IX

61.2K 2.7K 715
                                    

IX

ISAAC

AGAD HINAGILAP NG paningin ni Isaac si Cristina pagtapak niya sa presinto. May nagbigay kasi ng impormasyon sa kanya na naroon nga ang dating asawa. Maigi nalang at mabilis niyang natagpuan ang babae. Tulala ito na nakaupo sa opisina ng kanilang police chief na si Joshua Ariola.

Patakbo siyang pumasok sa salaming pintuan upang lapitan ito.

Tila naman nagkaroon ng kulay ang blankong mga mata nito nang makalapit siya rito.

"I-Isaac..." nabasag ang tinig nito. Tumayo ito at agad na yumakap sa kanya. "I-Isaac, si Flexus... nawawala si Flexus, tulungan mo ako..."

"Gagawin  lahat ng makakaya ko..." Gumanti siya sa yakap nito.

Kumalas sa kanya ang babae. "N-natatakot ako..." Tigmak ng mga luha ang magandang mukha nito. "N-natatakot ako na baka may nangyari sa kanyang masama..."

"Ano bang nangyari? Nagtalo ba kayo?"

Umiling ito. "N-nag-empake pa siya nang gabing iyon bago siya nawala dahil plano naming mag-out of town. P-paggising ko kinabukasan ay wala na siya. P-pero nakakapagtaka lang na wala man lang bawas ang gamit niya..." Humawak ito sa mga kamay niya. "N-nararamdaman kong may masamang nangyari sa kanya... N-nararamdaman kong napahamak siya..."

Napabuntong-hininga siya. "Mag-iimbistiga muna ako sa mga nangyari, Cristina." Bumitaw siya sa mga kamay nito at humawak siya sa magkabila nitong balikat. "Nasaan ang mga bata? Si Apple? Si Vanessa?"

Yumuko ito at hindi tumugon.

Alam niyang nahihiya lang ito magsabi sa kanya kaya pinangunahan na niya. "Habang inaalam ko ang detalye sa pagkawala ni Flexus, doon muna kayo tumuloy sa amin."

Umangat ang mukha nito. "P-paano si Madelle? Alam mo namang – "

"Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya. Gusto ko rin kasing masiguro ang kaligtasan n'yo ng mga bata."

Matagal ito bago nakapagsalita muli. "S-salamat."

Muli niya itong niyakap. "H-hahanapin ko si Flexus... kahit anong mangyari." Subalit ang totoo ay higit siyang nag-aalala sa dating asawa at sa mga anak nito.

***

MADELLE

HUMALUKIPKIP SI MADELLE nang makita niya mula sa pintuan si Isaac, na may bitbit na three-years old na baby sa mga bisig nito, kasama ang kanyang ina na si Cristina. Sa likod ng mga ito ay nakasunod ang magpi-pitong taong gulang na batang babae, si Vanessa.

Nakasimangot siya hanggang sa makapasok sa kanilang bahay ang mga ito. Nagbago lang ang kanyang mukha nang makitang nakatingin sa kanya si Vanessa.

Patakbo niyang nilapitan ito. "Kumusta ang cute na batang ito?" nakangiti siyang pinisil ang pisngi nito bago hinagkan. "Miss na kita."

Gumanti naman ng halik sa kanya ang bata. "Okay lang po, Ate Madelle." Sumungaw sa mga labi nito ang maliliit nitong ngipin.

"Anong ginagawa mo rito? Bakit ka napadalaw, ha? At bakit pumayat ka?" Aniya habang kinikiliti ito.

Miss na miss niya na ito, minsan na lang niya kasi ito madalaw sa school nito. Sabik siya sa kapatid. Naging malapit talaga siya kay Vanessa dahil nanatili pa ito sa kanila ng dalawang taon bago nadiskubreng hindi niya pala ito tunay na kapatid sa ama, na half sister niya lang ito.

Hindi ito anak ng papa niya. Anak ito ni Cristina sa ibang lalaki, don sa bago nitong asawa. Pero kahit ganon ay mahal na mahal ni Madelle si Vanessa, kahit si Baby Apple ay mahal na mahal niya rin.

InsanusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon