Chapter 8

3.6K 118 1
                                    

Bahagyang napasandal sa silya si Nikki pero hindi ito bumibitiw ng tingin sa kanya.

"Hindi mo kailangang magpakasal sa akin. You only need to act." Inilayo ni Cedric ang mukha sa dalaga atsaka siya sumandal sa upuan. "Ano? Payag ka?" tanong niya.

Hindi agad nakakibo noon ang dalaga na noo'y nakatingin lang sa kanya.

"Hindi kita pipilitin kung ayaw mo. May iba pa naman akong pwedeng pakiusapan. Pero hindi ka na pwedeng mag-stay dito," ani Cedric na noo'y tumayo na.

Nakatalikod na siya nang mapatayo sa upuan si Nikki. "Sige, payag ako! Ano ba'ng kailangan kong gawin?"

Lihim na napangiti si Cedric bago ito humarap sa dalaga. "Anytime soon, babalik sa Pilipinas ang mommy ni Migui. Siguradong maghahabol iyon sa custody ng bata. Masyado akong abala sa trabaho kaya kailangan ko ng asawang mag-aasikaso sa anak ko. Sa ganoong paraan lang ako magkakaraoon ng laban sa korte."

"Pero hindi ba mas delikado 'yong gagawin mo na 'yon? Paano kung malaman nila na hindi tayo totoong mag-asawa?" tanong ng dalaga.

"Pwede ko namang sabihing nagli-live in palang tayo at nagbabalak palang magpakasal. Ang importante ma-prove ko sa kanila na may mother figure ang bata sa poder ko at hindi siya napapabayaan."

Bahagyang napatango ang dalaga nang maintindihan ang pinupunto niya.

"Ano? Deal?" naniningkit ang mga matang tanong ni Cedric.

"Bawal abusado, ha? Hindi natin gagawin ang ginagawa ng mag-asawa, pagiging mommy lang ang gagawin ko," ani Nikki.

Natawa si Cedric. "Of course! Hindi mo naman kailangang alagaan ako. Pero siyempre may pagkakataong kailangan mong mag-act as my wife lalo na kung may ibang tao."

"Ano'ng mga pagkakataon naman 'yon?"

"Basta! We'll cross the bridge when we get there. For now, kailangan niyo munang lumipat sa kwarto ko ni Migui," ani Cedric atsaka ito tumalikod.

Napaawang ang mga labi ng dalaga. "What?! Do I really have to do that?" sigaw nito.

Lihim na napangiti si Cedric habang naglalakad papalayo. "It's my turn, Nikki. Tingnan natin kung hindi mo kainin ang sinabi mo na hinding-hindi ka mapo-fall sa akin."

"Ano ba 'tong napasok mo, Nikki?" sambit ng dalaga habang nakatanaw sa binata. Alanganin ito sa pinasok nitong sitwasyon pero wala naman itong choice. Iyon na kasi ang pinakaligtas na lugar para sa dalaga sa ngayon. Lalo't wala pa itong lakas ng loob magpakita sa kanila. Muling naupo sa silya si Nikki. Itinukod nito ang magkabilang siko sa mesa atsaka ito nagtakip ng mukha.

"Nakita ko na po si Nikki," nakangitng bungad ni Cedric kay Manang.

Napatingin sa kanya ang matanda. "Talaga? Saan?"

"Dito sa bahay," nakangiting sagot niya habang naglalakad papasok. Naupo siya sa gilid ng kama malapit kay Manang.

Natawa si Manang Beth. "Naloloko ka na ba? Paano naman mapupunta rito si Nikki?"

"Kusa po siyang dinala sa akin ng tadhana," natatawang sabi niya.

Kunot noong napangiti ang matanda.

"Si Mika po si Nikki," dugtong niya.

Napaawang ang mga labi ni Manang Beth sabay napangiti. "Talaga? Kaya naman pala magaan ang loob ko sa batang 'yon. Hindi niya na rin ako namukhaan, ano?"

"Paano naman po kasi sobra na ang inilapad niyo ngayon, Manang. Sexy pa po kayo noon, eh," natatawang sabi niya.

"Naku, nagsalita ang may laman. Parehas lang naman tayong payatot noon," natatawang sabi nito. "Alam na ba niya?"

"Hindi ko pa po sinasabi sa kanya. Gusto ko po kasi munang kunin ang loob niya."

"Nasabi mo na ba sa pamilya niya?"

"Bukas po bibisita ako sa kanila."

"Ano ang plano mo?"

Gumuhit ang malaking ngiti sa mukha ni Cedric habang nakatitig kay Manang pero hindi siya sumagot.

