WA [DR] 35 - Stolen Memories

49.7K 1.7K 138
                                    

Comments will be highly appreciated :))

WA 35 – Stolen Memories

Ilang araw na ang lumipas, ganoon parin ang ginagawa namin. We went for a quest, fortunately, we made it until the end. Ilang araw na lang, matatapos na ang League. After I passed out, nag away kami ni Uryll dahil doon. Napagalitan din kami ni Sir Borris.

Hindi natatapos ang mga pinapagawa sa amin na hindi kami umuuwing walang sugat. Sa limang paaralang kalahok, two were down already. Hindi na sila makakabawi kahit manalo pa sila sa sususnod na quest. Some of the participants are badly wounded.

Catherine and Daphne are good at combining Imaclums. Isa sila sa nakatalo sa isang challenger galing sa Siniara. Sa tuwing nagkakasalubong kami, isang irap lang ang nakukuha ko galing kay Catherine. Daphne was just stoic. No emotions are visible. Ni hindi ko nga siya magawang lapitan dahil natatakot ako sa magiging reaksyon niya.

Kapag nasa iisang lugar lang kami, palaging galit si Uryll. Nakikita ko naman na nahihirapan siya. For how many years, ngayon lang ulit sila nagkita ni Daphne. I can feel the tension. Hindi niya man batid pero ramdam ko siya.

Now, sir Borris is lecturing us about teamwork. "Ang tigas ng mga ulo niyo! Hindi niyo ba maintindihan na kapag nagkahiwalay lang kayo, mas madali nila kayong mapapatumba!" He's pointing fingers at us. Wala akong masabi, mas lalala lang ang sitwasyon namin kapag nagsalita pa ako. Uryll is not talking, too. Pareho kami ng iniisip ngayon. Saka, pagod na rin kami makipagtalo kay Sir. "Never leave each other! That's the rule! Ang tanga niyo pareho!" he shouted.

Napapikit ako dahil sa kakaibang takot na nararamdaman ko kay Sir. "Kapag nasugatan ang isa sa inyo, humanap kayo ng pwedeng mapagtaguan at gamutin niyo kaagad ang sugat bago pa man lumala. Huwag niyo na patagalin pa, at baka maulit ang nangyari kay Nathalia!"

Uryll hissed and draped an arm in the headrest. He closed his eyes as if the topic is not that interesting. Hindi naman talaga. "Look at you! Ayan! D'yan kayo magaling!" Padabog niyang ibinagsak sa harapan namin ang baso na hawak niya. Walang pasabing lumabas siya ng kwarto. Napabuntong hininga ako.

Damn! Ang hirap ng ganito.

Napatitig ako kay Uryll na nakapikit pa rin. "Hoy," inalog ko siya. Hindi siya gumalaw. "Hindi ka talaga natutulog, alam ko..."

Hindi parin siya dumidilat. "What?" Masungit niyang tanong.

"Anong gagawin natin bukas?" tanong ko pabalik.

Dumilat siya at bumaling sa gawi ko. "Another quest." Tumayo siya at tinapik ako sa balikat. "Rest Nathalia. Marami tayong pagdadaanan bukas." Walang pasabing iniwan niya ako sa sofa at pumasok na sa loob ng kwarto niya. Napabuntong hininga na lang ako at napasandal sa sofa.

It is really hard to care too much to the person who wouldn't even budge to care too... I care for Uryll. Pero bakit ganoon? Wala siyang pakialam sa sarili niya. Nandyan na si Daphne. Alive and kicking! Hindi niya pa rin magawang lapitan at kausapin. Kapag nagsisimula akong mag tanong sa kanya, palagi na lang niya ako pinapatahimik. Freebies na ang mga mura na natatanggap ko mula sa kanya.

He's too bitter to care.

Napabuntong hininga ulit ako. I need some fresh air. Tumayo ako at lumabas ng dorm. Gusto ko munang lumabas para makapag-isip ng mga possible naming gawin bukas.

I was walking in the dark side of the hallways when I saw a familiar figure. Napatigil ako at pinagmasdan ang babae na nakatalikod sa akin at nakaupo sa isa sa mga kahoy na upuan. She's Kristelle Ponce from Clefwiths. Kasama siya nina Catherine at Daphne.

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon