/72/ Que Sera Sera

222K 7.7K 2.2K
                                    

Isinira ko ulit yung blinds ng bintana at bumalik sa kinaroroonan nila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isinira ko ulit yung blinds ng bintana at bumalik sa kinaroroonan nila. Damn, it's real, napapalibutan nga talaga kami ng police squads, ng IADC agents, meron ding mass media na nasa labas, at lahat sila nakaantabay. Isa lang ang ibig sabihin ito—we're doomed.

"Hindi ako makapaniwala," Jing said with completely disbelief in her face. "How come Eliza?" napatingin tuloy kaming lahat kay Eliza na bumalik na sa usual niyang itsura, kalmado, pero nakatingin siya sa kawalan, parang lutang. "How come na hindi mo naramdaman na paparating silang lahat?!" hindi galit ang makikita kay Jing bagkus ay takot, takot na rito na masasayang ang lahat ng pinagdaanan namin.

"Jing, huminahon ka lang." pag-papakalma ni Palm dito na pumapagitna sa kanilang dalawa.

"It's my fault," Sabi ko. "Walang kasalanan si Eliza, ako ang dapat sisihin dito." Kung hindi ko sinabi kagabi na gusto kong pumunta sa rest house na 'to hindi sana kami maiipit sa ganitong sitwasyon ngayon. Kasalanan ko.

"Hey, Jill, it's not your fault either." Biglang sumingit sa usapan si Cloud, kinokontra ang sinabi ko. "We all agreed to go here kaya lahat tayo may pananagutan."

"Okay, look, tama na ang sisihan. Memoire ang tiyak na may pakana nito, sinadya nila na hindi natin sila mararamdaman pero sa pagkakataon na 'to ipapaubaya muna nila sa otoridad ang paghuli sa'tin." Saad ni Dean, sapo ang noo, "Ang dapat nating isipin ngayon kung paano natin lulusutan ang gusot na 'to." Pero makikita pa rin na hindi siya nawawalan ng pag-asa.

"Dean, do you have any idea kung paano tayo makakalusot ngayon?" tanong ni Vince kay Dean, hindi maitago ang pagkabahala dahil sa mood ng kakambal niya. "Ha?"

"Come on guys, ano ba naman kayo, maning mani na lang to kumpara sa mga pinagdaanan natin noon sa MIP."

"No, nagkakamali ka, Dean. It's not what you think." Sabi ni Eliza, "Hindi ito katulad ng mga ginawa natin noon. This is a different thing now dahil involve ang mga non-Peculiar beings." She's right. We can't show off our Peculiarities dahil una sa lahat hindi pa aware ang mundo na may mga tao na nag-eexist katulad namin.

"Ano? Pero kanina lang ginamit ni Jing yung kapangyarihan niya! Ano pa bang kaibahan nito para iligtas natin yung mga sarili natin?"

"Hindi mo naiintindihan, Dean."

"Hindi ko maintindihan ang alin?!"

"Tama na." awat ko sa kanila. Huminga ako ng malalim, natigil sila, walang umuusal ng kahit ano. We underestimated the enemy, hindi ko sukat akalain na handa silang paabutin sa ganitong sitwasyon ang lahat—makuha lang ako. This time, we can't fight those people, palagay ko pareho kami ng iniisip ni Eliza, pero alam kong may options pa siya na ibibigay sa'min. "Say it, kung ano mang naiisip mong plano." utos ko sa kanya.

"There are only two choices na pwede nating gawin." Sabi niya, "It's either we surrender or we kill them."

"B-bakit kasama sa pagpipilian na patayin sila?" nag-aalalang tanong ni Palm.

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon