Chapter 42: Thank you

424K 13.8K 14.1K
                                    


Nate's POV

Minsan talaga medyo naniniwala na ako kapag sinasabi nila sa akin na may tama raw ako sa ulo. Siguro nga may turnilyo ako sa ulo na maluwag o ang mas malala, baka natanggal na.

Napalunok na lang ako nang mapag-isip-isip ko lahat ng mga pinagsasabi ko sa harap ng magulang ni Tamara. Nakakabanas naman! Bakit ba kasi delayed minsan ang utak ko sa pagproseso ng mga bagay? Parang ang bobo ko. Tsk.

Tama nga sila. Hindi pwedeng makuha ng isang tao ang lahat sa buhay. Kaya siguro medyo mahina ang utak ko kasi kung magiging matalino ako, sobrang perfect ko na. Unfair naman sa iba.


"Tay, ano po – "


Natigil sa pagsasalita si Tamara nang tumawa ng malakas ang tatay niya. Para na ngang hindi siya makahinga sa ginagawa niya. Ang nanay naman niya ay tumatawa na rin pero hindi kasing grabe ng tawa ng tatay niya.

Nagkapalitan kaming lima ng tingin. "Uhh, bakit tumatawa sila?" bulong sa akin ni Hailey.


"Hindi ko alam. Tumawa na lang din tayo," sagot ko sa kaniya at nakitawa sa magulang ni Tamara.


May pagkauto-uto rin naman ang apat na 'to kaya sinunod nga ang payo ko na tumawa. Nang tumigil na ang tatay ni Tamara ay tumigil na rin kami.


"Ano nga ulit pangalan mo, hijo?" tanong niya sa akin.

"Nate po."

"Nate," tatango tango niyang sabi at humarap kay Tamara. "Gusto ko ang kaibigan mong 'to."

"Para siyang tatay mo, Tamara. Joker," dagdag pa ng nanay niya.


Hay. Buti naman at hindi rin pala sila nakaligtas sa charms ko.

Ikwinento nila Piper at Hailey sa kanila ang dahilan kung bakit suspended kami. Hindi sila natuwa pero hindi rin naman sila nagalit. Pinagsabihan nila kami na sa susunod, huwag nang sumabak sa gulo.

Ang astig lang ng magulang niya. Kung anu-ano na rin ang ikwinento nila sa amin. Gusto pa ng tatay niya na sa kanila kumain kahit nakakahiya raw ang ulam nila, na hindi naman talaga nakakahiya kasi naaamoy ko 'yong luto ng nanay niya at gustong gusto kong makikain, pero tumanggi kami kasi gagabihin kami. Suspended na nga, gabi pa umuwi. Lagot kami lalo kapag gano'n.


***

"You're what?" tanong ni Tita Yannie.


Napatigil sa pag-aayos ng pinagkainan namin sila Mama at napatigil sa pagkwekwentuhan sila Papa. Binalot kami ng sobrang katahimikan at naririnig ko na ang mga kuliglig. Sinabi ni Warren na suspended kaming apat pagkatapos namin magsikain.


"Suspended po kami ng tatlong araw," ulit ni Warren sa sinabi niya.


Napalunok ako nang bumalik silang lahat sa mga upuan nila kanina. Napatingin ako sa tatlong kasama ko. Nakayuko si Hailey habang hindi naman makatingin sa mga magulang namin si Pipes. Si Warren naman ay napalunok samantalang ako ay parang maiihi na sa kaba.


"Teka lang. Teka lang. Tama ba dinig ko? Suspended kayo? Suspended talaga kayo?" tanong ni Tita Ayu.

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon