/4/ The List

538K 17.5K 3K
                                    

"OH my gosh!" reaksyon ng babaeng nakabangga ko, natumba yung inumin nya sa tray at natapunan ng soda ang braso ko kung kaya naman ay agaw eksena kaming dalawa sa loob ng cafeteria

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"OH my gosh!" reaksyon ng babaeng nakabangga ko, natumba yung inumin nya sa tray at natapunan ng soda ang braso ko kung kaya naman ay agaw eksena kaming dalawa sa loob ng cafeteria. Nagbulungan na naman ang mga ibang estudyante na kumakain doon, lalo pa't nakita nila ko. 

"Geez, Morie, hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo." yeah, hindi naman talaga ko tumitingin eh, "Muntikan mo ng mabasa 'tong relos ko." ipinakita pa ni Alexi Sabina ang latest version ng CX watch sa braso nya, isa iyong mamahaling modelo ng relos.

"Papalitan ko na lang yang inumin mo." Kasalanan ko naman talaga dahil hindi nga hindi ko siya nakita.

"No, thanks. I can afford another one." lalagpasan ko na sana siya pero mukhang nag-eenjoy pa sya sa atensyon na nakukuha, hinarang nya pa rin ako. 

"Well, well, trending ka na naman sa academy, huh." tila ipinaparinig pa nito ang sinasabi sa ibang tao, "Hindi ka man lang ba nahihiya? Or sadyang attention seeker ka la—OMG!" bigla ko kasing binuhos sa braso nya yung natitirang laman nung baso. Nabasa tuloy yung pinakamamahal niyang CX watch, her face was priceless.

"Oops, sorry, di ko sinasadya." 

"How dare you!"

"Kung gusto mo ng atensyon, bibigyan kita."

Humarap pa ito sa mga tao, "Nakita niyo ba yon?", humarap ulit sakin,  "Napaka-mean mo Morie!" nilagpasan ko na siya, "I hope na maupdate na yung blog!" napantig yung tenga ko nang banggitin nya yung blog. Hindi ko napigilan ang sarili ko, hinarap ko ulit si Sabina at tiningnan siya ng masama.

And there you go. I already saw it behind her eyes, but hell, I don't care, sinasama ang araw ko sa pesteng blog na yun!

"What's with that look?" nang-aasar pa nitong sabi, "I bet, pinapatay mo na ko ng dalawang beses sa isip mo?"

Ismid lang ang sinagot ko sa kanya na ikinainis niya. Gagantihan pa sana ako ni Sabina pero biglang may pumagitna sa'ming dalawa. 

"Morie, kanina pa kita hinahanap." bago pa ko makapalag, nahila na ko ni Enriquez papalayo roon. Hindi ko alam kung bakit lagi siyang nakangiti, lagi tuloy naniningkit yung mata nya na halos di mo na makita, nakasukbit pa sa balikat niya yung gitara. 

Bumitaw ako sa kanya nang makalayo na kami roon.

"Pasalamat ka, mabait ako, kahit may utang ka pa sa'kin." bigla niyang pinisil yung ilong ko at hinawi ko naman agad yung kamay niya, "See you." he waved, tumalikod na siya para umalis, pero huminto sya saglit at sinabing, "And.. I really don't mind at all...whatever written on that blog." then he walked away. So alam na rin pala ni Enriquez.

The Peculiars' TaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon