Kabanata 13

949K 18.4K 2.6K
                                    

#JustTheBenefits

Kabanata 13 

"Thank you!" sabi ko sa kanya nung makarating kami sa school. Dito rin pala ang punta niya kaya isinabay niya na ako. Mabuti na lang at madaldal si Quin kaya naman kumalma na ako. My nerves would really be the death of me. Iniisip ko pa lang kung papaano ko haharapin si Parker pagkatapos kong magsinungaling sa kanya, pakiramdam ko parang sinasakal na ako.

Why can't I be one of those people na madali lang magsinungaling? Kasi hirap na hirap ako. Parang may bakal na nakatali sa leeg ko kapag may tinatago akong kasinungalingan. Hindi ako makahinga. Hindi ako mapalagay.

Nagroger sign lang sa akin si Quin. "Sure thing," he said with a smile. "Ayun si Parker, oh," sabi niya sabay turo roon sa lalaki na may hawak sa cellphone. Sobrang seryoso ni Parker. Sino ang ka-text niya? Hindi naman ako iyon dahil wala naman akong narereceive na text galing sa kanya. O baka naman naglalaro lang siya?

I was about to come to him nung maalala ko na hindi nga pala kami dapat makita na magkasama sa loob ng school.

"Sa likod mo na lang ako ibaba, pwede?" I asked him at kinunutan niya ako ng noo.

"O-kay?" sabi niya kahit na-weirduhan yata siya sa request ko. Nag U-Turn kami ni Quin at saka roon niya ako binaba sa may malapit sa library kung saan nagkikita kami ni Parker. "I won't ask why you asked me to drop you off here."

"Thank you," I said with a smile. Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong dahil wala ako sa mood na ikwento pa sa kanya kung ano talaga ang takbo ng relasyon namin ni Parker. Minsan, alam din naman pala ni Quin kung kailan siya tatahimik.

"No prob. Anytime you need me, Parker's girl."

Nagpaalam na ako kay Quin at saka nagdrive na siya paalis.

May class pa ako. I sent him a text. Ngayon lang ako sobrang nagpasalamat na mayroon pa akong klase. Nagkaroon ako ng rason na 'wag muna siyang makita. Bakit naman kasi sobrang naguguilty ako? Nagdala lang naman ako ng damit sa bahay nila Shiloah. Bakit kasi kailangan ko pang magsinungaling? Why didn't I just say na nandun ako and asked him to pick me up? E 'di sana hindi ako nahihirapan ng ganito ngayon!

Alright, babe. Coffee shop muna ako. He replied. Nakahinga ako nang maluwag. Mayroon pa akong isang oras at kalahata para makapag-isip ng magandang paraan para sabihin kay Parker na nanggaling ako kay Shiloah. Ayoko na magalit na naman siya sa akin... Ilang araw na hindi ko siya nakita tapos ito na naman?

And he drove for hours just because I wanted to see him. He didn't deserve another headache from me.

Pumasok ako sa loob ng room. Nandun na iyong prof namin. Mabuti na lang at hindi ako pinagalitan. Dumiretso ako sa pwesto ko nung mapansin ko na wala si Shiloah sa upuan niya... at wala rin si Candy.

Saan sila nagpunta?

But that's the least of my concern. Kung gustong magcut ni Shiloah, bahala siya sa buhay niya. Malaki na siya at grades niya naman ang maaapektuhan... And it's not like kailangan niya ng magandang grade. Pretty sure he'd live a wealthy life kahit bagsak lahat ng subjects niya.

But you know he's not like that... Bulong ng isip ko. God! Pwede bang kahit ilang oras lang tantanan ako ni Shiloah?! Kahit isip ko ayaw akong patahimikin!

Pinilit ko na magconcentrate sa klase. Mabuti na lang pala at pumasok ako dahil ang daming idiniscuss ngayon. Kung hindi ako pumasok, ang dami kong mamimiss lalo na at exams na next week. Nung matapos ang klase, nagsabi pa iyong prof namin na walang klase sa susunod na meeting. Binigay niya na rin iyong scope para sa exam. Sinabi niya rin na sabihin na lang namin sa mga absent iyong announcements niya.

Just The Benefits (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon