung saan ay may di kalawakang malinis na parte at walang punong nakatayo. Ngunit meron namang nakapalibot na nasa dalawampong puno ruon kung saan nakaakyat ang magkakagrupo. Nasa gitna ng damuhan si Astera D'Alia at pinapanood sila.

“Cole and Nalani! Don't stop! Hanggang hindi kayo nakakarating sa dulo ay hindi kaya titigil.” Sigaw ni Astera D'Alia sa dalawang nasa may sanga ng magkaibang puno.

Ang bawat myembro ng Sirius Knights ay may tig-dadalawang batong singlaki ng kanilang ulo sa kanilang magkabilang binti. Nakagapos ang mga ito ng mahigpit habang sila ay tumatalon-talon sa bawat sannga ng puno. Ang mga puno ay hindi naman ganun kataas at hindi rin kababa. Halos sing lalaki lamang ito ng puno ng mangga.

Then there was a loud thud and crash. “Agghhh!” daing ni Cole nang mahulog siya mula sa puno at bumagsak sa lupa. Pasasalamat niya at hindi normal ang katawan nila kaya kahit masakit ay wala itong masamang epekto.

“Ahhhh!” sunod naman na sigaw ni Nalani at isang malakas na pagbagsak rin ang maririnig. Nahulog siya mula sa puno na kasunod ni Cole.

Napahawak na lamang sa noo si Astera D'Alia dahil sa dalawa. Nasa ikatatlong puno pa lamang si Nalani habang nasa pang apat naman si Cole at tatlumpo ang punong may kulay pulang tali. Senyales ito na iyon ang dapat nilang talunan. Ang kanilang mga kasama ay nauuna na sa kanila.

Maagang natapos sina Zantania at Sheia na ngayon ay naka-upo na sa damuhan malapit kay Astera D'Alia. Sunod nakatapos si Syria na agad namang sinundan ni Eos, bago si Norn.

“Congratulations Syria. You make it easy with a less effort like Zantani and Sheia. You did an excellent jump too Eos, but take is slowly. Norn, you did great also, but don't push yourself to much. I want the two of you to recovered quickly.”  pagbati nito sa tatlo na nakatapos.

“Hoo! Ang hirap nito. Pakiramdam ko ay malalaglag ang mga bato at tatama sa paa ko. Ang bigat at masakit sa balat. Akala ko mahuhulog na ako.”  Reklamo ni Syria pagkahiga niya malapit sa huling puno na ang tali ay kulay asul, senyales na ito ang goal. Medyo malayo sila kay na Zantania at Sheia.

“What are you talking about, Syria? Ang bilis mo nga at parang wala lang sayo yun.”  kumento naman ni Eos na nagbabanat pa ng buto. Makikita ang pawis sa mukha at buong katawan nito gaya ng kay Syria.

The Eternity's Lie [Part 1]Where stories live. Discover now