"Nikki," narinig niyang tawag ni Cedric. Napatanaw siya sa bintana kung saan nakadungaw ang binata.

"Umakyat ka na rito, nagising si Migui," anito.

Walang kabuhay-buhay na tumayo si Nikki at dumiretso sa silid ng bata pero wala na ito sa silid nang datnan niya. Napabuga muna siya ng hangin bago siya naglakad papunta sa silid ni Cedric. Malayo palang dinig na niya ang pagpalahaw ng bata kaya napatakbo na siya. Inaalo-alo na ni Cedric ang bata nang madatnan niya pero hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak. "Baka nagugutom," aniya nang bumungad siya sa pinto. Agad namang lumapit sa kanya si Cedric atsaka nito ipinasa sa kanya ang bata. "Ako na lang ang magtitimpla ng gatas," anito atsaka ito lumabas. Ipinaghele ni Nikki ang bata hanggang sa unti-unti na itong tumigil sa pag-iyak. Pipikit-pikit na ito sa antok habang marahan niya itong niyuyugyog hanggang sa unti-unti na itong nakatulog.

Tulog na tulog na ang bata nang makabalik si Cedric. Nakahiga na ito sa kama habang tinatapik-tapik ni Nikki. "Mukhang hindi ka naman mahihirapang maging mommy sa kanya," ani Cedric habang iniaabot ang gatas ng bata sa kanya. Sinulyapan niya lang ito pero hindi na siya kumibo.

"You can sleep with Migui. Dito na lang ako sa couch," ani Cedric na noo'y inilatag na ang katawan sa sofa. Labag man sa loob niya, napilitan siyang sundin ang rules ni Cedric para hindi siya paalis.

Palabas na ng bahay ang tita ni Nikki nang dumating si Cedric sa mansiyon. Namilog ang mga mata nito at napatakip sa bibig nang mamukhaan siya. "Hey! Hindi ba't ikaw 'yung Boss ni Nikki? What are you doing here?" namimilog ang mga matang tanong nito.

Sasagot sana siya nang may biglang magsalita mula sa likuran niya.

"Cedric, Apo! What a pleasant surprise! Mabuti naman at nadalaw ka," kapwa sila napalingon sa matanda.

Napakunot ang noo ng tita ni Nikki habang si Cedric naman ay agad na lumapit sa matanda at nagmano. "How are you, Lolo?"

"Lolo? Magkakilala kayo ni Papa?" nanlalaki ang matang tanong ng tita ni Nikki.

Natawa ang matanda. "Belle, naman. Hindi mo ba natatandaan si Kyle-Kyle?"

"Ikaw si Kyle?" hindi makapaniwalang tanong nito.

Ngumiti si Cedric. Naglakad siya papalapit sa babae atsaka siya nagmano. " Sorry po, Tita. Hindi ko po na-introduce nang maayos ang sarili ko kanina."

"Wow! Of all people, sa'yo pa talaga napatakbo si Nikki," nangingiting sabi nito.

Napakunot ang noo ng matanda. "What do you mean?"

Nangingiting bumaling ang tita ni Nikki sa matanda. "Papa, siya po ang boss ni Nikki na ikinukwento ko sa inyo."

Gumuhit ang malaking ngiti sa mga labi ng matanda. "Talaga? Na sa'yo si Nikki?"

Napayuko ang binata. "Pasensiya na po kayo, Lo. Hindi ko po agad nasabi sa inyo. Gumamit po kasi ng ibang pangalan si Nikki. Kaya hindi ko po siya agad nakilala. Nabuking ko lang po siya nang makita siya ni Tita sa restaurant kahapon. Tinakot ko nga lang po siya kaya ko napaamin," nangingiting sabi niya.

"Eh, kung ganun naman pala. Ituloy na natin ang kasal," excited na sabi ng matanda.

Alanganing napangiti si Cedric. "Iyon po sana ang ipapakiusap ko sa inyo, Lo."

"Bakit? Ano ba 'yon, Apo?"

"Baka po pwedeng bigyan niyo muna kami ng time na kilalanin ang isa't isa. Gusto ko po sanang kunin muna ang loob ng apo niyo bago kami magpakasal."

Napatango ang tita ni Nikki. "Agree ako riyan, Pa. Mas okay 'yung kilalanin muna nila ang isa't isa bago sila magpakasal."

Napatango-tango ng matanda. "Kung ganun eh, pag-usapan natin 'yan sa loob kasama ng mama ni Nikki."









Destined To Be YoursWhere stories live. Discover now