CHAPTER 26

27.4K 520 68
                                    

"Kumusta ang pakiramdam mo? Nahihilo ka ba o inaantok kana?"

Bahagya akong napangiti nang marinig ko ang boses ni Duncan mula sa kabilang linya. Nakatitig lamang ako sa apat na ngayon ay tulog na tulog na.

"Medyo maayos na ang pakiramdam ko Duncan at hindi naman ako nahihilo. Kumusta naman ang takbo ng flower farm? Maganda ba ang tubo ng mga bulaklak?"

"Ang sabi ni Leni maayos naman. Gusto mo bisitahin natin ang flower farm kapag maayos na ang lagay mo? Isama natin ang mga bata, siguradong matutuwa sila."

Umupo ako sa gilid ng kama ni Cael at hinaplos ang pisngi niya habang mahimbing siyang natutulog. Itinaas ko naman ang kumot at kinumutan siya.

"Oo, talagang matutuwa sila Duncan. Hindi pa nila naranasan ang mamasyal sa kung saan dahil sa pagtatagong ginagawa namin noon."

Nanikip bigla ang dibdib ko nang maalala ko kung paano kami nagtatago noon na para bang isa kaming mga daga na natatakot lumabas. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga karanasang 'yon.

"Huwag ka nang malungkot, ngayon siguradong malaya na kayo...ilang taon kang nawala Bea, at hindi ko alam ang hirap na dinanas mo. Pero nandito lang ako sa tabi mo, handa kitang tulungan at samahan hanggang sa makabangon ka."

Muli akong lumipat sa kama ni Cinder at inayos ang unan sa gilid niya. Tumayo ulit ako para puntahan si Corvus at hinalikan siya sa noo. At panghuli ay tumabi ako kay Bella.

"Maraming salamat Duncan...sa lahat ng tulong mo, sa pagiging tapat mo. At pakihanda ang annulment paper na k-kailangan ko. Gusto k-ko nang matapos ang lahat, p-pagod na ako..."

My voice cracked as I uttered the thing I was asking from him. Everything he had done to me hurt so much, and I wanted to be free from all the pain. I tried to understand everything, maybe he was just angry because he thought I was the one Commander sent to kill his father, but I still couldn't accept it.

I tried to understand how he felt back then, that he wanted justice for the deaths of his father and uncle, but my resentment, anger, and hatred for him were stronger.

Whatever his reason is, nothing he says will ever be enough for me to forgive him.

"Shh... Ako na ang bahala, ibibigay ko sa'yo ang hinihingi mo sa mas lalong madaling panahon. Magpahinga kana, gabi na masyado..."

Inilayo ko muna ang phone ko bago ako suminghot at muli ko itong ibinalik sa bandang tenga ko.

"Salamat Duncan... goodnight."

"Goodnight Bethany, sana makatulog ka ng mahimbing."

Kaagad kong pinatay ang tawag at napayakap ako kay Bella. Bumuhos ang masaganang luha ko kasabay ng naninikip kong dibdib. Kumikirot ang puso ko na para bang wala nang katapusan ang lahat ng sakit na nararanasan ko.

I don't want to see or talk to him until I have the annulment papers in hand. I want it to be the last time I see him when I finally talk to him about it.

However, my tears stopped when I heard my phone ringing again. I immediately picked it up and held it to my ear. It was on auto-answer when the phone was near my ear, so I didn't have to press anything to answer it.

"Duncan... May nakalimutan ka bang sabihin?"

Natahimik siya sa kabilang linya kaya napakunot noo ako. Tiningnan ko ang screen ng phone ko at bumungad sa paningin ko ang isang unregistered number.

"Sino 'to?"

Tanong ko dahil ngayon ko lang napagtanto na hindi si Duncan ang kausap ko.

"Hello? Sino 'to?"

DEVIL'S WRATH 6: Cruise Delmonio (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon