X

61.1K 2.6K 826
                                    

ISAAC

NAPASUNTOK SI ISAAC sa manibela ng kanyang sasakyan na minamaneho. Malalim na ang gabing at nakainom din siya nang kaunti. Hindi niya kasi matanggap ang pagkamatay ng

matalik niyang kaibigan na si Detective Bart. Parang isang tunay na ama na kasi ang turing niya sa matanda. Ito ang laging nasa kanyang tabi sa tuwing may problema siya.

Inihinto niya ang kanyang kotse at saka nagpatuloy sa pagluha. Wala sa sarili niyang tinanaw ang kawalan. Iniisip pa rin niya kung paano namatay ang matandang detective. Natagpuan lang kasi itong patay sa mismong bahay nina Cristina kung saan ito nag-imbestiga.

Pilipit ang leeg nito ganoon din ang isang pulis na kasama nito nang gabing naganap ang pagpaslang. Ito marahil ang dahilan kung bakit binabagabag siya ng kanyang isipan. Kilala niya ang matandang detective. Mautak at matalas ang isipan nito. Magaling ito sa hand combat at hindi basta matatalo. Kaya paanong tila kay bilis itong napatay ng nakalaban nito.

"B-Bart... anong nangyari?" usal niya sa sarili. "S-sabihin mo sa akin... anong nangyari?"

Ilang sandali pa'y tumunog ang kanyang cellphone. Nang makita niya ang pangalan ni JoshuaChief Joshua Ariola sa screen ay agad niya itong sinagot.

"Pumunta ka rito sa bahay nila Cristina. May ipapakita ako sa'yo." Utos nito.

Pinatay niya agad ang linya at pinaharurot ang sasakyan. Subalit agad din siyang pumreno nang humarang sa daraanan niya ang isang kambing.

"Ikaw na naman." Sabi niya sa mahinang tinig. Pagkatapos ay binusinahan niya ito.

Nagtatatakbo naman ang kambing sa kasukalan ng mga talahib.

Nang mawala ito sa kanyang paningin ay pinaandar na niya ang kotse. Ngunit hindi pa gaanong nakakagulong ang kanyang gulong ay may biglang bumagsak sa kanyang bubong. Natapakan niya agad ang preno sanhi para muling mapahinto siya. Napatingala muna siya bago siya nagpasyang umibis pababa. Dahan-dahan niyang hinugot ang baril sa kanyang tagiliran. Nililingap niya ang paligid habang humahakbang palayo upang tanawin ang bubong ng kanyang sasakyan.

Nakainom siya pero nakakaramdam siya ng kaba. Napansin niyang liblib ang lugar na kinaroroonan niya, dulo na ito ng kanilang bario.

Nang masipat niya ang itaas ay namilog ang mga mata. Mayroon kasi siyang natatanaw sa bubong na nakapatong doon. Napatanga muna siya rito nang ilang minuto at saka niya ito nilapitan. Kung hindi siya nagkakamali ay isa itong nilalang na naghihingalo at nag-aagaw buhay. Nangangatog niya itong tinutukan ng baril habang papalapit siya rito.

"A-anong nangyari sa'yo?" Tanong niya rito. Ang matapang niyang mukha ay napalitan ng pagkagimbal nang tuluyan na siyang makalapit dito.

Nilalang itong tumilapon sa kanyang bubong pero hindi tao. Ito ay iyong kambing kanina at wasak na ngayon ang katawan nito!

***

CRISTINA

NAGISING SI CRISTINA dahil sa tahol ng aso. Sa orasan siya agad napatingin pagbangon niya. Dito niya lang napagtanto na madaling araw na pala subalit hindi niya pa rin naririnig ang sasakyan ni Isaac. Nasaan kaya iyon? Bakit wala pa rin ito hanggang ngayon?

Bumangon siya at sinilip niya sa Apple sa duyan. Hinagkan niya ang bunsong anak na mahimbing sa pagkakatulog. Si Vanessa naman na katabi niya ay ganoon din kaya naman napagpasyahan niyang lumabas ng kwarto. Aalamin niya kung bakit nagtatatahol ang aso sa labas.

Ilang hakbang pa lamang siyang nakakalayo sa silid ay napahinto siya. Mayroon kasi siyang natapakang malagkit sa sahig. Ano kaya iyon? Madikit kasi sa paa.

InsanusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon