Chapter 50: It's Over

23.5K 532 48
                                    

a/n: hate to drop this Queens but this is NOW the final chapter. Yup, the last chapter before the epilogue. Stay updated for the epilogue. And one word, sorry.

--

Brown-Eyed Queen

Chapter 50: It's Over

--

Third Person's POV


Gulat at pagtataka ang rumehistro sa mga mukha nilang apat pero hindi mawawala ang galit na nagsisimula ng umapaw sa kanilang mga kalooban lalung lalo na si Tyrone.


"Vera.." hindi makapaniwalang saad ni Tyrone nang makitang lumabas si Vera.


"A-anong ibig sabihin nito?" utal na tanong ni Axel sa kanya. Pakiramdam nila ay napaglaruan sila ni Vera. Ginamit lamang.


Wala silang narinig na anumang salita kay Vera. Sa halip ay sumenyas lamang ito sa mga kasamahan ni Sena. Muli silang kinaladkad at ikinawit ang mga kadena nila.


"Ano ng plano mo sa kanila?" tanong ni Sena kay Vera nang makalapit siya rito.


"I'll kill them. Uunahin ko si Damon." deretsahang sagot ni Vera at naglakad papalapit kay Damon.


Naghanda na si Damon sa nalalapit niyang katapusan. Alam niyang hahantong ang lahat sa ganito. Ito na siguro ang karma niya sa pagpatay kay Veronica pero hindi maikakailang minahal niya ito ng sobra.


Iniangat niya ang baril at itinutok iyon kay Damon at tinignan niya ito ng malamig sa mata. Samantala, nanlaki naman ang mga mata ni Tyrone sa gagawin ni Vera.


"Vera! What are you doing?!" Wala siyang kaide-ideya kung bakit iyon ginagawa ni Vera.


Ngunit tila nahigit nila ang kanilang mga hininga at tumigil ang oras ng mga sandaling iyon dahil sa di inaasahang pangyayari.


"Game's over, guys. Face the shitty reality." wika ni Vera at humarap sa kanila. They were dumbfounded on what she did and said.


"Vera..Why? Why are you doing this?" nanlulumong tanong ni Tyrone. Ang daming tanong na bumabagabag sa kanya ngayon. He demands an answer.


"I thought you're--" Axel's words were cut off when Vera spoke.


"An ally?" pagpapatuloy niya ng dapat sasabihin ni Axel. "Don't try to make me laugh. All of it was just a game. A game where in you're all the prey and I'm the predator. Too bad, you're all fell on my trap."


"You just used us." Warren spoke to his conclusion.


"Exactly." pagsang-ayon niya sa sinabi ni Warren na totoo naman.


"Why?" Nagtutubig na ang kanyang mga mata at nananakit na ang lalamunan niya. Pakiramdam ni Tyrone ay sasabog na siya sa naghahalong galit at sakit na nararamdaman niya. "Why..are you doing this?"

BROWN EYED QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon