Chapter 16.1: Cold Shoulder

36.6K 1.8K 149
                                    

UNEDITED. TAMAD. ENJOY READING!


DENISE


Masaya kaming nag-uusap ni Axel sa pasilyo pagkatapos naming kumain ng agahan. Patungo na kami sa kanya-kanyang silid. Natigilan ako sa paglalakad sa silid ko dahil napansin kong nakasandal si Prius sa pader at nakahalukipkip doon. Nakatingin din siya sa 'min ni Axel. Kitang-kita ang pagkunot ng noo at bahagyang pagsingkit ng mga mata niya. Tila hindi niya nagustuhan na magkasama kami.


"Hey, Prius," bati ni Axel na walang pakialam sa tingin ni Prius. Axel doesn't care even if Prius was angry or not.


"Axel," nakasimangot na bati ni Prius.


"Papasok na ako sa silid ko Axel. See you inside the game," mahinang sabi ko pero alam kong narinig ni Prius 'yon.


"Sure. See you," nakangiting sabi ni Axel sa 'kin. "Prius, I'll go ahead," nakangising sabi ni Axel kay Prius. Sa tingin ko, pasimple niyang inaasar si Prius. Muntik na akong mapasimangot nang maglakad na si Axel sa silid niya. Baliw talaga si Axel. Pakiramdam ko mas lalo niyang ginagalit si Prius. Lumunok ako. Inipon ko lahat ng lakas ko. Naglakad na ako patungo sa pinto ng silid ko kahit nasa gilid lang si Prius at hindi gumagalaw.


"Wala ka bang sasabihin?" he suddenly asked while I'm opening the door with my key. Hindi ko alam kung bakit hindi pumapasok agad ang susi sa keyhole. Mas lalo tuloy akong kinabahan sa pagtatanong niya. Bumilis ang tibok ng puso ko kahit wala namang katanggap-tanggap na dahilan. Ipinagpatuloy ko ang ginagawang pagbubukas sa pinto.


"Ano naman ang kailangan kong sabihin sa 'yo?" takang tanong ko sa kanya pero hindi siya tinitingnan. Nagpasalamat na lang ako nang bumukas na ang pinto ng silid ko. Agad akong pumasok pero kumunot ang noo ko nang sumunod siya sa 'kin bago ko pa maisara ang pinto. Damn! I can't make my heart beat steady!


Kinagat ko ang labi ko. Ginawa ko ang buong makakaya ko upang tingnan siya nang masama. I shouldn't let my guard down.


"Why did you leave?" he frowned. Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit big deal sa kanya.


"Gutom ako. At kung maglalandian lang naman kayo ng Mari na 'yon sa harapan ko, hindi ako mabubusog," mataray na sabi ko sa kanya. Nakataas pa ang isang kilay ko. Ayokong ipahalata na kinakabahan ako. Bakit ba kasi ako kinakabahan? Well, maybe because it's dangerous to be around him. My heart is not safe with him.


"At saka hindi naman ako pumayag na kumain tayo nang magkasabay. Why are you making this a big deal?" dagdag ko pang tanong.


"I told you I'll join you for breakfast," sagot niya.


"Kumain na naman kayo ni Mari, 'di ba?" naiinis na tanong ko sa kanya.


"Because you leave and you eat with Axel," seryosong sagot niya sa 'kin.


"Kung ganu'n, kasalanan ko pa? She's your childhood friend. Mas dapat kang sumama sa kanya dahil matagal na kayong magkakilala. Mas magkakasundo kayo," naiiling na sabi ko.

Alkia Kingdom: Beyond the Ranking QuestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon